Wednesday, February 25, 2009

LIRA Poetry Clinic 2009, Bukas Na ang Aplikasyon!

Tumutula ka ba o gustong matutong tumula? Sumali sa Klinikang Pampanulaan ng LIRA para sa taong ito! Narito ang opisyal na press release ng LIRA (may English version sa baba):

Paanyaya para sa LIRA Poetry Clinic 2009

Pormal na manunumpa sa ika-5 ng Marso ang siyam na bagong kasapi ng Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA). Naging bahagi sina Mariane Abuan, Teofilo Catanyag, Perfecto Edilo, Noel Fortun, Deborah Nieto, Willester Robles, Renato Santillan, Natalie Sepe, at Ryan Tanauan ng taunang klinikang pampanulaang isinagawa ng LIRA na naglalayong isulong at paunlarin ang panulaang Filipino.

Kasabay nilang manunumpa ang bagong halal na Pamunuan ng LIRA na binubuo nina Phillip Kimpo Jr. (Pangulo), Francisco Monteseña (Pangalawang Pangulo), Vivian Limpin (Kalihim), Enrique Villasis (Ingat-Yaman), at Ynna Abuan (Tagapag-Ugnay).

Bukas nang muli ang LIRA sa mga nais magpatalâ upang lumahok sa klinika. Ang mga regular na klase, Sabado at Linggo mula 9:00 n.u. hanggang 5:00 n.h, ay tatagal mula Hunyo hanggang Agosto, subalit magkakaroon pa rin ng mga klase hanggang Disyembre.

Upang makapagpatala, magpadala ng isang Word Document file na naglalaman ng mga sumusunod: isang pahinang bio-data, ID picture, numero ng telepono, at limang tula sa Filipino sa palihan@liraonline.org. Maaari rin mag-iwan ng isang sobreng naglalaman ng mga kailangan sa pigeon hole ni Prof. Vim Nadera sa UP Institute of Creative Writing, 2/F Faculty Center, College of Arts and Letters, UP Diliman. Ang huling araw ng pagpapatalâ ay ang ika-30 ng Abril, 2009.

Ngayong 2009 ay 24 taong gulang na ang LIRA, isang samahan ng mga makatang nagsusulat sa wikang Filipino. Ang LIRA ay itinatag ni Virgilio S. Almario (mas kilala bilang Rio Alma), Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan, noong 1985, at kinabibilangan ng mga premyadong makata tulad nina Roberto at Rebecca Añonuevo, Romulo Baquiran Jr., Michael Coroza, Jerry Gracio, Vim Nadera, at Edgar Samar.

Para sa dagdag na kaalaman tungkol sa LIRA, magtungo lamang sa www.liraonline.org.

* * *

Call for Submissions: LIRA Poetry Clinic 2009

On March 5, the nine new members of Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA) will be formally sworn in. Mariane Abuan, Teofilo Catanyag, Perfecto Edilo, Noel Fortun, Deborah Nieto, Willester Robles, Renato Santillan, Natalie Sepe, and Ryan Tanauan are products of the yearly poetry clinic being held by LIRA in pursuit of its mission of championing Filipino poetry.

The newly elected officers of LIRA will also take their oaths alongside the new members. They are Phillip Kimpo Jr. (President), Francisco Monteseña (Vice President), Vivian Limpin (Secretary), Enrique Villasis (Treasurer), and Ynna Abuan (Public Relations Officer).

LIRA is now accepting sign-ups for its next poetry clinic. All those interested must submit one Word Document file containing the following: one-page bio data, ID picture, contact numbers, and five (5) poems in Filipino, to palihan@liraonline.org. An envelope containing the requirements may also be dropped off c/o Prof. Vim Nadera at the UP Institute of Creative Writing, 2/F Faculty Center, UP Diliman, 1101 Quezon City. All submissions should be in on or before April 30, 2009.

The regular clinic period is from June to August and will be held every Saturday and Sunday from 9:00 AM until 5:00 PM. Classes will continue until December.

Celebrating its 24th anniversary this 2009, LIRA is an organization of poets in Filipino. It was founded by National Artist for Literature Virgilio S. Almario (a.k.a. Rio Alma) in 1985 and counts among its members award-winning poets such as Roberto and Rebecca Añonuevo, Romulo Baquiran Jr., Michael Coroza, Jerry Gracio, Vim Nadera, and Edgar Samar.

For more information about LIRA, visit www.liraonline.org.

Gaya ng sinasabi ko sa mga kakilala, marami kang matututuhan mula sa LIRA workshop kahit English writer ka, o kaya nama'y fictionist, essayist, playwright, o anuman. Kahit nga ang non-writer (i.e. teacher) ay maraming mapupulot na kaalaman.

Excited na rin ako sa Workshop 2009, dahil (1) ito ang unang workshop ko bilang Pangulo ng LIRA, at (2) gusto kong makita kung mahihigitan o mapapantayan ba ng mga bagong salang ang nagdaang Batch Aranya, na pwedeng tawaging 'exceptional' sa kasaysayan ng LIRA.

Magpasa na sa LIRA Workshop!

Thursday, February 19, 2009

LIRA Xmas Party 2008: Poets Great and New




Pagkatapos ng LIRA Fellows' Night 2008, tuloy-tuloy ang kasiyahan sa hardin ng Conspiracy para sa taunang Christmas Party ng LIRA.

Kung ang naunang LIRA Fellows Night ay isang pagdiriwang ng bagong dugo ng panitikang Filipino, ang sumunod na LIRA Christmas Party ay isang pagsasama ng mga bago at beterano.

(Okey ang korni nun.)

Basta enjoy ang gabing 'to -- reunion, kuwentuhan, kantahan, inuman, at ginamot ni sir Vim ang isang kahindik-hindik na sugat sa paa ni Debbie (niluhuran ng isang future National Artist!).

LIRA Fellows' Night 2008: Aranya Poets




Disyembre 11, 2008: unang Fellows' Night ko bilang LIRA Member. Ang sarap lang "to just sit back and relax," di tulad noong huling taon kung kailan kami ang tensiyonado (LIRA Fellows' Night 2007: Sidhay Poets).

Naging hectic ang araw na 'to para sa 'kin -- sa umaga'y dumalo sa 2nd day ng Book Piracy Seminar sa UP Diliman, at sa hapon nama'y sumungkit ng 12 aklat sa UP Press Xmas Sale. Bata pa ang gabi nang pumunta kami ni Ynna sa Conspiracy Bar sa Visayas Avenue, QC, kung saan ginanap ang Fellows Night at LIRA Xmas Party.

Ang Fellows' Night ang nagsilbing graduation ng mga nagsipagdaan sa LIRA Poetry Clinic 2008 (magpasa na sa kakabukas na klinika 2009!) at launch ng folio ng Batch Aranya.

Di hamak na mas marami ang pumunta sa Fellows Night ngayon kesa noong nakaraang taon, at dahil na rin iyon sa dami ng mga matitibay at masisipag na Fellow na nagtiyagang umabot hanggang sa dulo ng Workshop.

Basahin niyo rin ang sanaysay at mini-critique ni sir Bobby Añonuevo sa ilan sa mga tula ng Aranya poets.

Sinama ko dito ang ilang kuha mula sa camera ni Ynna, pero antayin niyo na lang na i-upload niya rin ang kanyang sangkatutak na retrato. Masyado na kasing madami kung ipagsasama ko dito sa iisang album -- lalagpas ako sa 400 photos. Humiram din pala ako ng ilang pics mula kay Undoy.

Abangan ang continuation ng album na ito -- ang LIRA Xmas Party 2008.

Monday, February 16, 2009

Aklan '09 4: Ati-Atihan Drunken Street Dancing




Jan. 17, 2009: Tanghali hanggang gabing sayawan at inuman sa mga kalye ng Kalibo pagkatapos ng tour sa Sampaguita Gardens Resort & SJB Mansion.

Dahil ang Ati-Atihan ay isang excuse para maging makulay, nagkaroon muna kami ng face painting session sa bahay. Pagkatapos ay sumugod na sa "sadsad" ("street dancing" in Akeanon) kaming mga Dapitdilim-LIRA writers, ang National Artist for Literature Rio Alma, at kanyang asawa, si ma'am Lin.

Noong una'y kasama namin ang mga kapwa Kimpo and family friends, pero nagkahiwalay kami nang nalasing na. (Ang Ati-Atihan ay isa ring malaking excuse para malasing ang buong bayan.) Nang napagod kinagabihan, kumain kami ng la paz batchoy sa Tokanz.

Pagkauwi ng mga Almario sa hotel, uminom at nagkuwentuhan pa kaming mga bata sa balcony ng bahay. Lagpas hatinggabi na nang natulog kami.

The next day ang huling araw ng piyesta, inaabangang kainan sa bahay, at inuman with Rio Alma...at nasa susunod na album na 'yun.

Halo-halo na pala dito ang mga pics namin ni Ynna at manang Diana.

Album list of our vacation:
Trip background:

Isang pulutong kaming bumiyahe: kaming mga Dapitdilim-LIRA writer-poets (Ynna, Debbie, Carla, Rey, Rom) at si sir Rio (National Artist for Literature Virgilio S. Almario) kasama ang kanyang asawa, si ma'am Lin.

Unang beses ng mga kasama kong 'bagets' na makapunta sa Aklan. Tinarget nila ang Boracay pero mas nahalina sa Ati-Atihan, kung saan ang buong bayan ay naglalasing, sumasayaw, tumatalon, at humihiyaw. (Basahin ang essay kong lumabas sa Feb.-March issue ng Balikbayan travel & lifestyle magazine para sa aming karanasan.)

Aklan '09 3: Sampa Gardens & Mansion Tour




Jan. 17, 2009: Tour sa Sampaguita Gardens Resort & Spa at SJB Mansion pagkatapos ng Saturday morning Ati-Atihan.

Pagkatapos naming mag-shopping ng Precious Moments dolls & Ati-Atihan souvenirs sa year-round Christmas Cottage, binigyan kami ng isang walking tour ni Glenn I. Jereza, Corporate Communications Manager ng tanyag na resort.

A funny story: nung nalaman ni Glenn ang pangalan ko, tinanong niya sa akin, "Were you the one who blogged about my article?" Aside from the name, namukhaan niya pala ako, dahil sinipi ko ang Phil. Star article niya dati dito sa Multiply, tungkol sa pagragasa ng bagyong Frank sa Aklan.

Habang iniikot niya kami sa resort, nagkuwento rin siya tungkol sa personal experiences nila noong bagyo. Una niya kaming dinala sa nakahahalinang spa; sumunod ang chapel. Pinakuha pa ang susi ng lock kaya lumibot kaming muli.

Next stop: SJB Mansion, ang retirement home ng may-ari, si Samuel J. Butcher. Si SJB rin ang namahala sa paggawa ng resort, down to the tiniest artistic details. Isa siyang maestro. Punong-puno ang bahay ng mga kayamanan mula sa iba't ibang panig ng mundo. The pics will speak for the grandeur of the house.

Pagkatapos ay bumalik kami sa chapel, na tadtad ng mga kyut na Precious Moments-style murals & paintings. Last stop naman ang seaside. Dito nanumbalik ang mga alaala ng drunken moments ko noong 2006 (o 2007?) kung kailan nag-check-in ang angkan ng isang gabi sa Sampa Gardens para sa kasal ng tito ko.

Pagkatapos magpasalamat kay Glenn para sa astig na tour, bumiyahe na kami pabalik ng Kalibo para sumabak at magpakalasing muli sa Ati-Atihan...at nasa susunod na album na 'yun.

Halo-halo na pala dito ang mga pics namin ni Ynna.

Album list of our vacation:
Trip background:

Isang pulutong kaming bumiyahe: kaming mga Dapitdilim-LIRA writer-poets (Ynna, Debbie, Carla, Rey, Rom) at si sir Rio (National Artist for Literature Virgilio S. Almario) kasama ang kanyang asawa, si ma'am Lin.

Unang beses ng mga kasama kong 'bagets' na makapunta sa Aklan. Tinarget nila ang Boracay pero mas nahalina sa Ati-Atihan, kung saan ang buong bayan ay naglalasing, sumasayaw, tumatalon, at humihiyaw. (Basahin ang essay kong lumabas sa Feb.-March issue ng Balikbayan travel & lifestyle magazine para sa aming karanasan.)

Aklan '09 2: Saturday Ati-Atihan & Sampaguita Resort




Jan. 17, 2009: Day 2 of our 6-day Kalibo-Boracay vacation in my home province of Aklan. Ginising kami ng mga tambol ng Ati-Atihan; hindi na kinailangan ang kape.

Pagkatapos ng unang sabak ng mga kaibigan ko sa 797th Ati-Atihan Festival-- the oldest festival in the Philippines--ikalawang araw na ng lasingan at sayawan sa kalye.

Bago pa man sila makabuwelo (at mabuwang sa lansangan), dinala ko sila sa tanyag na Sampaguita Gardens Resort and Spa. Ang year-round Christmas Cottage nito ang tahanan ng tanyag na Precious Moments dolls. Sa Aklan na nagretiro ang may-ari, si Samuel J. Butcher (SJB).

Ang Sampa Gardens ay matatagpuan sa karatig bayan ng Kalibo, ang New Washington. Dito ipinanganak si Jaime Cardinal Sin (na siya namang naging rector ni Dad sa seminaryo sa Capiz).

Bukod sa mga dolls/souvenir items, ang mismong resort ay isang likhang-sining. No wonder that it's one of the main tourist draws of Aklan (of course, way after Boracay and Ati-Atihan).

Pagkatapos namin mag-shopping, binigyan kami ni Glenn I. Jereza, Corporate Communications Manager ng resort ng isang tour ng Sampaguita Gardens & SJB Mansion...at nasa susunod na album na 'yun.

Halo-halo na pala dito ang mga pics namin ni Ynna.

Album list of our vacation:
Trip background:

Isang pulutong kaming bumiyahe: kaming mga Dapitdilim-LIRA writer-poets (Ynna, Debbie, Carla, Rey, Rom) at si sir Rio (National Artist for Literature Virgilio S. Almario) kasama ang kanyang asawa, si ma'am Lin.

Unang beses ng mga kasama kong 'bagets' na makapunta sa Aklan. Tinarget nila ang Boracay pero mas nahalina sa Ati-Atihan, kung saan ang buong bayan ay naglalasing, sumasayaw, tumatalon, at humihiyaw. (Basahin ang essay kong lumabas sa Feb.-March issue ng Balikbayan travel & lifestyle magazine para sa aming karanasan.)

Aklan '09 1: Their First Taste of Ati-Atihan




Jan. 16, 2009: Start of our 6-day Kalibo-Boracay vacation in my home province of Aklan. Bago ang beach, sumayaw at naglasing muna kami sa 797th Ati-Atihan Festival -- the oldest festival in the Philippines.

Tanghali ang flight namin mula Manila. Isang pulutong kaming bumiyahe: kaming mga Dapitdilim-LIRA writer-poets (Ynna, Debbie, Carla, Rey, Rom) at si sir Rio (National Artist for Literature Virgilio S. Almario) kasama ang kanyang asawa, si ma'am Lin.

Medyo nagkagulo pa sa terminal dahil sa rescheduling boo-boos ng CebuPac. Pati ako, pinabalik pa sa check-in counter mula sa boarding gate sa kalituhan. Unang beses sumakay ng eroplano ng ilan sa mga kasama ko.

Unang beses din ng mga kasama kong 'bagets' na makapunta sa Aklan. Tinarget nila ang Boracay pero mas nahalina sa Ati-Atihan, kung saan ang buong bayan ay naglalasing, sumasayaw, tumatalon, at humihiyaw. (Basahin ang essay kong lumabas sa Feb.-March issue ng Balikbayan travel & lifestyle magazine para sa aming karanasan.)

Pagkatapos ng merienda, dumeretso kami sa Museo it Akean (Museum of Aklan) bago ito magsara. Dahil nasa plaza na rin ang museo, ilang saglit lang at sumugod na rin kami sa Ati-Atihan.

The pictures will tell the rest of the story ;) Halo-halo na pala dito ang mga pics namin ni Ynna.

Susunod na album: Saturday morning Ati-Atihan and Sampaguita Gardens Resort shopping.

Album list of our vacation:

Thursday, February 5, 2009

UP Christmas Lighting & Hagikhikan 2008




Uber-late pics.

Disyembre 2: "Pailaw" ng Xmas lights sa UP Diliman. Simula ng pinakapaborito kong buwan sa aking alma mater.

Disyembre 15: UP Faculty Follies naman. Nagkita kami ni Ynna sa Gateway bago pumunta sa UP Theater, kung saan humabol si Debbie. Ang talagang ipinunta namin sa palabas ay ang cross-dressing National Artists for Literature Virgilio Almario & Bienvenido Lumbera. Wasak. Pagkatapos, pumunta kami sa Sarah's para uminom, kung saan naroon pala sina Carla, Harry, at Undoy.

Wednesday, February 4, 2009

Bagong Pangulo ng LIRA (At Isang Bagong Simula)

Noong nakaraang Linggo, inihalal ang bagong officers ng LIRA. Pagkatapos ng problemang kinaharap ng aming pamilya nitong Enero (pagkakadawit ng pangalan ni Daddy sa Alabang Boys case), pinadalhan ako ng Diyos ng isang napakagandang pagbabago sa buhay.

Isa lang ang masasabi ko, at sasabihin ko nang paulit-ulit: Nasa huli ang biyaya.

(Sa mga di-nakakaalam, ang LIRA ay isang samahan ng mga manunulat at makatang Filipino na itinatag ng National Artist for Literature Virgilio S. Almario a.k.a. Rio Alma nong 1985.)

Mga kaibigan, ang bagong Pamunuan ng Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo:
  • Pangulo (President) - Phillip Kimpo Jr.
  • Pangalawang Pangulo (Vice-President) - Francisco "Kiko" Monteseña
  • Kalihim (Secretary) - Vivian "Beng" Limpin
  • Ingat-Yaman (Treasurer) - Enrique "En" Villasis
  • Tagapag-ugnay (Public Relations Officer) - Mariane Amor Romina "Ynna" Abuan

Ako, mukhang tanga. (Ser Rio sa background.)

Kuya Kiko, nagwagi sa sabong ni Rio Alma.

Miss Beng, nagulat sa isang bagong kaalaman: kabilang siya sa Pamunuan!

En (nakaputi, kasama si Ka Fer), nagbabantang tutuhugin ang mga bumoto sa kanya.

Ynna, pinapahirapan na kaagad sa trabaho ni ser Rio (i-PR daw niya ang menu ng Sarah's).

Mabuhay ang bagong Pamunuan ng LIRA!

Nais naming magpasalamat sa mga outgoing officers. Sila ang naglatag at naglunsad ng maraming magagandang proyekto para sa organisasyon. Nawa'y pagpalain sina Beverly Siy (pangulo), Raul "Tata" Funilas (pangalawang pangulo), Maureen Gaddi dela Cruz (kalihim), at Pamela Maranca (ingat-yaman) sa kanilang mga susunod na gawain sa buhay. (Si En ang PRO dati pero naglilingkod uli sa Pamunuan ngayon.)

Nais din naming batiin ang mga bagong pasok na kasapi ng LIRA:

Mga Ganap na Kasapi

  • Mariane Abuan
  • Teofilo Catanyag
  • Perfecto Edilo
  • Noel Fortun
  • Deborah Nieto
  • Willester Robles
  • Renato Santillan
  • Natalie Sepe
  • Ryan Tanauan

Probationary Member

  • Gigi Constantino
  • Sheila del Mundo
Aaminin kong kinakabahan akong magsilbing pinuno ng isang tanyag na organisasyon, lalo na't bata pa ako at isang taon pa lang mula nang nanumpa ako bilang kasapi. Ngunit kasabay ng kaba ang pananabik -- labis akong natutuwa sa lineup ng officers pati na rin sa bagong dugo ng LIRA, at gusto ko nang makatrabaho ang mga kaibigan kong ito para sa pagpapaunlad ng panitikan sa Filipinas.

Sa mga nagsisimulang makata at manunulat, bantayan lang po ang aming website dahil malapit na po kaming magbukas ng Fellowships para sa LIRA Poetry Clinic 2009. Kita kits sa Hunyo para sa simula ng mga worksyap!

* * * * *

Ang bilis ng isang buwan.

Noong Bagong Taon, nagsisimula pa lang ang pinakamasaklap na yugto ng buhay ko -- ang pagkakadawit ni Dad sa "panunuhol" sa Alabang Boys case. Ang hirap talaga, sobrang hirap ng mga pinagdaanan namin. Nagawa ko ang mga bagay na di ko sukat akalaing magagawa ko -- ipagtanggol si Dad sa diyaryo, lunukin ang 'pride' at magpadala ng sangkaterbang text at email sa kahit di ka-close, magpa-interview kay Ces Drilon, at kung ano-ano pa.

Langya 'yan. Di ko rin sukat akalain na lahat ng iyon, maipapanalo rin ang laban.

Nagawa ko.

Kaya ko pala.

At panulat lang ang naging sandata ko. Kaya kahit matagal ko nang tinatawag ang sarili kong manunulat, nitong buwan ko lang talaga naisapuso ang kasabihang "the pen is mightier than the sword."

Sa ibang panahon na ako makapagsusulat ng isang mas mahaba at 'tunay' na sanaysay tungkol sa mga nangyari, kaya heto ang isang summary:
  • Umabot pala sa kung saan-saan ang liham kong nagtatanggol kay Dad. Nabasa ng mga congressmen, ng mga pulitiko, ng mga abogado, ng mga pulis, ng kung sino-sino.
  • Sa mga congressional hearing at imbestigasyon ng NBI, lumabas na walang basehan ang mga alegasyon kay Dad. (Kung meron sa ibang opisyal/piskal, wala na akong pakialam doon.) Sabi nga ni Ynna, para na ngang 'non-existent' si Dad sa mga huling hearing at mga balita.
  • Binuksan ni Dad ang kanyang mga bank account sa Congress. Sinabi niya ang laman ng isang account: mga 3000 pesos (oo, tatlong libo) lang. Napatawa ang mga tao. Sabi ni Tita Baby, nagpalakpakan sila sa kanilang office sa puntong ito.
  • Nang nabasa daw ng boss ni Tita Baby (sa Bangko Sentral) ang liham ko, ipinaskil nila iyon sa bulletin board para mabasa ng lahat.
  • Nag-waive na si Dad ng kanyang bank secrecy rights. Pwede nang busisiin ng gobyerno ang laman ng lahat ng bank account niya. Baka mapatawa lang ang mga magbubusisi, dahil nga sa halip na "unexplained wealth," "unexplained poverty" ang makikita nila.
  • Sumikat ang bulok naming kotse dahil nabigyan ng media exposure. Hehe. Di na namin ibebenta ito. Pang-museum piece na!
  • Naaalala niyo si Major Marcelino? 'Yung militar na nasa PDEA na tinanghal na bayani sa media noong simula ng kontrobersiya? (PDEA ang naging katunggali ng DOJ sa kasong ito.) Sa isang hearing, lumapit siya at nakipagkamay kay Dad. Sabi niya, "Ser, nabasa ko ang letter ng anak mo."
Ayun lang muna. Basta, masaya ako. At sa tingin ko, panahon na na ibalik ko sa normal ang buhay ko.

Isang buwan ng katarantaduhan ang pinagdaanan ko, pero sa pagsimula ng bagong buwan (Pebrero), para bang binigyan ako ng Diyos ng isang sumisigaw na mensahe: "Eto, LIRA president ka na. Tagumpay 'yan. Kung di mo inaasahan ang Alabang Boys issue, di mo rin inaasahan ang ganito kalaking biyaya. Pambawi 'yan sa pinagdaanan mo, and more."

(Naks nagta-Taglish ang Diyos.)

Salamat sa lahat, sa lahat, sa lahat, at sa lahat. Mula sa Maykapal hanggang sa langgam. Sa lahat ng nagpakita ng suporta, susubukan kong magpasalamat sa inyo isa-isa, pero maniwala kayo, tinatandaan ko kayong lahat. Mahal ko kayo.

Enero 2 nang may sinulat akong liham na di ko akalaing napakalaki nang magiging epekto. Ngayon, Pebrero 5, tatapusin ko 'tong blog post na 'to kung paano ko sinimulan ang liham.

Eto si Phillip Kimpo Jr., 23, manunulat, makata, blogger. Nagsisimulang maglingkod sa panitikang Filipino bilang Pangulo ng LIRA...at nagsisimulang muli.



(At simulan na ang pag-a-upload muli ng nakabinbing photo albums!)

Monday, February 2, 2009

My Election as LIRA President




Pebrero 1, 2009: Ang araw na nagbago ang buhay ko. (Aba'y madrama ang loko.)

Pinamahalaan ni sir Rio Alma (Virgilio S. Almario), National Artist for Literature at Ama ng Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA) ang halalan para sa bagong Pamunuan ng organisasyon ng mga makata sa Filipino.

Ang mga magsisilbi para sa mga taong 2009-2011:
  • Pangulo (President) - Phillip Kimpo Jr.

  • Pangalawang Pangulo (Vice-President) - Francisco "Kiko" Monteseña

  • Kalihim (Secretary) - Vivian "Beng" Limpin

  • Ingat-Yaman (Treasurer) - Enrique "En" Villasis

  • Tagapag-ugnay (Public Relations Officer) - Mariane Amor Romina "Ynna" Abuan
Pagkatapos ng halalan, pumunta kami sa Sarah's Beer Garden (gaya ng nakasanayan). Kaunting inuman, kuwentuhan, at turnover ng documents ng Pamunuan.

Gaya ng naisulat ko sa blag post ko dati, parang pambawi sa pinagdaanan naming krisis ni Dad ang pagiging Pangulo ko. Sana lang, magawa ko nang mahusay ang trabaho, lalo't ipagdiriwang ng LIRA sa 2010 ang ika-25 anibersaryo nito.