Thursday, June 26, 2008

España, Dapitan, Eastwood




Unang linggo ng Hunyo, bago magsimula ang Palihan sa LIRA 2008. Pagbisita dapat ito ng mga UST National Writers' Workshop Fellows kay Ma'am Ophie Dimalanta, kaso wala si Ma'am sa CCWS. Kaya ang nangyari:

- kamustahan sa AB Pav (sa tapat ng St. Raymund's Bldg.)
- late lunch sa The Pit
- kaunting inuman sa Tapsi

Nauna akong dumating sa AB Pav; sumunod sina Ynna at Melvin. Pumuslit muna sandali si Melvs, at ipinasyal ako ni Ynna sa simbahan ng Uste.

Bago pala ang tanghalian ay dumaan ang pinsan kong si Jen-jen sa Uste para may kunin sa akin. Pag-uwi niya ay hinatid ko muna siya sa sa kabilang panig ng España, at pagkabalik ko sa Uste ay saka na kami pumuntang The Pit.

Pagkatapos ng Tapsi, nagkaroon kaming apat -- Ynna, Debbie, Melvin, ako -- ng isang spur-of-the-moment decision: pupunta kaming Eastwood. Para...manood ng Caregiver ni Sharon Cuneta. Napapayag na rin ako dahil wala naman akong gagawin noong gabing iyon.

Sa Eastwood, pagkabili ng tiket ay dumaan muna kami sa A Different Bookstore, kung saan nabili ko ang nonfiction na Gulag ni Anne Applebaum. Tapos, kain sa Dencio's. Tapos, sine. (Hayup, magaling pala. Muntik pa akong mapaiyak.) Tapos, magdamagang tambay at very-early-buffet-breakfast sa Something Fishy.

Halos lahat ng pics dito ay galing kay Melvin; 'yung huling tatlo, kuha sa aking camera cellphone.

Tuesday, June 24, 2008

Bagong Literary Journal: Bulawan Online

Ito ang pinagkaabalahan namin nina Ia, ser Rio Alma, at iba pa nitong mga huling linggo. Mula sa Panitikan.com.ph:


JUNE 22, 2008

BULAWAN ONLINE LAUNCHED

At his lecture in UP Diliman last June 19, National Artist for Literature Virgilio Almario was glad to launch a new website: bulawanonline.com. He serves as chief editor while Roberto T. Añonuevo, Romulo P. Baquiran Jr., Michael M. Coroza, Vim Nadera and Fidel Rillo serve as co-editors. Phillip Kimpo Jr., Sophia Lucero, Eilene Narvaez and Ernanie Rafael are the staff members.

Bulawanonline.com gets its name from Bulawan, a refereed quarterly journal published by the National Commission on Culture and the Arts. The NCCA is also one of the major forces behind panitikan.com.ph.

The maiden issue features works and commentary by Nikka Osorio, Roberto T. Añonuevo, Ronald A. Atilano, Romulo P. Baquiran, Jr., Michael M. Coroza and Virgilio S. Almario himself. Visit the new site here: http://bulawanonline.com/.

(Panitikan.com.ph)

Ayun. Nailunsad na po ang bagong premyadong lit journal, ang Bulawan Online. Ilang mahahalagang links:

Sa mga seryosong manunulat at makata (special mention: mga kasama kong LIRA Fellows noong 2007, mga bagong LIRA Fellows ngayong 2008, at mga kasama kong UST National Writers Workshop Fellows), inaanyayahan ko kayong magpasa ng mga tula, maikling kuwento, salin, at pagsusuri.

Ang bawat matatanggap na akda ay sasamahan ng pagsusuri ng mga editor ng Bul-Ol, na kinabibilangan ng ilan sa mga tinitingalang makata at manunulat sa Filipinas. Kaya kung matatanggap ka, magagawan ka ng critique nina ser Bobby Añonuevo, ser Joey Baquiran, ser Mike Coroza, ser Vim Nadera, at ser Fidel Rillo.

Kung magpapasa kayo, dehins po uubra ang panglilibre ng beer sa akin, dahil staffer at webmaster lang ako at hindi editor :P

Lubos akong nagpapasalamat kay Ia, na siyang lumikha ng kaygandang disenyo ng website. Isa na namang masterpiece ng Stellify.net, hehe. Tinapos pala ni Ia ang design (halos photo finish) kahit may malalang karamdaman.

Bumisita na sa BulawanOnline.com.

UST Workshop Fellows w/ Ophie Dimalanta




Ang unang pagbisita (pagkatapos ng UST National Writers' Workshop) ng mga Fellows kay Ma'am Ophie. A.k.a. Jack's Day. Ito na rin kasi ang huling araw na kasama namin si Jack bago lumipad tungong Saudi.

Lagpas isang buwan na 'to...May 6 ata. Ang sequence of events:

- late lunch namin ni Ynna sa SM San Lazaro, tsaka pagpapaprint ng collage ni Jack at pagbili ng picture frame
- sina Debbie at Melvin naman ang bumili ng bouquet sa Dangwa
- kita-kita sa AB Pav sa Uste (kung saan walang kamuwang-muwang si Jack sa aming inihanda, hehe)
- pagbisita kay Ma'am Ophie at ser Al; pakain ng CCWS, kuwentuhan, pagtugtog sa piano ni Ma'am, prisintahan ng regalo
- sandaling inuman sa Tapsi
- movie marathon sa Dos Castillas (sa dating tinitirhan ni Ynna); 4 na sine ba yun?
- sleep over
- da next day, lunch sa Uste
- ang pinangangambahang paghihiwalay: si Jack, para asikasuhin ang pagpunta sa KSA; si Ynna, sa kanilang probinsya sa Pangasinan.

Ang mga retrato rito ay galing kay Ynna.

Si Jack ang una kong nakilala sa Uste Fellows (liban kay Ching, na kasama ko na sa LIRA Batch 2007). Siya rin ang una kong naimbita na magpasa sa LIRA. Dapat ay kasama si Jack sa LIRA Poetry Workshop 2008 kung di lang niya kinailangang makipagsapalaran sa Saudi.

Ingat ka diyan sa disyerto, Jack! May utang pa akong critique ng novel-in-progress mo hehe.

Thursday, June 12, 2008

LIRA Poetry Workshop 2008: Inuman w/ Rio Alma




Heto ang sequel ng naunang album na LIRA Workshop 2008: Opening Day. Tulad ng nakasanayan, pagkatapos ng lecture ay dumagsa ang mga kasapi at fellows sa Sarah's beer garden.

Tulad ng naunang album, galing ang mga retrato rito kina Ynna at Melvin.

Sa lahat ng inuman sa LIRA na napuntahan ko, eto na ata ang may pinakamaraming tao. Masaya at magulo. Bangag ang ilan, sabog ang karamihan. Kasama pala namin ang ilang mga dakilang makata: ang National Artist for Literature na si Rio Alma (na tinadtad ng mga tanong ni Ynna), sina Vim Nadera at Mike Coroza (na tinadtad naman si Ynna ng mga tanong at asar), at si Jerry Gracio (na sumali sa pagtadtad ng panggagaya namin kay ____ na kras ni Ynna, ahahaha).

Pesteng Red Horse 'yan! :P

Wednesday, June 11, 2008

LIRA Poetry Workshop 2008: Opening Day




Putris. Ambilis ng isang taon. Noong nakaraang taon, simula pa lang ng LIRA Poetry Clinic 2007, wala pa akong kakilala masyado sa mundo ng literatura. Outsider ba, kumbaga. Di ko pa alam noon kung maayos ba akong tumula at sumulat sa Filipino (nauna akong mahasa sa Ingles).

Nitong Sabado, Hunyo 7, 2008, simula na naman ng bagong workshop. Nagpakilala na ako bilang bagong kasapi ng LIRA.

Ambilis.

Sa umaga: orientation ng mga bagong Fellows at pagpapakilala ng mga miyembro ng LIRA. Pito pala sa mga kasama kong Fellows sa UST National Writers' Workshop ang nakapasok sa LIRA batch '08: Ynna Abuan, Melvin Medes, AC Nadora, Debbie Nieto, Ge Paguibitan, Rhom Peña, at Rene Santillan.

Sa hapon: open-to-the-public lecture ng Ama ng LIRA, ang Pambansang Alagad ng Sining na si Virgilio S. Almario (aka Rio Alma). Pamagat: "Reklamasyon sa Pambansang Gunita."

At habang nagaganap ang dalawa, may book fair sa labas ng silid -- Anvil, Fox, at Adarna ang mga in attendance.

Galing ang mga retrato rito kina Ynna at Melvin.

Isusunod ko na lang ang mga piks ng inuman kinagabihan, kung saan nakasama namin sina ser Rio, Vim, Mike, Jerry, at iba pa. Sobrang dami kasi pag pinagsama sa iisang album lahat ng retrato!

Tuesday, June 3, 2008

Pahabol na UST National Writers' Workshop Pic

Kakatingin ko lang ng Yahoogroup ng batch namin, nailabas na pala ang retratong ito:


Kuha 'yan bago kami pumuntang Nagcarlan, Laguna. Nasa gitna si Ma'am Ophie, at nariyan din sa pic sina ser Al, ser Carlomar, ser Eros, at miss Anna (secretary ni Ma'am). Mukha akong matangkad ('yung nasa likod ni Ma'am na naka-pink) dahil sa...tiptoe power.

Hay, nakakamiss ang worksyap.

LIRA Songwriting Lecture & Cubao-X Inuman




May 24, 2008, Sabado: LIRA songwriting lecture sa bahay ni ser Heber Bartolome ("Tayo’y mga Pinoy / Tayo’y hindi Kano / Huwag kang mahihiya / Kung ang ilong mo ay pango!") sa Tandang Sora. Nagkita-kita muna kami ng ilang UST National Writers' Workshop Fellows (Ynna, Anna/AC, Melvin, Romeo) sa Philcoa kasama si Dai.

Pagkatapos ng panayam ay dumeretso kaming mga Uste Fellows sa Araneta Center; nag-tanghalian muna kami sa Gateway bago pumunta ng Cubao Expo. May booksigning kasi ang mga authors ng VPE (publisher ng Bob Ong at Zsa Zsa Zaturnnah books), at kasama si ser Eros Atalia (bumili kayo ng kanyang Peksman).

Bago sumapit ang gabi ay uminom kami sa Mogwai kasama sina ser Eros, ser Jerry Gracio (at ang kanyang kasama sa buhay), at ser Ferdie. Sayang at wala na 'yung kape mula sa tae ng alamid, gusto ko pa naman sana matikman. Naunang umuwi ang mga nakatatanda at sina AC at Rhom, at mga hatinggabi na ata kami nakauwi nina Ynna at Melvs.

Nanggaling pala ang mga pik dito kay Ynna.

Sunday, June 1, 2008

UST Writers' Workshop Fellows: Survivor Sampaloc


Ynna, Jack (kausap si Renato sa fone), Melvin, ako (nakaupo), Anna (sa likod), Debbie, Ge, Rhom.

Ilang araw pagkatapos ng 9th UST National Writers' Workshop sa Uste at Laguna, nagkayayaan ang mga Fellows at si ser Eros Atalia na mag-lambanugan at overnight sa (dating) tirahan ni Ynna sa Sampaloc. Unang linggo 'to ng Mayo.

Para sa apat na nilalang, muntik pa ngang maging dalawang gabi ang overnight, dahil maghahatinggabi na kami umuwi nina Debbie, Jack, at Melvin noong 2nd night. Para sa kumpletong buod (haha, summary) ng mga kalokohang naganap, basahin ang blag post ni miss Ynna Abuan a.k.a. Binibining Malayang Diwa. (At oo, kay Ynna pala ang mga retrato rito!)