Sunday, April 27, 2008

UST National Writers' Workshop: Tapos Na

Subtitled: Ang Linggong Nakapagpabago ng Buhay Ko.


Ma-drama? Siyempre. Ma-drama ako e, hindi lang siguro halata sa personal.

Pero grabe talaga 'yung Uste workshop. Hindi ko inisip na magiging ganoon kaganda ang karanasan. Maganda na kung maganda ang critiques at natanggap na comments at kung ano pang mga tunay na sadya ng isang taong nagpapa-lit workshop, pero kapag tinanggal mo lahat 'yon, ang pinaka-astig -- at bittersweet -- sa Uste workshop ay ang naganap na pagkakaibigan.

Pagkakaibigan. At akala ko pa naman ay masyado nang puno ng katarantaduhan ang mundong ito.

Kaya pala ng isang linggo na ipadama sa 'yo ang buong spectrum ng mga emosyon. Kaya pala. Akala ko jaded na ako. Pero kaya pala.

Ansarap ng pakiramdam na napapatunayang mali ka sa mga pananaw mo sa mundong 'to.

***

Kina Ynna, Jack, Deb, Micah, Christine, Issa, Edel, Ge, Anna, Romeo, Rene, Melvs, Chinee, Joderic -- maraming salamat sa makabuluhan at maikli (ngunit ating pahabain pa) na pagsasama. Kina Ma'am Ophie, Sir Al, Sir Eros, Sir Cirilo, Sir Mano, Sir Carlomar, Sir Jerry, Sir Jason, Sir Ramil, Sir Sonny -- maraming salamat sa makabuluhan at mahahaba (ngunit siksik sa laman) na pagpuna sa aming mga likha. Sa Uste, syete di ko akalain na mapapalaki mo pa ang mundo ng isang wirdong galing sa sentro ng kabangagan na tinatawag na Republika ng Diliman.

Sa lahat ng nasa itaas, mahal ko kayong lahat.

At para hindi masyadong ma-drama ang kakasulat ko lang: Bow.

***

Mahal ko nga kayo pero gustong magalit sa inyo.

Pa'no ba naman kasi, di ko sukat akalain na kaya niyo akong mapaiyak! Hahaha.

Tatlong beses akong muntik magpaka-emo nitong nakaraang linggo. Ang una, pagkatapos marinig ang mala-dyakpat-sa-lotto na kumento ng mga panelist sa aking mga gawa. Hindi ko talaga inasahan. Pangalawa, noong kakatanggap ko lang ng sertipiko ng pagtatapos at may sinabi sa akin si Ma'am Ophie. Lalo pa akong na-touch noong niyakap ako ni Ynna. Pangatlo, noong tumambad sa windshield ng aming van (na sinakyan mula Nagcarlan) ang gate ng Uste sa Dapitan, gate na nagsabing "Tapos na, tapos na."

***

Salamat kay Tadhana. Pero, sori ka na lang, Tadhana, hindi ako makapapayag sa "Tapos na, tapos na" mo e.

Marami pang venue para sa pagkikita ng mga Uste Fellows. Isa na do'n ang nalalapit na LIRA poetry workshop. Fellow man o sit-in, sa LIRA tayo magkikita.

At sagot ko ang barbeque at isaw sa Sarah's.

Pero hindi ang beer.

***

Putsa, isang linggo lang 'yon?

***

Sa mga kaibigan kong naghahanap ng pics naming mga Fellows, mag-antay lang kayo. Wala akong dalang camera noon e. Inaantay ko lang na mas marami pa ang mag-upload, tapos hihiram na lang ako ng onti at ililink 'yung mga orihinal na albums nila.

***

Sa nakaraang linggo, puro 3, 4 ,5 oras lang ang naging tulog ko. Bawat gabi kasi ay inuman (Tapsi, Dapitan Square), at bawat umaga ay maaga ang gising. 'Yung huli pang gabi namin sa Casa de Tobias sa Nagcarlan ay lambanugan na walang tulugan.

Kaya parang isang buong-buo na anim na araw ang nangyari. Walang "Abangan bukas", kundi "15 minute break".

Ang nakakatawa at nakakatuwa:

Miyerkules ng umaga: sabay kaming nagising ni Ynna ng 3 AM. Sa mga malisyoso diyan, magkahiwalay po kami ng tinitirhan. Hahahaha.

Huwebes ng umaga: sabay kaming nagising ni Ynna ng 5 AM.

Biyernes ng umaga: sabay kaming nagising ni Ynna ng 4 AM.

Ynna, tama ba? Baka nagkarambol-rambol na ang mga oras sa utak ko.

But you get the drift. Kakaiba talaga lumikha ng "artistic moments" ang mundong ito.

***

Putsa, ano ulit, isang linggo lang 'yon?

***

'Yung umaga ng araw kung kelan naka-iskedyul akong isabak sa critique, ang gumising sa aking panaginip (bangungot?) ay:

"Ikaw na! Ikaw na!"

Walang biro.

***

Inaamin ko na bago ako makapasok ng Uste workshop, may mga preconceptions akong dinala. Marami rin kasi akong narinig, na komo conservative daw ang unibersidad, etsetera etsetera.

Natibag lahat ng mga preconceptions at misconceptions na 'yon. As in. Pakiramdam ko na nga ngayon ay adopted akong anak ng Uste.

Sobrang salamat talaga, UST-CCWS.

***

Lubha akong naaliw at natuwa sa mag-inang Ophelia at Al Dimalanta. Naisip ko tuloy kung meron lang din akong nanay, hehe :P

***

Noong nakaraang taon, unang beses kong bumisita sa UST-CCWS (para sa isang LIRA lecture). Unang beses ko ring nakita si Ma'am Ophie. Naalala ko pa 'yung tanong ni Ma'am kay Miss Bebang (LIRA president):

"May bilingual ba sa kanila?" (O basta, parang ganoon.)

Bebang: "Ah..." (looks around) "Si Phillip po." (O basta, parang ganoon din.)

Pero hanggang ganoon lang ang naging usapan. Noong araw na 'yon, naisip ko na astig makabalik sa UST-CCWS "sometime in the future" at bumalik naman bilang isang manunulat sa Ingles at hindi makata sa Filipino.

Kaya noong araw na na-critique ang aking mga gawa nina Ma'am Ophie, Sir Al, at Sir Eros, ang pakiramdam ko ay nakaikot na ang daigdig. At ang mga salitang umiikot naman sa utak ko:

Narito na ako. I am here. Narito na ako. I am here.

(Ispokening in tru baylingguwal fasyon!)

***

O siya, 'yan na muna sa ngayon. Babawi pa ako ng tulog at trabaho e.

Tapos na ang UST National Writers' Workshop.

At marami pang mga bagay ang napipintong magsimula.



(Sinong nagsabing ma-drama ako?)

Sunday, April 20, 2008

My Oath-taking as New LIRA Member 2008




Feb. 9, 2008: Three-in-one na okasyon sa Ferndale Homes, kung saan naninirahan si ser Rio Alma, National Artist for Literature.

1) Birthday ng dalawang premyadong makata at manunulat, sina ser Joey Baquiran at ser Bobby AƱonuevo

2) Workshop ("palihan") ng mga LIRA members at probie members

3) Panunumpa ng dalawang bagong members, sina Rhodge Fernandez at ang inyong [hindi] lingkod.

At siyempre, hindi mawawala ang mga kaibigan ng mga taga-sining -- alak, beer, at pulutan.

Lahat ng retratong ito ay hindi magiging posible kundi dahil kay pareng JC Sola, hehe.

Wednesday, April 16, 2008

Kimpo Clan: Klaudz's Despedida at Cainta




Abril 10, 2008: Despedida ni Manang Klaudz sa Brookside, Cainta. Munting salu-salo at inuman. Noong sumunod na araw kasi ay lumipad na ang nakatatanda kong pinsan patungo ng Amerika. (Dual citizen ba naman! Hehe.)

Ang mga pamilya ng tatlong kapatid ni Dad ay nakatira sa US, kaya naman paunti-unti nang nababawasan ang mga mag-fi-first-cousins na naririto sa Pinas. (~30 kami lahat...yata.) Nitong nakaraang taon ay umalis si Cheryl, ang pinsang sumunod sa akin sa edad, at ngayon naman ay umalis na rin ang pinsang sinundan ko sa edad. Ganito palang kaaga ay namimiss ko na itong dalawang 'to, hehe.

(Susunod kaya ako doon? Sa ngayong panahon na may maayos akong trabaho at nakaambang 'literary career' [pagbigyan ang nangangarap] at wala pa akong pamilyang kailangang buhayin, simple lang ang sagot. Pero sa hinaharap, hindi natin masasabi. Abangan!)

O siya, tama na ang drama. Enjoy da piks. Galing ang mga ito kay Manong RJ -- salamat Manong!


P.S. Kung may nawiwirdohan sa "Manang" at "Manong", ganoon ang tawagan naming mga Aklanon ;)

Tuesday, April 15, 2008

UST Workshop Fellows sa Inquirer

Wrong ispeling ang pangalan ko. Dobol L dapat. Hehehe.

Noong Lunes ay naglabas ang UST-CCWS ng press release sa Philippine Daily Inquirer. Sa kamalasan ay hindi ako nakakuha ng kopya. Buti na lang at pinadalhan ako ng kapwa kong Fellow na si Jack Alvarez ng scan. Salamat, Jack!

Oo, hindi na rin sa Baguio gaganapin ang workshop tulad ng sinabi ko sa nauna kong post. Cost-cutting daw kasi ang Uste kaya sa UST at Laguna na lang kami. (Ganito rin ang nangyari noong huling batch.) Ibig sabihin ba nito ay balikan ang uwi sa mga unang araw? Sa may Welcome Rotonda lang ako nakatira. Sobrang lapit.