Nitong Lunes ng umaga ay nakatanggap ako ng tawag mula sa University of Santo Tomas Center for Creative Writing and Studies (UST-CCWS).
Ang nakasagot ng telepono ay ang aking ama, na akala ay ahente ng Value Vision / Home TV Shopping ang tumatawag. Kaya naman ang sabi niya, "Ay, tulog pa siya."
Buti na lang at narinig niya ang mga salitang "UST" at "Writers", kaya ayun, humangos na sa kuwarto ko.
Magandang balita pala -- natanggap ako sa 9th UST National Writers Workshop para sa kategoryang English Creative Nonfiction (English essay). Kinse ang buong bilang ng mga Fellows para sa tula, maikling kuwento, at sanaysay sa parehong Filipino at Ingles.
Sa unang linggo daw ng Abril ang aming orientation, at sa Abril din yata (o Mayo?) idadaos ang workshop....sa Baguio City.
Sa maniwala kayo't hinde, isang beses pa lang ako nakaakyat ng Baguio, at 'yun ay noong bata pa ako. (Kadalasan ay patimog ang mga paglalakbay ko sa Pinas -- Aklan, Region 4, Cebu, GenSan). Sobra sa isang dekada na ang nakaraan!
Hay. Pagkatapos ng Tagalog at tula (sa LIRA workshop), Ingles at prosa naman. Bring it on! ;)
Update: Kakaalam ko lang na natanggap din pala ang isa sa mga kasama kong LIRA Fellows ng Batch Sidhay, si Christine Magpile. Sa Filipino Creative Nonfic naman siya. Congrats, Christine! Nanalo sa DLSU Ambahan contest at ngayon naman ay USTe workshop. 'Yan ang tunay na "on a roll!"
Tuesday, March 25, 2008
Wednesday, March 19, 2008
Mga Tala: Unang Gabi ng 'Personalize It' Art Exhibit
Mula sa aking blog post sa Karimlan:
Congrats Caloy! Hanggang sa susunod na exhibit!
Mga karagdagang tala:
- 'Yung paborito kong likha doon sa exhibit (pinamagatang Sagupa) ay nagkataon palang paborito rin daw ni Caloy (ayon kay Kel).
- Muntik pa kaming masarhan ng MRT papunta pa lang sa gallery. Grrrr, Pau, grrrr! :P
- Moi, malugod na pagbati mula sa iyong mga kalipunan!
- "Virgin pa ang mga paa mo," ayon kay Karla. Quotable quote of the day.
- Pinatayan kami ng ilaw ng McDo sa Greenhills. Kami rin ang huling umalis sa Krispy Kreme.
- Ka Ma? Ka Pau? Ka Kimpoy?
- Noon ko lang nakita si Pau na sobrang bagabag ang isipan!
- Sabi ng taxi driver pauwi: "Spratlys ibinigay na nila sa Intsik. Pati Palawan. Pati nga Mindanao e, oo, Mindanao!"
- Mamang driver, pagkatapos maihatid sina Karla (sa Cubao) at Pau (sa UP campus): "O talo pala kayong dalawa nung isa niyong kasama, Fine Arts! Maraming pera do'n di ba?"
*Kalipunan ng mga Taga-Sining para sa Lipunan :D Isang munting samahan na nagsimula sa apat.
Kakagaling ko lang sa solo exhibit ni Caloy Gernale (kasintahan ni Kel Juan); kasama kong pumunta sina Pau Hernando at Karla Cachola. Ang pamagat ng eksibit: Personalize It. Ang pinagdausan: Art Informal sa Greenhills. Unang beses kong makapunta sa galeriyang iyon.
Masaya ang naging kuwentuhan at picture-taking, hehe. Maghahatinggabi na yata noong umuwi kami. Dumaan pa kami ni Pau at Karla sa McDo at Krispy Kreme sa Greenhills Shopping Centre para tsumibog.
Ang pinakamasaya para sa akin: nagkita-kita ulit ang mga kasapi ng Lipunan* (JC sayang hindi ka nakapag-leave!)…at nadagdagan pa ang bilang namin.
Para sa sining, para sa lipunan!
*Excited para sa hinaharap…*
*…kahit nilalabanan ang depresyon.*
* * *
Congrats Caloy! Hanggang sa susunod na exhibit!
Mga karagdagang tala:
- 'Yung paborito kong likha doon sa exhibit (pinamagatang Sagupa) ay nagkataon palang paborito rin daw ni Caloy (ayon kay Kel).
- Muntik pa kaming masarhan ng MRT papunta pa lang sa gallery. Grrrr, Pau, grrrr! :P
- Moi, malugod na pagbati mula sa iyong mga kalipunan!
- "Virgin pa ang mga paa mo," ayon kay Karla. Quotable quote of the day.
- Pinatayan kami ng ilaw ng McDo sa Greenhills. Kami rin ang huling umalis sa Krispy Kreme.
- Ka Ma? Ka Pau? Ka Kimpoy?
- Noon ko lang nakita si Pau na sobrang bagabag ang isipan!
- Sabi ng taxi driver pauwi: "Spratlys ibinigay na nila sa Intsik. Pati Palawan. Pati nga Mindanao e, oo, Mindanao!"
- Mamang driver, pagkatapos maihatid sina Karla (sa Cubao) at Pau (sa UP campus): "O talo pala kayong dalawa nung isa niyong kasama, Fine Arts! Maraming pera do'n di ba?"
*Kalipunan ng mga Taga-Sining para sa Lipunan :D Isang munting samahan na nagsimula sa apat.
Tuesday, March 18, 2008
Mt. Makiling Theater: Founding ng Lipunan
Sept. 16, 2007. A.k.a. surprise birthday bash para kay Kel Juan. (Sept. 17 ang habeerday ni Kel, kaso Lunes 'yun.)
Dumayo kami nina JC Sola (ang aming buthiing retratista) at Pau Hernando sa UP Los BaƱos. Pagkatapos makipagkita kay Kel ay umakyat kami sa National Arts Center, dinaanan ang Philippine High School for the Arts (kabaligtaran ata ang HS na pinasok ko!), at nag-picnic sa Makiling Theater.
Shet ang ganda ng view. At para sa isang hikain, sobrang sarap ng hangin.
Doon din pala namin 'itinatag' ang isang kalipunan ng mga batang makata (ngayon, lumawak upang isama ang ibang mga taga-sining) na nagmamahal sa lipunan.
Subscribe to:
Posts (Atom)