Monday, December 29, 2008

UST Paskuhan 2008 + T. Morato Dinner




Disyembre 19: Unang beses kong makapunta sa UST Paskuhan (nasanay kasi sa UP Lantern Parade). Kasama ko ang ilang Dapitdilim writers: Ynna (Uste), Debbie (Uste), at Melvin (FEU).

Nakasabay naming manood si miss Bebang (ka-LIRA at guro sa Uste) at kanyang mga co-faculty. Pagkatapos, pumunta kaming tatlo nina Ynna at Melvs sa Tomas Morato para mag-hapunan sa Shakey's. Di namin nakasama si Debs dahil nakipag-bonding sa mga college classmates (tssss!).

May mga pics dito mula sa cam ni Ynna.

Sunday, December 28, 2008

Aklan '08 Pt. 3: Kimpo Clan in Boracay




Old pics ng pag-uwi namin sa Aklan mahigit isang taon na ang nakararaan. (Here come the pics of Totoy Phillip. Ambilis ko naman tumanda mula Enero 2008!)

Enero 22, 2008: Pagkatapos ng ati-atihan finale at Kimpo International Reunion, pumunta kaming magpipinsan (kasama si Dad) sa aming "regular haunt," ang isla ng Boracay.

Pero bago ang biyahe, bumisita muna kami sa puntod ng aking mga lolo, lola, at tito sa Kalibo Catholic Cemetery. Pagkatapos, umarkila kami ng van patungong Caticlan, at mula doon ay nag-motorboat papuntang Bora.

3D, 2N lang kami ni Dad doon; nagpaiwan ang mga pinsan ko. (Di ako nakasama sa island hopping!) Pagkabalik sa Kalibo, namili muna kami ni Dad ng kaunting pasalubong bago pumuntang airport.

At doon nagtatapos ang masayang Aklan homecoming 2008. Tuloy-tuloy ang saya pagbalik ko ng Maynila, dahil umuwi ako bilang bagong Kasapi ng LIRA.

Ang listahan ng mga albums ng aming bakasyon:
Halo-halo na pala rito ang mga pics ko at ng kapamilya, di ko na alam kung kani-kanino ang mga iyan hehe.

Aklan '08 Pt. 2: Kimpo International Reunion




Old pics ng pag-uwi namin sa Aklan mahigit isang taon na ang nakararaan. (Here come the pics of Totoy Phillip. Ambilis ko naman tumanda mula Enero 2008!)

Pagkatapos ng ati-atihan/sadsad noong Biyernes at Sabado (na binagsakan ng ulan), heto ang mga naganap:

I. Enero 20, 2008, Linggo
- Ati-atihan finale kung saan may sariling banda ang Kimpo Clan
- Buffet lunch sa Nenette's Garden
- Dinner sa ancestral home ni Lolo Mading (tatay ni Dad at isa sa pitong anak ni Lolo Juan at Lola Ganday; kumakatawan ang pitong anak sa pitong "sangay" ng angkan namin)

II. Enero 21, 2008, Lunes
- Clan assembly at Lolo Mading's ancestral home
- Misa sa Numancia
- Wreath laying ceremony sa sementeryo ng Numancia
- Reunion proper sa Aklan Training Center (umaga hanggang gabi)

Hindi lang pa-epek ang pagiging 'international' ng reunion namin. Marami kasing Kimpo ang nakatira na sa iba't ibang bansa at umuuwi lang sa Aklan 'pag taon ng reunion (held every three or four years).

Nasa susunod na album ang aming pagbabalik sa lungga ng mga Kimpo: ang isla ng Boracay.

Ang listahan ng mga albums ng aming bakasyon:
Halo-halo na pala rito ang mga pics ko at ng kapamilya, di ko na alam kung kani-kanino ang mga iyan hehe.

Aklan '08 Pt. 1: Kimpo Ati-Atihan Street Party




Old pics ng pag-uwi namin sa Aklan mahigit isang taon na ang nakararaan. (Here come the pics of Totoy Phillip. Ambilis ko naman tumanda mula Enero 2008!)

Ang aming sadya: 3rd Kimpo International Reunion. Pero bago ang okasyon, ilang araw din kaming nag-sadsad, nakisaya, tumoma, at sumayaw sa kalye nang walang pakialam sa mundo. Mga binibini at ginoo: Ati-atihan, the best festival in the Philippines (oo, pasensyahan na lang sa mga hindi sumasang-ayon).

Biyernes kami dumating ni Dad sa Aklan, in time para sa 3rd-to-the-last day ng sadsad. Nagkasabay-sabay ang isang pulutong ng mga Kimpo sa domestic terminal. May welcoming committee (of one) pa nga para sa amin sa Kalibo Airport.

Sabado kinabukasan, full force ang Kimpo Clan sa mga kalye at plasa ng aming hometown. Naka-costume pa ng family shirt. Inulan kami pero mas lalo lang nitong pinasaya ang ati-atihan.

Nasa susunod na album ang Sunday finale ng ati-atihan at ang mismong Kimpo Int'l Reunion.

Ang listahan ng mga albums ng aming bakasyon:
Halo-halo na pala rito ang mga pics ko at ng kapamilya, di ko na alam kung kani-kanino ang mga iyan hehe.

Saturday, December 27, 2008

Ikaapat na Isyu ng Bulawan Online / Bulawan Online 4th Issue

Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon!

Inilabas na namin ang ikaapat na isyu ng Bulawan Online, tampok ang mga pagsusuri nina Roberto T. Añonuevo, Michael M. Coroza, at Virgilio S. Almario; ang mga tulang pang-Pasko ng dalawang dakilang makata, sina Jose Corazon de Jesus at Florentino T. Collantes; at pintura ni Victor Banalagay.

Magpunta lamang po sa www.bulawanonline.com.

Mula sa mga editor:

ISYU BLG. 4, TOMO 1. Ipinagmamalaking ilathala ng Bulawan Online sa isyung ito ang katangi-tanging mga akdang pampanitikan sa mga buwan ng Disyembre 2008-Enero 2009.

Tampok din sa isyung ito ang likha ni torVs banalagay, ang Meri Kristmas Filipinas.

Mga sipi mula sa mga akda:

Parol at Aginaldo mula sa Dalawang Dakila, pagbása ni Roberto T. Añonuevo sa mga tula nina Jose Corazon de Jesus at Florentino T. Collantes:

"Sila ang pinakatanyag na pares sa buong panahon ng balagtasan—at hinangaan ng mga kapuwa makata at hinabol ng mga babae—dahil kapuwa sila nagtataglay ng mataginting na tinig sa bigkasan at husay sa matulaing pangangatwiran. Higit pa rito, sina De Jesus at Collantes ay mga lantay na makata, at bihasa sa pagkatha ng mga tulang pasalaysay. Maihahalimbawa ang dalawa nilang piyesa na pumapaksa sa kapaskuhan. Ang tula ni De Jesus ay tungkol sa parol, samantalang ang tula ni Collantes ay hinggil sa batang dukhang namamasko."

Ang Pasko ay Sumapit: Isang Saling-awit, pagsusuri ni Michael M. Coroza:

"Isa na marahil sa pinakatanyag at walang kamatayang Pamaskong awit sa Filipinas ang "Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon" na lalong kilala sa tawag na "Ang Pasko ay Sumapit."…Sa wari, hindi magiging ganap ang diwa ng Pasko sa anumang Pamaskong pagtitipon ng mga Filipino sa loob at labas man ng Filipinas kung hindi magkakaroon ng sama-samang pag-awit ng "Ang Pasko ay sumapit…" Walang alinlangang maituturing ito bilang Pamaskong Awit ng Lahi ng mga Filipino."

Iyang Filipinong Pananaw sa Pagbuo ng Pambansang Panitikan pagsusuri ni Virgilio S. Almario:

"Ang Filipinong Pananaw ay isang mahalagang salik ng pambansang kalinangan. A, ang "kalinangan"! Napakarikit na salin ng "kultura" mula sa Europa. Kalinangan. Ka+linang+an. Nakabuod sa likhang salita ang "linang," ang sityo ng pagsasaka't agrikultura, ang pook na matiyagang binubungkal, sinusuyod, inaalisan ng damo't halamang ligaw, dinudulutan ng angkop na patubig at pataba, upang pagtaniman. Nasa kalinangan ang kabuuang sipag at tiyagang pang-agrikultura upang mapairal ng tao ang sariling kakayahan sa ibabaw ng búhay na umaasa lamang sa kalikasan. Kalinangan/Kalikasan. Kalinangan versus Kalikasan."

Nilalamin din ng bagong isyu ang mga bahaging:

  • Mula sa Inyo — "Mula nang kayo'y nagsimula, gaano na karami ang bumisita sa inyong website? Masasabi niyo po bang tagumpay ang 2008 para sa inyo?"
  • Rio Almanac — Alamin kung sino sa mga pinagpipitaganang manunulat at makata ng Filipinas ang isinilang sa Disyembre at Enero.
  • Buklatan –  Mga bagong aklat na pampanitikan o sa panitikan.

Friday, December 26, 2008

A Merry Kimpo Christmas 2008




Part 1: opening of gifts @ our house, Dec. 24.
Part 2: Kimpo family dinner @ Tito Danny's residence (Cubao), Dec. 25.

Gaya nang nakasanayan, kaunti lang ang regalo kong natanggap. Lima lang -- dalawa mula kay Dad, isa kay Ynna, isa kay Rio Alma, at isa kay Manang Kazel. (Pero 'yung unang apat lang ang nabuksan ko sa bisperas ng Pasko.)

Sa dinner kinabukasan, kaunti lang kaming Kimpo. Marami kasi ay nasa Aklan, Singapore, USA, at iba pang lugar. Sayang.

Tuesday, December 23, 2008

Diving + Caves + Hiking + Poetry Workshop

Equals Zambales Trip 2008.

Nag-van mula Maynila, umakyat ng bundok, bumaba sa kuweba, pumasok sa isipan ng mga guro, sumisid sa dagat, at nag-bus pabalik. 'Yan ang buod ng paglalakbay namin noong Disyembre 21-23.

Ito ang ikalawang beses kong makapunta sa Zambales sa loob ng tatlong buwan. (Scuba diving din ang centerpiece ng working-vacation namin noong Oktubre.)

Gaya nang nakasanayan, saka na lang ang kumpletong albums. Heto ang ilang sampol piks:

Breakfast sa bahay ni Hon. Luisito Marty, mayor ng Sta. Cruz, Zambales.

Ynna & Rye w/ The Little Prince 1940-ish edition.

Kami, umaakyat ng bundok.

Tanawin mula sa bundok.

Sagrada Familia Caves.

Ynna, naka-turtleneck dahil di namin alam na may hiking bago makapunta sa kuweba. (Kaya naka-polo rin ako.)

Ako, pawisin at pagod.

Sir Mike Coroza sa STS poetry lecture/workshop.

LIRA Fellows & member, on standby bilang workshoppers.

Group shot ng LIRA reps, STS delegates, at Mayor Marty.

Ako sa Math Garden ng Sta. Cruz North Central Elementary School.

Kami ni Ynna sa pseudo-pista sa bahay ni Mayor.

Kasama si Mayor, bago kumain ng sangkatutak niyang inihanda para sa amin.

Simbahan ng Subic Bay Freeport Zone.

Ynna & EJ (anak ni miss Bebang) sa Spanish Gate ng Subic Bay.

Marly (kapatid ni Tina) at Levi, ala Jack & Rose ng Titanic.

Ako sa replica ng barkong sinakyan ni Christopher Columbus.

Ready to dive!

Spell LIRA!

Ako, feeling model.

Kami ni Ynna sa baba ng tubig.

Kasama si sir George Ang Dy Pay, sponsor ng aming trip.

Friday, December 12, 2008

UP Writers Day 2008 Photo Recap


Gemino H. Abad delivering his UP Centennial Lecture on poetics.

Finalists of the Madrigal First Book Awards 2008 w/ National Artist for Literature Bienvenido Lumbera (texting!).

Ako, Jun Balde, National Artist for Literature Virgilio S. Almario, at Kristian Cordero sa Likhaan launch.

Tinatanggap ang compli copy ng Likhaan.

Sir Rio, ako, at ilan sa mga LIRA Fellows 2008 (Ms. Tina, Ms. Lee, Debbie, Undoy, Harry...si Ynna ang kumuha ng pik).

Colleen, Pau, ako, JC (hawak ang Cossack vodka mango shake), Karla.

Dinner sa opis ng UP Institute of Creative Writing, kasama sina sir Rio, sir Jun, at marami pang makata't manunulat (na nasa kabilang dako ng silid).

Dimpol Debbie at Band-Aid Kimpo.

Ynna w/ Cynthia Alexander.

Naglalasing sa Teatro Hermogenes Ylagan.

Katuwaan sa konsiyerto: Ynna, sir Rio, at Debbie.

Miss Tina, En, Undoy, Harry, Debbie, ako.

Inuman sa Sarah's kasama sina sir Rio, sir Marne Kilates, at sir Teo Antonio.

Wasakan ng atay.

Saka ko na i-a-upload ang kumpletong albums.

Thursday, December 11, 2008

UP Writers Day Pt. 4: And So We Got Drunk




Pagkatapos ng aming Likhaan book launch at libreng dinner sa UP ICW, inuman na!

Pagkatapos lumagok ng beer at alak sa Hardin ng mga Diwata at Teatro Hermogenes Ylagan, tumulak na kaming Sarah's Beer Garden sakay ng official UP FX service ni sir Rio Alma. Lagpas hatinggabi na kami nakauwi, at ang ilan (tulad nina Debbie) ay nagpa-umaga pa ata.

Ilan sa mga retrato dito ay kinuha ni Ynna, En, at miss Tina gamit ang aking cam. Humiram din ako ng ilang piks mula kay Undoy.

Ang listahan ng mga albums ng UP Writers Day 2008:

Bago ko makalimutan, maraming salamat sa mga kaibigan ko sa LIRA, KATAS, at Dapitdilim na dumating at bumati sa aking pagkakapasok sa Likhaan. Mas pinasaya ninyo ang isang masaya nang araw.

Wednesday, December 10, 2008

UP Writers Day Pt. 3: Impromptu Book Signing




Pagkatapos ng aming Likhaan book launch, simula na ng kasiyahan. (Kasiyahang walang inaalala, vs. kasiyahang kabado, tulad nang naramdaman ko sa book launch.)

Umakyat kami sa office ng UP Institute of Creative Writing para sa isang libreng pakain. Doon ko rin naranasan ang unang 'book-signing' ko, sapagkat nagpapirma ng mga kopya sina miss Lee, miss Tina, at Debbie.

Kasama naming kumain si ser Rio Alma at iba pang batikang manunulat. Kaming mga Kasapi at Fellow ng LIRA ang tumayong youth brigade sa ICW office.

Bilang mga tomador, beer at Cossack vodka (na hinalo sa cookies&cream at mango shakes) ang naging pantulak namin sa pagkain.

Makailang beses rin kaming bumaba sa teatro para manood ng concert (featuring Cynthia Alexander, among others).

Di nakuntento sa laklakan sa Faculty Center, nagtungo naman kami sa Sarah's Beer Garden...at nasa susunod na album na 'yun.

Ilan sa mga retrato dito ay kinuha ni Ynna at Undoy gamit ang aking cam. Humiram din ako ng ilang piks mula kay Undoy.

Ang listahan ng mga albums ng UP Writers Day 2008:

Bago ko makalimutan, maraming salamat sa mga kaibigan ko sa LIRA, KATAS, at Dapitdilim na dumating at bumati sa aking pagkakapasok sa Likhaan. Mas pinasaya ninyo ang isang masaya nang araw.

Monday, December 8, 2008

LIRA Fellows Night & 23rd Anniversary Mamaya

Ambilis, ambilis, ambilis -- last year lang ay Fellows Night namin at kabadong-kabado ako dahil unang beses kong makakapag-poetry reading. Wan yir leyter, mag-iisang taon na rin akong LIRA member.

Mamayang gabi, pagkakataon naman ng mga Fellows 2008 (Batch Aranya) na magpasiklab. Panahon naman nila sa ilalim ng spotlight. At panahon na para magsitapos sila at magwakas sa kasiyahan ang anim na buwan ng panulaan, katayan, at inuman. Yehey!

Pagkatapos ng Fellows Night ay deretso na sa LIRA Christmas Party. Wasakan na naman 'to ng atay.

Mula sa liraonline.org:

Sa 9 Disyembre 2008, Martes, ganap na alas-sais ng gabi, ipagdiriwang ng LIRA o Linangan sa Imahen, Retorika at Anyo ang ika-23 anibersaryo nito.  Itinatag ang LIRA noong 15 Disyembre 1985 sa tanggapan ng Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan na si Virgilio S. Almario.

Gaganapin ang pagdiriwang sa Conspiracy Bar Cafe, Visayas Avenue, Quezon City. Tampok sa gabing ito ang Fellows Night na magsisilbing pagtatapos ng fellows ng palihang LIRA para sa taong ito. Ang anibersaryo ay isa ring reunion para sa lahat ng sumali sa taunang palihan ng organisasyon.

Makisaya, makinig at tumula kasama ang mga kabataan at batikang makata! Para sa detalye, magtext o tumawag kay En Villasis,ang tagapag-ugnay ng LIRA, 0922-4332291.

Gud lak sa mga fellows. Kita kits mamaya sa Conspi!

UP Writers Day Pt. 2: Our Likhaan Book Launch




Launch ng unang librong nakapasok ako. Napakasayang okasyon pero siksik din sa kaba, hehe.

Description ng aklat mula sa Bulawan Online:
Likhaan 2008: The Journal of Philippine Contemporary Literature (UP Centennial Edition)
National Artist for Literature Virgilio S. Almario, editor
University of the Philippines Institute of Creative Writing, Disyembre 2008
250 pahina

Pinagsama-sama sa ikalawang isyu ng Likhaan ang mga natatanging manunulat at makata ng ating panahon, nakatatanda at bata. Tampok sa lathalaan ang mga kuwento, tula, sanaysay, at lektura nina Abdon Balde Jr., Joey Baquiran, Ony Carcamo, Kristian Cordero, Cristina Pantoja Hidalgo, Luis Katigbak, Mookie Katigbak, Marne Kilates, Phillip Kimpo Jr., Angelo Lacuesta, Susan Lara, Edgardo Maranan, Carlos Piocos III, Rowena Tiempo Torrevillas, at Rolando Tolentino.
Muntik pa nga akong di makadalo dahil may sakit (as usual). Pero siyempre, mami-miss ko ba 'to? Minsanan na nga lang e.

Pagkatapos ang book launch, umakyat kami sa office ng UP Institute of Creative Writing para sa isang libreng pakain (at isang impromptu at unang 'book-signing' experience ko, kunwa), bumaba ulit sa teatro para sa isang concert (featuring Cynthia Alexander), at pagpapakalasing. Nasa susunod na album ang mga 'yun.

Salamat kay Ynna na nagsilbing official photographer ko sa book launch. (Haha sosyal.) Humiram din ako ng ilang retrato mula kay Undoy.

Ang listahan ng mga albums ng UP Writers Day 2008:

Bago ko makalimutan, maraming salamat sa mga kaibigan ko sa LIRA, KATAS, at Dapitdilim na dumating at bumati sa aking pagkakapasok sa Likhaan. Mas pinasaya ninyo ang isang masaya nang araw.

UP Writers Day Pt. 1: Poetics Lecture & Awards




Disyembre 5, 2008: ang araw ng aming Likhaan book launch. Isa sa mga pinakamasayang araw ng buhay ko (haha madrama).

Pero bago 'yun, idinaos muna ang:
- UP ICW Centennial Lecture ni Dr. Gémino H. Abad
- 8th Madrigal-Gonzalez Best First Book Award ceremonies
- Kainan
- Water Rocket Show
Venue: Faculty Center (Bulwagang Rizal) sa UP Diliman.

Nasa susunod na album ang mismong Likhaan 2008 book launch.

Ang listahan ng mga albums ng UP Writers Day 2008:

Bago ko makalimutan, maraming salamat sa mga kaibigan ko sa LIRA, KATAS, at Dapitdilim na dumating at bumati sa aking pagkakapasok sa Likhaan. Mas pinasaya ninyo ang isang masaya nang araw.

Thursday, December 4, 2008

UP Writers Day, Mamaya Na

Wahaha. Excited na ako. Ang kaso, parang may trangkaso ako. Pero di ko puwedeng ma-miss ang Likhaan Journal launch. Sayang ang honorarium. Tsaka minsan lang ma-publish!

Mula sa email blast ni sir Vim Nadera:

WRITERS DAY

5 December 2008


Galeria 2

*U.P. Writers Workshop Exhibit Opening

9:00 a.m.-10:00 p.m.


Pulungang Recto

*UP ICW Centennial Panayam by Dr. Gémino H. Abad (2:30p.m.-4:00 p.m.)

Welcome Remarks        Jose Y. Dalisay, Jr.

Introduction                   Dr. Gémino H. Abad

                                    The Poem is the Real: A Poetics

                                    Moderator: Jose Neil Garcia

Open Forum

Performance by Jonathan Livioco


*Forum on Best First Books (4:00 p.m.-5:30 p.m.)

8th MADRIGAL-GONZALEZ BEST FIRST BOOK AWARD

PROGRAMA   (4:00-6:30)

Tagapagpadaloy ng Programa: Jose Claudio Guerrero

 

Book Forum

Tagapagpadaloy ng Book Forum: Kristian Cordero at Mayette Bayuga

Pagpapakilala ng mga Finalists ng MGBFBA

 

Irma Dimaranan, Naglalayag

Alvin Yapan, Ang Sandali ng mga Mata

Jerry Gracio,  Apókripós

Zosimo Quibilan, Pagluwas

 

Bukas na Talakayan

PAGGAWAD NG PARANGAL SA NAGWAGI (5:30-6:30)

Video Presentation

Mensahe mula sa Pamilya Madrigal-Gonzalez

Atty. Gizela Gonzalez Montinola

Tagapagtatag, MGBFBA

 

Pagpapakilala at Pagkakaloob ng Sertipiko sa Publishers

Ateneo de Manila University Press at University of the Philippines Press

 

Pagpapakilala at Pagkakaloob ng Sertipiko sa Finalists

Kristian Cordero at Mayette Bayuga

 

Irma Dimaranan, Naglalayag

Alvin Yapan, Ang Sandali ng mga Mata

Jerry Gracio,  Apókripós

 

Mensahe

Pedro Jun Cruz Reyes

Punong Hurado

 

Paggawad ng Parangal sa Nagwagi

Zosimo Quibilan, Jr.

Pagluwas

 

Pagbasa ng mga sipi mula sa nagwaging aklat

Arnold Reyes

 

Mensahe ng Nagwagi

 

Pasasalamat at Salo-Salo

 

Hardin ng mga Diwata

*Water Rocket Show

6:30 p.m.-7:00p.m.


Teatro Hermogenes Ylagan

*Likhaan Journal 2 Launch

7:00 p.m.-8:00 p.m.

Intermission:    Susan Fernandez

Pagbati             National Artist Virgilio S. Almario (Editor)

Mensahe mula kay Chancellor Sergio S. Cao

Pagkakaloob ng kopya

Pagbasa           Kristian Cordero

                        Carlos Piocos

                        Mookie Katigbak

                        Marne Kilates

Pagtatanghal     Ony Carcamo


*Concert           8:00 p.m.-12:00 m.n. 

PERFORMERS

Yanna Acosta

Teo Antonio

Mike Coroza

Los Chupacabras

Matilda

Romancing Venus

O.G Sacred

Cesare Syjuco

Cynthia Alexander

Cy Tamura

Heber Bartolome

Giniling Festival

Blankahon

 

Part 2 Writers Club

Fashion Show from student organizations

*UP Lingua Franca, Stand-UP, CONTEND, UP Ugat, UP SPECA, UP YFC

Band Performances

*Jeffrey Zulueta Experience (JZE), Lilia, Better in Bed

Kitakits sa Peyups mamaya!