Wednesday, August 27, 2008

SIDHAY & LIRA Poetry Reading @ Conspi




Gabi, Agosto 19, Conspiracy Bar, Visayas Avenue, Quezon City: Nagbasa ng mga tula at iba pang akda ang ilang Fellows ng LIRA Poetry Workshop 2007. Nagbasa rin ang ilang kasapi ng LIRA, Fellows 2008, at bisita.

Sayang at di nakarating ang karamihan sa LIRA Fellows 2007 -- huli kasi na-confirm na tuloy pala ang event. 'Yun din ang pangalawang beses na tumula kami sa Conspi; ang una ay noong Fellows' Night namin (at graduation sa LIRA).

Ang mga binasa ko:
  • TalĂ , paboritong tula sa Filipino

  • Nimbus, bagong tula sa Filipino

  • Excerpt mula sa Jupiter Falls, English creative nonfiction

  • The Consent, tula ni Howard Nemerov

Pagkatapos ng poetry reading ay tumugtog sina Heber Bartolome at Banyuhay. Beatles galore ang mga kanta.

P.S. Amie pasensya na po! Di ko alam bakit walang kuha 'yung pagbasa mo...pakiramdam ko nag-CR si Ynna noon at dala ang kamera :P

P.P.S. Some pics deleted upon request :)

P.P.P.S. Some new pics from Undoy added 02/19/09.

Wednesday, August 20, 2008

LIRA Poetry Clinic: Joey Baquiran, Conchitina Cruz


May hawig si ser kay Gary Oldman diba?

Dalawang magkahiwalay na lecture ng dalawang pinagpipitaganang manunulat.

Hulyo 6, 2008: Si ser Joey Baquiran ang naging lecturer ng LIRA Poetry Workshop ngayong taon. Ang paksa: "Kasaysayan at Lokal na Kaisipang Pampanulaan." Nagpapirma rin kami ni Xam ng mga kopya namin ng Onyx.

Hulyo 20, 2008: Si ma'am Chingbee ang naging lecturer para sa paksang "The Line." Nagkandaugaga sa pagpapapiktyur ang mga fans niya hehe.

Kasama rin dito ang mga pics ng mga inumang sumunod sa dalawang lecture.

Monday, August 18, 2008

Buhay Pa Kami: Ikalawang Kabanata ng SIDHAY


Tutula ulit kaming mga Fellows ng LIRA Poetry Workshop 2007 bukas, Agosto 19, 7:00-8:00 ng gabi sa Conspiracy Bar, Visayas Avenue, Quezon City. Ito ang pangalawang beses na magbabasa kami sa Conspi; ang una ay noong Fellows' Night namin (at graduation sa LIRA).

Tatlong akda ang ang babasahin ko -- dalawang tula (isang luma, isang bago) at sipi/excerpt mula sa isang English creative nonfiction piece.

Open mic rin po pagkatapos tumula ng mga Fellows. Pagsapit ng 8:00 ay sina Ony Carcamo (and friends) at Heber Bartolome (at Banyuhay) ang aakyat ng entablado.

Takits!

P.S. Salamat pala kay Xta para sa poster :)

Thursday, August 14, 2008

Tulaan sa Tren: Rio Alma Book Launch (Part 3)




Heto ang Part 3 (huling bahagi) ng mga nangyari noong launching ng Tulaan sa Tren sa LRT. Pagkatapos ng aming "feeling celebrity" train ride, idinaos naman ang launching ng bagong libro ng National Artist for Literature Rio Alma, ang Mga Biyahe, Mga Estasyon = Journeys, Junctions.

Kaya may Ingles sa pamagat ay dahil kasama ng mga Filipinong tula ang mga salin ni Marne Kilates. Maliban sa librong ito, bumili rin ako ng isang isyu ng Bulawan ('yung orihinal, bago magkaroon ng Bulawan Online). Discounted lahat ng libro doon.

Nagkaroon ng performance sina Vim Nadera at Raul "Tata" Funilas. Bumasa rin ng mga tula ni Rio Alma sina Teo Antonio at Danton Remoto. Pagkatapos ay pumila na ang mga bisita para magpapirma kay ser Rio. Kasabay noon ang libreng buffet. Nyum.

Sabay-sabay umuwi ang ilang LIRA members at fellows gamit ang -- ano pa ba? -- tren. Sa kasamaang palad ay hindi pa 'live' sa nasakyan naming LRT-2 coach ang Tulaan sa Tren.

Ang daloy ng mga pangyayari noong Agosto 9, 2008:
  • Part 1 -- LIRA workshop sa umaga; pagpunta sa LRT; programme sa LRT-2 main office

  • Part 2 -- Inaugural train ride sa LRT-2 (Santolan-Recto, Recto-Santolan) kung saan sinolo ng mga dumalo ang ilang train coaches

  • Part 3 -- Launching ng bagong libro ni ser Rio; performance nina ser Vim at Tata; pagbasa ng mga tula nina ser Teo at Danton; kainan; pag-uwi ng mga taga-LIRA

Gaya ng sinulat ko sa Part 1, ang Tulaan sa Tren ay isang proyekto kung saan maririnig sa PA system ng mga tren ng LRT-2 ('yung mas bagong linya) ang mga tula ng ilan sa pinakamagagaling na makata ng Pilipinas. Ilang mga artista at TV personality ang bumigkas sa mga tula.

Nakapaskil din sa loob ng mga tren ang mga akda. Tatakbo ang proyekto hanggang Disyembre. Basahin ang balitang ito para sa karagdagang impormasyon.

Tuesday, August 12, 2008

Tulaan sa Tren: Inaugural Train Ride (Part 2)




Heto ang Part 2 ng mga nangyari noong launching ng Tulaan sa Tren sa LRT. Nakasama namin sa 'reserved' coaches ng LRT-2 sina Christine Bersola, Julius Babao, National Artist for Literature Rio Alma, Gemino Abad, at iba pang mga batikang manunulat at makata (nasa part 1 ang kumpletong listahan). Di na nakasama sina Chinchin Gutierrez, Rhea Santos, at Lyn Ching. Sayang.

Ang daloy ng mga pangyayari noong Agosto 9, 2008 (isusunod ko ang huling batch ng pics):
  • Part 1 -- LIRA workshop sa umaga; pagpunta sa LRT; programme sa LRT-2 main office

  • Part 2 -- Inaugural train ride sa LRT-2 (Santolan-Recto, Recto-Santolan) kung saan sinolo ng mga dumalo ang ilang train coaches

  • Part 3 -- Launching ng bagong libro ni ser Rio; performance nina ser Vim at Tata; pagbasa ng mga tula nina ser Teo at Danton; kainan; pag-uwi ng mga taga-LIRA

Mula sa LRT office, naglakad kami ng mga 100-200 metro patungo sa LRT Santolan Station. Feeling celebrity ang mga tao (o siya, kami lang na mga bata) dahil may mga naka-escort na sekyu (at mga naka walkie-talkie na de-barong) sa daan. Deretso rin kami sa tren, wala nang tiket-tiket. Solo namin ang station at walang ibang pasaherong pinapasok.

Unang beses ko palang makaranas ng ganoon. Ang sarap lang ng pakiramdam na sa 'yo ang tren hehe. Walang agawan, libot ka lang nang libot.

Balikan ang naging biyahe -- mula Santolan hanggang kabilang dulo ng LRT-2 (Recto), at Recto-Santolan. Medyo matagal kaya naman todo piktyuran at pagpapakilala sa mga hebigats.

Napagtripan din namin ni Jonar na kumaway sa mga tao ("fans") sa mga dinaanang station at bintana ng mga gusali. Hahaha.

Gaya ng sinulat ko sa Part 1, ang Tulaan sa Tren ay isang proyekto kung saan maririnig sa PA system ng mga tren ng LRT-2 ('yung mas bagong linya) ang mga tula ng ilan sa pinakamagagaling na makata ng Pilipinas. Ilang mga artista at TV personality ang bumigkas sa mga tula.

Nakapaskil din sa loob ng mga tren ang mga akda. Tatakbo ang proyekto hanggang Disyembre. Basahin ang balitang ito para sa karagdagang impormasyon.

Monday, August 11, 2008

Tulaan sa Tren: Celebrities & Writers (Part 1)


...sa Part 1. May mas maganda sa part 2 hehe.

(Kaya sabi ko kanina, second childhood di ba.)

Heto ang Part 1 ng mga nangyari noong launching ng Tulaan sa Tren sa LRT, kung saan dumalo ang ilang mga sikat na personalidad (Chinchin Gutierrez, Christine Bersola, Julius Babao, Rhea Santos, Lyn Ching) at mga hebigats na manunulat at makata (National Artist Rio Alma, Gemino Abad, Pete Lacaba, Teo Antonio, Ligaya Tiamson-Rubin, Vim Nadera, Danton Remoto, Paolo Manalo, Nerisa del Carmen Guevara, Raul Funilas, at ilan pang di ko natandaan o alam ang pangalan).

Naroon din kaming ilang LIRA members, pati ang mga bagong Fellows para sa taong ito.

Ang daloy ng mga pangyayari noong Agosto 9, 2008 (isusunod ko ang iba pang pics):
  • Part 1 -- LIRA workshop sa umaga; pagpunta sa LRT; programme sa LRT-2 main office

  • Part 2 -- Inaugural train ride sa LRT-2 (Santolan-Recto, Recto-Santolan) kung saan sinolo ng mga dumalo ang ilang train coaches

  • Part 3 -- Launching ng bagong libro ni ser Rio; performance nina ser Vim at Tata; pagbasa ng mga tula nina ser Teo at Danton; kainan; pag-uwi ng mga taga-LIRA

Ang Tulaan sa Tren ay isang proyekto kung saan maririnig sa PA system ng mga tren ng LRT-2 ('yung mas bagong linya) ang mga tula ng ilan sa pinakamagagaling na makata ng Pilipinas. Ilang mga artista at TV personality ang bumigkas sa mga tula.

Nakapaskil din sa loob ng mga tren ang mga akda. Tatakbo ang proyekto hanggang Disyembre. Basahin ang balitang ito para sa karagdagang impormasyon.

Dapat pala ay dadalo sina Edu Manzano, Romnick Sarmienta, Nikki Gil, atbp., kaso ay di na sila sumulpot.

Isa ang araw na 'to sa mga pinakamasaya kong naranasan na mga LIRA/lit events. Di lang dahil tadtad ng mga "tanglaw ng sining" (oo starstruck nga ang ilan sa amin), kundi dahil parang ang saya lang ng lahat ng tao.

Parang nag-second childhood si ser Rio (tingnan na lang ang mga pics dito at sa mga susunod na bahagi), at ang daling makipag-usap at makipag-piktyur kasama ang dati ay di-malapitang mga sikatin.

Sabi ko nga sa mga kaibigan ko: "Parang field trip ang dating!"

Thursday, August 7, 2008

Na-Interbyu Ako.

Hindi, hindi kay Nancy Castiglione ulit. Napagtripan kasi ako ng aking kaibigan, kapwa manunulat, ka-batch sa LIRA 2007, at isang magaling na makata na si Rogerick Fernandez -- iinterbyuhin daw niya ako para sa blog niya. Pinaunlakan ko naman kahit di ko alam kung tungkol saan ang pag-uusapan.

Mababasa rito ang panayam.

Lumalabas na ang panayam niya sa akin ang unang edisyon sa kanyang bagong "proyekto." Takte, hindi ko alam na 'yun pala ang magiging pamagat ng proyekto ni Rhodge (basahin na lang ang interbyu para malaman kung ano). Hehehe. Pero h'wag malinlang sa pamagat ng panayam -- may lalim ang mga napag-usapan namin, kasama na siyempre ang literatura.

Heto ang ilang sipi mula sa interbyu.

Tungkol sa aking pseudonym/online handle:

Rhodge: Teka, pag sine-search kita sa Internet, synonymous sa name mo ang The Corsarius. Ano ba ung term na ito?

Phillip Kimpo Jr.: Ah. Mahabang kuwento iyan. Una, ang Corsarius ay Latin ng salitang "corsair", o pirata.

Rhodge: OK. Captain Hook, ikaw ba yan? Hehe!

Phillip Kimpo Jr.: Nakahiligan ko itong salitang ito noong high school ako. Alam mo na, iyong punto ng buhay natin na naghahanap tayo ng maayos na online nickname para sa YM at ano pa.

Una kong nabasa ang salitang "Corsarius" sa isang nobelang sci-fi. Noong high school ako, wala pa masyadong kahalagahan ang nickname na iyon para sa akin. Wala lang, "cool" at unique lang. Pero habang tumatanda ako ay nabibigyan ko na siya ng mas malalim na kahalagahan at kahulugan. Para bang “retrofitted” ang meaning.

Mas malalaman ‘yon sa isang sanaysay ko sa tinatapos kong aklat ng mga kuwentong personal, ang Corsair of Cordillera Street.

Tungkol sa tipo kong babae:

Rhodge: Any type of girl you always fall for?

Phillip Kimpo Jr.: Mahirap na tanong 'yan a. Hindi naman kasi ako mapili. May bias ako sa maputi (chinita o tisay), pero hindi ibig sabihin noon ay hindi ako nagkakagusto sa morena. At hindi looks ang pinakamahalaga sa akin.

Ang pinakamahalaga: matalino. 'Yung tipong makaka-intellectual discussion ko, ke agham man yan, literatura, o politika.

Susunod na mahalaga: Kapwa artist. Alagad din ng sining.

Tungkol sa mga tagong kaugalian:

Rhodge: Anything about you that we'd be surprised to know?

Phillip Kimpo Jr.: Tungkol sa akin na ikagugulat niyo? Haha, hirap naman niyan. Hindi dahil wala nang makagugulat sa inyo...pero dahil marami.

Magbibigay na lang ako ng dalawa. Una, nakakatakot ako kapag galit. Hindi na ako 'ako' pag galit, at mabilis din uminit ulo ko. Ikalawa, mahilig ako sa baby talk (o baby sounds?) sa taong mahal ko.

Incredible Hulk + Pikachu. O di ba man of contradictions nga?

Tungkol sa tinatapos kong aklat:

Rhodge: Kumusta ang progress ng book mo?

Phillip Kimpo Jr.: Hay. Nasabi ko na ata sayo na August ang target ko. Guess what, I'm moving it to November. Wala akong naisulat nung June at July e. Argh. Although I'm only around five essays away from completing it.

Rhodge: Wow, five na lang! Kaya mo yan!

Phillip Kimpo Jr.: Kaso gusto ko kasi may diversity ‘yung topics. Kaya di rin ganoon kadali tumapos ng lima, kahit “flash essay” lang ang haba nila. (Term ‘yan na ginamit ni Ma’am Ophie Dimalanta.)

Rhodge: Ano ang ma-e-expect namin sa first book mo?

Phillip Kimpo Jr.: Based from the title, maraming essays ang nagbabanggit sa Cordillera Street, kung saan ako lumaki at nakatira. Corsair pertains to me / the personal nature of the book; ako nga si Corsarius di ba. May halo-halong social commentary, love, growing up, etc., pero lahat ay personal. Incidental na lang kung nagkaroon ng social tone, animal rights, etc.

Basahin ang buong pag-uusap.

Tuesday, August 5, 2008

LIRA Poetry Workshop @ Museo Pambata


Ganda ng mga kulay!

Agosto 2, 2008: Sa Museo Pambata idinaos ng LIRA ang lectures ng mga bagong Fellows. Kami nina Ergoe, Nanoy, En, at Charles ang mga members na pumunta; malakas pa rin ang attendance ng Fellows '08.

Isa lang ang masasabi ko: Literatura + Pagiging Bata Muli = Kasiyahan.

Unang beses ko palang makapunta ng Museo Pambata. Kanyubilibit?

Mahalagang aral: 'wag magdadala ng mga deprived na yuppie/young artists sa lugar na pambata. Ang kabastusan at pagmumura mula sa mga bibig nila ay nakalalason sa utak ng mga musmos. Hehe.

Ang pagkasunod-sunod ng mga pangyayari:

Umaga -- epigraph lecture ni ser Fidel Rillo
Tanghali -- Liwaliw sa Luneta at tanghalian sa isang carinderia sa may Quirino Grandstand
Hapon -- Liwaliw sa Museo (at pagiging mga bata muli)
Hapon -- Ekphrasis lecture ni ser Marne Kilates

Ang mga piks dito ay galing sa camera ni Ynna (na karamihan ay ako rin ang kumuha) at sa aking point-and-shoot. May ilang pics din akong hiniram mula sa album ni Undoy.

Sunday, August 3, 2008

Aklan, Pagkaraan ng Hagupit ni Frank

Ang "hagupit" ay isang understatement.

Lingid sa kaalaman ng nakararami, madugo at malupit ang sinapit ng Aklan noong nakaraang bagyong Frank. Ang Aklan ang tinubuang bayan ng aking pamilya, at kahit dito na ako pinanganak sa Lungsod ay purong dugong Akeanon ako.

Di masyadong nabigyang pansin ang sakuna sa media, lalo na sa Metro Manila. Mas nabigyan ng pansin ang nangyari sa Iloilo (na alam naman nating mas prominente keysa Aklan sa isla ng Panay).

Di rin nakatulong na sinabi ni DOT secretary Ace Durano na hindi kalakihan ang sinapit na pinsala ng Kalibo at Aklan. Kahit ako ay napamura noong nabasa ko 'yon sa diyaryo.

Kaya -- salamat sa Diyos -- ay may maayos nang lumabas na salaysay tungkol sa mga totoong nangyari.

Nitong dalawang huling araw ay nalathala sa The Philippine Star ang isang artikulo (na may dalawang bahgi) na pinamagatang Aklan in the wake of Frank’s humbling devastation at isinulat ni Glenn Inosanto Jereza.

Heto ang ilang sipi mula sa mga artikulo (1st part, 2nd part):
At around three o’clock in the afternoon, rampaging waters breached the height of Kalibo Bridge, and in less than half an hour, the towns along Aklan River were awash in muddy waters reaching 15 to 20 feet in some areas.

“Vehicles, appliances and other household items were strewn everywhere, like so much garbage,” recalls Edgar Cobrador, a teacher at Aklan National High School for Arts and Trades (ANHSAT) in Andagao, Kalibo. “Our friends who lived by the river saw entire houses carried by rampaging waters toward Sibuyan Sea.”
Tulad rin ng mga balitang nasagap ko mula sa mga kamag-anak. Isang palapag ang taas ng baha at putik. Nasalanta rin ang bukirin namin; patay ang mga baboy.
Because of the blackout, nothing was heard from Aklan for the next couple of days. In fact, people did not actually know what happened until after the Aklanon flood victims were able to charge their mobile phones through power generators and send out text messages.
At kaya kinabahan kaming mga Akeanong narito sa Maynila para sa kaligtasan ng aming mga kamag-anak, bahay, lupain, at ano pa. Naaalala ko tuloy ang aking pinsang si Jenjen, na todo text sa akin sa pag-aalala para sa Kalibo.
While grocery stores were making a killing, funeral parlors were turning away people who were already bringing their own dead for embalming. BYOB (bring your own bangkay [cadaver]) it had to be, because funeral cars and service vehicles were rendered out of service by the flood and the muck.

The DOT Secretary was supposed to have said Boracay and Kalibo only sustained minor damage. Aklanon bloggers based overseas were incensed. Those who were in Aklan did not even know of the slight.
Gusto kong maging mabait at isipin na lang na sinabi 'to ni Durano para hindi takutin ang mga turista. Alam naman natin kung gaano kahalaga ang Boracay (at Aklan) sa turismo ng Pinas e. Pero nakakainit pa rin ng ulo.
No aid was in sight. Most of those who were in shock have never felt abandoned by their own government. Aklan’s misery did not get media attention until much, much later.
Emphasis mine. Oo, mahalaga ang Aklan sa Pilipinas. Pero tingnan niyo kung paano alagaan ng pamahalaan sa Maynila ang aming lalawigan. Mga hinayupak.
A huge contingent from the Metropolitan Manila Development Authority arrived to help clean up and rehabilitate Aklan. And lo and behold, a day prior to the President’s arrival, NFA vehicles with rice for sale signs suddenly became very visible, with someone’s mighty magic wand orchestrating the show. But for whose benefit, really?

Aklan, except for Boracay Island, is still on its knees. Prominent politicians from the national scene have had their pictures taken and are gone. But landlines, cable television, even banking and finance have yet to be fully restored.
Ayaw ko nang mag-komento at baka magmura lang ako.

Korning di-korning linya: Darating rin ang araw na may Akeanong magbabaling ng atensyon ng buong bansa sa munti naming lalawigan. A, hingi lang magbabaling. Hahawak, at di bibitaw.

Habang wala pa ang araw na 'yon, tingnan niyo na lang muna ang mga retrato at video ng pananalasa ng bagyo sa Akeanon Ag Proud! Hala Bira Aklan! Bangon Aklan! at Help Kalibo.