Thursday, July 31, 2008

Ikalawang Isyu ng Bulawan Online / Bulawan Online 2nd Issue

Lumabas na po ang ikalawang isyu ng Bulawan Online, tampok ang mga tula, pagsusuri, at panayam nina Charles Tuvilla, Phillip Kimpo Jr., Roberto T. Añonuevo, Michael M. Coroza, Vim Nadera, at Virgilio S. Almario.

Magpunta lamang po sa www.bulawanonline.com.

Mula sa mga editor:

ISYU BLG. 2, TOMO 1. Ipinagmamalaking ilathala ng Bulawan Online sa isyung ito ang katangi-tanging mga akdang pampanitikan sa mga buwan ng Agosto-Setyembre 2008.

Mga sipi mula sa mga akda:

Estetika at Pagtanaw hinggil sa Dalawang Lungsod, pagbása ni Roberto T. Añonuevo sa mga tula nina Charles Tuvilla at Phillip Kimpo Jr.:

Maaaring tanawin ang lungsod sa iba't ibang paraan, at isa sa rito ang pagtatanghal sa punto de bista ng isang tagalungsod na dumadama sa loob ng lungsod at tumatanaw papalabas ng sakop nito at tanging siya lamang makababatid. O kaya'y tingnan ang lungsod mula sa labas nito, nang sa gayon ay mabatid ang kabuuan ng lungsod na hindi mababatid ng tao na nasa loob nito at ang sipat ay limitado. Ang ganitong pagtanaw hinggil sa lungsod ang ipinamamalas ng mga tulang "Sa Unang Ulan ng Mayo" ni Charles Tuvilla at "Talà" ni Phillip Kimpo Jr.

Mga Varayti ng Wikang Filipino: Isang Pag-uusisang Teoretiko, pagsusuri ni Michael M. Coroza:

Ngunit kahit Tagalog ang pinagbatayan o kahit na sabihing di-na-gaanong Tagalog ang Filipino, malaki na talaga ang iniunlad ng wikang pambansa. Dahil sa pagtataguyod na iniukol ng mga paaralan at ng mass media, higit sa lahat, naging malaganap ang wikang pambansa na kung tawagin mang Tagalog o Filipino ay hindi na mahalaga pa sa mga mamamayang gumagamit. Obserbasyon nga ni Virgilio S. Almario, "Kailangan lamang tingnan ang paglusog ng komiks, pelikula, at awitin sa Filipino para makilala na tinatanggap at naiintindihan ito sa buong bansa."

Ang Mundo Ayon kay Geron Munar, pagsusuri ni V.E. Carmelo D. Nadera Jr. sa Poro Point: An Anthology of Lives (Poems, 1955-1960) ni Alejandrino G. Hufana:

Malimit ding ihambing ang kanyang panulaan sa isang katedral na yari sa magagaspang subalit mamamahaling bato.

Ano't ano man, ang kapangyarihan ni Hufana ay iyon na nga – ang kakayahan niyang maging magaspang pero mamahalin – dahil nagagawa niyang paghugpong-hugpungin ang dalawa o higit pang anyo, ang dalawa o higit pang nilalaman, at dalawa o higit pang wika.

Para kay Dr. Marcelino Foronda Jr.: "What Pacis is to Ilokano short fiction, Alejandrino Hufana is to Ilokano poetry. While Hufana's is a new voice in Ilokano poetry, his tremendous poetic gifts are readily apparent in his few published poems in Ilokano."

Ehersisyo sa Pagbasa ng Isang Katutubong Bugtong, pagsusuri ni Michael M. Coroza:

Sa anong paraan man tingnan, laging parang kinakapos ang mga awtor ng textbuk sa pagpapaliwanag kung bakit isang tula ang bugtong. Nakokontento na lamang sila sa paghahanay ng ilang bugtong kasama ang mga kaukulang sagot. May ilan ngang bumabanggit na bilang tradisyonal na tula, ang bugtong ay may sukat, tugma, at talinghaga. Ngunit walang iniuukol na paliwanag kung bakit ito matalinghaga.

DAGTA: Mga Kuwentong Makamundo, pagsusuri ni V.E. Carmelo D. Nadera Jr.:

Kung gayon, bago o makabago bang Mga Agos Sa Disyerto ang Dagta?

At kung makabayan ang una, makamundo ang huli?

Ang una ay may 15 kuwento mula sa limang lalake, ang huli ay may 11 mula sa walo: limang lalake at tatlong babae.

Rebolusyon laban sa nakasanayan, o nakasawaan, na paraan ng pagsasalaysay ng sinaunang kuwentistang Tagalog ang una.

Rebelyon din kaya ang huli laban sa rebelde ng mga rebelde?

Muling-Tula Bilang Hamon sa Pagsasalin ng Tula, pagsusuri ni Virgilio S. Almario:

May isang matandang pamahiin hinggil sa pagsasalin at lumaganap ito o pinalaganap ng sawikaing Italyano na: Traduttore, traditore. Noon ngang 1989, isinalin ko itong: Tagasalin, salarin. May tila pandaigdigang paniwala na hindi maaaring tapatan ng salin ang orihinal. Kaya ang bawat salin ay isang pagtataksil, ayon sa mga Italyano; na tinapatan ko ng paglalaro sa salin bilang laging "sala rin" (dahil hindi maaaring maging lubos na wasto) at sa tagasalin bilang "salarin" (kriminal, dahil may nagagawa laging paglabag sa isinasalin).

Koneksiyong Pampanitikan ni Rizal sa Aleman, panayam ni Virgilio S. Almario:

May dalawang layunin ang panayam kong ito. Una, pasinagan o muling pasinagan ang utang-na-loob ni Rizal sa panitikang Aleman na isang paraan din ng pagpapatunay sa katangian ni Rizal bilang isang palabasá at kung paano niya pinakikinabangan ang kaniyang mga binása. Ikalawa, ungkatin ang papel ng impluwensiyang pampanitikan sa isang manunulat at kung paanong nakapagpapayaman ito sa pagsulat.

Naglalaman din ng dalawang bagong bahagi ang ikalawang isyu:

  • Mula sa Inyo — Inaanyayahan namin ang lahat ng mambabasa na magpadala ng kanilang mga liham para sa mga editor.
  • Rio Almanac — Alamin kung sino sa mga pinagpipitaganang manunulat at makata ng Filipinas ang isinilang sa Agosto at Setyembre.

Sunday, July 27, 2008

UP Parser Writing Workshop 2008




Gaya ng aking nabanggit sa aking blag, ako ang nagsilbing Head Panelist sa kauna-unahang The UP Parser Writing Workshop na idinaos noong Hulyo 23, 2008 sa UP Diliman.

Ang UP Parser ay ang opisyal na pahayagan ng mga mag-aaral ng UP Department of Computer Science, at noong panahon ko bilang Editor-in-Chief ay isa sa pinakamalakas na publikasyon sa College of Engineering (hindi ko pwedeng sabihing mas malakas sa Eng'g Logscript, dahil ako rin ang News at Lit Ed doon!).

Tumagal ng 2-3 oras ang workshop, at mga isang dosena yata ang dumalo. Ang mga paksa: News at Feature Writing sa Ingles.

Ang ilan sa mga pics sa ibaba ay galing kay Jonel at unang inilagay sa UP Parser Multiply. Ang iba ay galing sa buloksis kong camera. Kapag klaro, si Ia ang kumuha; kapag blurry, ako.

P.S. At oo, suot ko na naman ang isa sa aking mga peyborit na shirt. Pagpasensyahan ang di mahilig bumili ng damit.

Tuesday, July 22, 2008

Panelist sa UP Parser Writing Workshop

(Update: Narito na ang pics.)

Head panelist ako mamaya sa kauna-unahang The UP Parser Writing Workshop.

Ang UP Parser ang pahayagang pinamatnugutan ko nang dalawang taon; para sa akin ay hindi lang isang 'trabaho' ang dati kong posisyon. Anak ang naging turing ko sa diyaryong 'to.

Kaya naman nang nilapitan ako ni Jonel Uy (isa sa mga tagapagtatag ng Parser) upang maging panelist sa isang workshop ay hingi ako nakatanggi. Gusto kong makatulong sa pagpapanatili ng status ng Parser sa UP College of Engineering (status na pinaghirapan namin ng mga ka-staff ko noon), at makapagbahagi ng aking mga nalalaman sa isang bagong henerasyon.

Naks, ang korni na ng huling linyang 'yon a.

Binuksan namin sa mga taga-UP Diliman ang workshop, pero puro taga Computer Science lang ang nakapag-rehistro. Ayos lang, dahil sila naman ang priority namin, lalo na ang mga bagong staffer ng Parser.

Mula sa opisyal na programme/workshop docs:



The UP Parser Writing Workshop 2008
1.0: News and Feature Writing



July 23, 2008
5:30 PM - 8:00 PM
UP Alumni Engineers Centennial Hall
Velasquez Street, UP Diliman


Organized by:
The UP Parser Alumni &
The UP Parser Staff for AY 2008-09


Programme

5:30 - 5:40    Introduction / UP Parser History
5:40 - 6:00    The Winning Team (by Jonel Uy)
6:00 - 6:45    News Writing Workshop (led by Phillip Kimpo Jr.)
6:45 - 7:30    Features Writing Workshop (led by Phillip Kimpo Jr.)
7:30 - 8:00    Open Forum


The Panelists


Phillip Kimpo Jr.
Head Panelist

Phillip served as The UP Parser's Editor-in-Chief for the academic years 2004-05 and 2005-06, helping resurrect the then-dead publication. During his term, Parser emerged as the foremost publication in the College of Engineering, releasing seven issues with more or less a total circulation of 3000 copies, many of which were in full color and tabloid size. During this time, Parser's signature line was permanently etched in DCS history: We don't just write programs; we write.

Phillip graduated from the Department of Computer Science in 2006, and was cited as an Outstanding Representative by the UP Alliance of Computer Science Students (UP CS Network). He currently works as a freelance writer, editor, and website manager.

Phillip is a member of LIRA (Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo), an organization of poets writing in Filipino under the aegis of National Artist for Literature Virgilio S. Almario (a.k.a. Rio Alma). He is a founding member of KATAS (Kalipunan ng mga Taga-Sining para sa Lipunan). He was a Fellow for the 9th UST National Writers' Workshop and the 2007 LIRA Poetry Clinic. He serves as a staffer for the Bulawan Online literary journal.

In his high school and grade school days, Phillip won 1st place in newswriting in the national, NCR, and Quezon City levels of schools press conferences.

Phillip is currently finishing his first book of personal essays, Corsair of Cordillera Street. Visit him at www.phillip.kimpo.ph.


Sophia Lucero

Adelaida Sophia Marie Lucero, or "Ia" for short is an accomplished web designer, editor, and freelance writer. She graduated cum laude from the Department of Computer Science in 2006.
Ia served as The UP Parser's Associate Editor for the academic years 2004-05 and 2005-06, and was more than an integral part in the publication's "resurrection years." She was also cited as an Outstanding Student Representative by the UP Alliance of Computer Science Students (UP CS Network).

Ia is one of the Philippines' emerging web designers, having crafted masterpieces for Praise Music Philippines, Bradford Shoes, and around a dozen sites for the UK-based Splashpress Media network.

Ia is the web designer and a staffer of the Bulawan Online literary journal. One of her WordPress themes won runner-up honors in a recent international design contest. Her personal and portfolio site, Stellify.net was a Finalist for Best Technology Blog in the 2007 Philippine Blog Awards.

In high school, Ia represented the National Capital Region in the National Schools Press Conference, having won 2nd in copyreading in the regional level.

Aside from web designing, she currently manages, edits, and writes for several of Splashpress Media's and Toronto-based Enthropia Inc.'s major websites.


Jonel Uy

Jonel is the co-founder of The UP Parser back in 1999. He also served as its Associate Editor and Business Manager among others. He worked with different software companies in the IT industry until 2007. He is now into freelance web & software development/consulting. He does this while juggling a lot of things like stock trading, starting a business, surfing, blogging (travel, food, photo), and helping out in giving Parser another push. =)


Erica Mae Abbass

Erica Mae (“Cai”) served as The UP Parser's Editor-in-Chief during AY 2007-08.


Fellows to be Workshopped


Contreras, Paul Vincent   
Dag, Olive Ruth A.   
Francisco, Peter John   
Kam, Kathleen   
Lacandazo, Apryll   
Ortiz, Josephine Ann Gabrielle   
Samson, Gian Paolo   
Sy, Jose Paolo M.
Tan, Ava Marie   
Tanyag, Ruzette   
Tiojanco, Jase Nathaniel G.


Other Participants


Camarao, Crystal Beatrice
Garais, Audrey C.
Lacanilao, Arturo III

Monday, July 21, 2008

Pagbása ni Roberto T. Añonuevo sa Aking "Talà"

Laking gulat ko kaninang tanghali nang nabasa ko ang pinakahuling sanaysay ni Ginoong Roberto Añonuevo sa kanyang blog. Sa Estetika at Pagtanaw hinggil sa Dalawang Lungsod, sinuri ni sir Bobby ang dalawang tula, at ang isa ay ang aking Talà, isinulat noong Marso 2007 at isinabak sa Palihan sa LIRA noong Agosto 2007.

Bago kay sir Bob ay wala pang nakapagsusulat ng pagsusuri sa aking mga akda, sa Ingles man o sa Filipino, kaya doble ang gulat at tuwa (gulatuwa?) kong naramdaman na ang unang beses ay mula sa isa sa mga pinakabatikan at tinitingalang manunulat sa Pilipinas.

Ilang sipi/excerpt mula sa nasabing sanaysay:
Maaaring tanawin ang lungsod sa iba’t ibang paraan, at isa sa rito ang pagtatanghal sa punto de bista ng isang tagalungsod na dumadama sa loob ng lungsod at tumatanaw papalabas ng sakop nito at tanging siya lamang makababatid. O kaya’y tingnan ang lungsod mula sa labas nito, nang sa gayon ay mabatid ang kabuuan ng lungsod na hindi mababatid ng tao na nasa loob nito at ang sipat ay limitado. Ang ganitong pagtanaw hinggil sa lungsod ang ipinamamalas ng mga tulang “Sa Unang Ulan ng Mayo” ni Charles Tuvilla at “Talà” ni Phillip Kimpo Jr.

...[W]alang sermon ang mahihiwatigan sa tulang ito. Matipid ang paglalarawan, na tinumbasan ng pambihirang salaysay hinggil sa karanasan ng bata.

...[S]inasampal tayo ng tula dahil nag-iiwan na tayo ng basurang materyal ay pinalalawak pa iyon sa pagdaragdag ng mga basurang may kaugnayan sa kaisipan, halagahan, at pagkamamamayan. Sa unang malas ay payak ang tulang “Talà” ngunit ang uuriin nang maigi’y hinahatak tayo nito na sipatin ang ating kalagayan nang higit sa nakagawian, at tumanaw sa malayo at abutin ang mga pinapangarap na bituin.
Bisitahin ang Alimbukad ni sir Bobby para sa buong sanaysay at mga tula namin ni Charles.

Tuesday, July 1, 2008

Dalawang Reunion sa TriNoMa




Last year pa ang dalawang 'to.

Hunyo 2007: Pagkatapos ng unang araw ng LIRA poetry workshop, dinner namin nina Ia, Geo, Pepoy, at Garro sa TriNoMa, na kakabukas lang. Muntik pa nga kaming mahulugan ng kisameng napuno ng tubig-ulan. Resto: La Maison. Pagkatapos ay impromptu 'photoshoot' sa rooftop. (Basahin ang lumang blag post tungkol dito.)

Hulyo 2007: Pagkatapos ulit ng isang araw ng LIRA workshop, nagkita-kita ang ilang mga taga-Sampa 02 ng Pisay -- si Ia, Bai, Jesi, Joanne, JC, Ralph, at ako. Resto: Heaven 'n Eggs.

Ang mga kuha rito ay nanggaling kung kani-kanino :P