Sunday, May 24, 2009

9th IYAS Writing Workshop 8: Leaving Bacolod




May 2, 2009: Tapos na ang 1 week ko sa Negros Occidental para sa 9th IYAS Creative Writing Workshop; morning flight back to Manila.

Di ko na na-enjoy ang huling araw sa Bacolod di tulad ng mga ka-Fellow ko dahil ako ang pinakaunang umuwi ng Maynila. Kinabukasan kasi ay may flight ako patungong Dumaguete para sa isa na namang workshop.

Kasabay ko si Dr. Anthony Tan sa oras ng flight. (Cebu Pacific ako, PAL siya kasama ang mga taga-NCCA at Kritika tulad ni Ricky de Ungria.) Hinatid kami ni sir Tony ng van ng Univ. of St. La Salle.

Taon-taon akong lumilipad, pero unang beses ko 'tong sumakay ng eroplano mag-isa.

Pagkauwi sa Maynila, may 1 araw lang ako para humabol sa trabaho bago sumabak sa 2 weeks ng 48th Dumaguete National Writers Workshop...at nasa mga susunod na albums na 'yun.

Ang kumpletong albums ng 9th IYAS Creative Writing Workshop:

9th IYAS Writing Workshop 7: Our Graduation




Kasama dito ang pics ng emergency room adventure namin pagkatapos maaksidente ang isang co-Fellow.

May 1, 2009: Pagkatapos ng cultural & historical tour sa Silay at Talisay cities, pumunta kami sa mansiyon ni Dr. Elsie Coscolluela sa Santa Clara Subdivision, ang "Forbes Park" ng Bacolod, para sa Fellowship Dinner at graduation rites ng 9th IYAS Creative Writing Workshop.

Todo-todo ang inihaing pagkain at panulak. Nang mabusog, sinimulan ang programa. Ako ang unang nagbasa ng tula (ang aking tula sa Filipino, Nimbus at ang salin ko sa Ingles ng tula ni Jerry Gracio, Reading).

Pagkatapos ng paggawad ng mga sertipiko at bago ang group pics, nagkaroon muna ng isang kuwelang laro si Leoncio Deriada para sa amin. Hahaba kung ipapaliwanag; basta tungkol sa mga sineng Pinoy, pagpapalit ng mga salita, at paminsan-minsang kabastusan.

Pauwi, dumaan kami sa Caltex para bumili ng beer, yosi, chichiria, at iba pa. Pagdating sa Balay Kalinungan, naghanda na kaagad akong matulog dahil maaga ang flight ko kinabukasan.

Pero di pa nagtapos ang gabi do'n. Kulang pa sa drama e.

Bago ako matulog at habang nagdiriwang ang ibang ka-Fellow ko (read: tumotoma), nagkaroon ng munting aksidente si Petra Magno.

Nabangga siya sa pader at pumutok ang noo. Medyo malakas ang agos ng dugo (di ko na sinama dito ang mga pics nun). Sinugod namin si Petra sa Riverside Medical Center/Dr. Pablo O. Torre Memorial Hospital sakay ang ambulansiya ng Univ. of St. La Salle. (Unang beses kong makasakay.) Kami nina Debbie, Anton, ma'am Marj Evasco, at sir John Teodoro ang sumama; humabol naman si ma'am Gloria Fuentes.

As it turned out, di naman malala ang sugat, pero naka-6 o 7 stiches pa rin. Nasa dulo ang pics sa emergency room (mula sa cellphone cam ko at sa camera ni Petra na naiwan sa amin). Halos 3 AM na nang makabalik kami sa hotel.

Ang kumpletong albums ng 9th IYAS Creative Writing Workshop:

9th IYAS Writing Workshop 6: Silay Historical Tour


Parang nag-aayos ng buhok 'yung anghel?

May 1, 2009: Pagkatapos ng tour sa The Ruins (early 1900s mansion), dinala ang mga Fellows ng 9th IYAS Creative Writing Workshop sa Silay City para sa Part 2 ng Cultural & Historical Tour.

Sa kasamaang palad, halos lahat ng pinuntahan naming museo (tulad ng Balay Negrense), panaderia, at tindahan ay sarado. Labor Day kasi. Umuulan pa. Di na kami nakababa ng USLS bus at hinangaan na lang ang mga Spanish-era structures mula sa loob.

Buti na lang at nadatnan naming bukas ang El Ideal , tinaguriang "Silay's Original Bakery." Mula sa Multiply ng El Ideal:

"Established by Mr. Cesar Locsin y Lacson in the circa 1920's and handed down to his daughter and now on its 3rd and 4th generation owners, El Ideal continues the legacy their grand father built."

Namakyaw kami ng mga ipapasalubong; nakaisang kahon ako. Pagkatapos ay binigyan kami ng tour ng panaderia. The highlight: their 1920s brick oven.

Pabalik ng Bacolod, dumaan kami sa Balay ni Tana Dicang (Lizares Mansion) sa Talisay City. Nagsisilbing museo at art gallery ang antigong bahay.

Pagkatapos ng tour, bumalik na kami sa Univ. of St. La Salle para maghanda para sa aming Fellows Night...at nasa susunod na album 'yun.

Ang kumpletong albums ng 9th IYAS Creative Writing Workshop:May ilang pics dito na hiniram ko mula kina Jowie at Petra.

9th IYAS Writing Workshop 5: The Hacienda Ruins




May 1, 2009: 5th & last day ng 9th IYAS Creative Writing Workshop. Araw ng pictorial, cultural & historical tour sa The Ruins (early 1900s mansion) at Silay, at graduation ng Fellows.

Pagkatapos ng last workshop sessions, nagkaroon ng group photo ang mga Fellow at Panelist ng IYAS. Sumunod ang field trip sa The Ruins sa Talisay City (katabi lang ng Bacolod).

Ilang bagay tungkol sa The Ruins mula sa brochure:
- the largest residential structure in the Philippines ever built at that time
- mansion of the haciendero Don Mariano Ledesma Lacson and his wife Maria Braga
- Italianate architecture w/ neo-Romanesque twin columns
- burnt down during WWII by guerilla fighters to prevent the Japanese from using it as their headquarters.

Ayon sa co-Fellow namin, nitong mga huling taon lang natuklasang muli ang nasirang mansyon sa gitna ng malawak na taniman ng tubo. Target rin daw 'to ng mga ghosthunters.

Pagkatapos libutin ang The Ruins, pumunta kami sa Silay City para sa Part 2 ng aming tour...at nasa susunod na album 'yun.

Ang kumpletong albums ng 9th IYAS Creative Writing Workshop:May ilang pics dito na hiniram ko mula kina Jowie at Petra.

9th IYAS Writing Workshop 4: Bacolod After Dark




Subtitles: "Stranded by a Storm" & "Wasakan ng Atay."

April 30, 2009: 4th day ng 9th IYAS Creative Writing Workshop. Madaming masasayang kabalbalan ang nangyari sa araw na 'to. Ang naging daloy ng araw:

- 4th workshop day
- paglibot muli sa Univ. of St. La Salle campus
- jeep ride around Bacolod
- pagbisita sa Bacolod Cathedral (built in 1876)
- walking around Bacolod on foot
- pagpapakain sa mga isda sa Capitol Park and Lagoon (kung saan kami inabutan ng malakas na ulan; kinailangan naming lumusong sa munting baha para makasakay ng dyip)
- pahinga sa Robinsons Mall
- inuman, inuman, inuman.

Ang kumpletong albums ng 9th IYAS Creative Writing Workshop:May ilang pics dito na hiniram ko mula kina Jowie at Petra.

9th IYAS Writing Workshop 3: Lovin' Bacolod




April 29, 2009: 3rd day & halfway through the 9th IYAS Creative Writing Workshop. By this time, naiinlab na kami sa Balay Kalinungan at sa Bacolod. Papetiks-petiks na rin ako dahil tapos nang ma-workshop.

Ang daloy ng araw:
- workshop sessions
- early dismissal dahil humabol kami sa bandang dulo ng 2nd KRITIKA Seminar Workshop on the Teaching of Regional Literature, kung saan nagsalita si ma'am Marj Evasco; feeling rakstars kami nang ipakilala bilang mga Fellow at pinalakpakan ng mga delegado hehe)
- paglilibot sa Univ. of St. La Salle campus at pagkain ng siomai-with-bagoong (sarap!)
- night out with my co-Fellows & Dr. Anthony Tan (cake & beer...what a combo).

Ang kumpletong albums ng 9th IYAS Creative Writing Workshop:May ilang pics dito na hiniram ko mula kina Jowie, Petra, at JM.

Friday, May 22, 2009

9th IYAS Writing Workshop 2: A Rousing Start




April 27-28, 2009: First 2 days ng 9th IYAS Creative Writing Workshop. Maganda ang naging simula ng linggo ko dahil nakatsamba't maganda ang feedback sa mga tula ko.

Ngunit higit doon, naging maganda ang simula dahil 1) maganda ang lugar, 2) astig ang pagkain, 3) okey sa olrayt ang mga panelist, at 4) olrayt sa okey ang mga co-Fellow ko.

Daloy ng Day 1:
- workshop session ng mga tula ko (yep, unang salang)
- afternoon group session with Marjorie Evasco (kami nina Debbie at Twiggy ang nagkagrupo)
- maaga ako natulog dahil medyo di maganda ang pakiramdam

Daloy ng Day 2:
- paggala sa library & museum ng Univ. of St. La Salle
- afternoon group session with Leoncio Deriada (kami nina Debbie, Vijae, at Irish ang nagkagrupo)
- inuman at kuwentuhan

Ang kumpletong albums ng 9th IYAS Creative Writing Workshop:May ilang pics dito na hiniram ko mula kina Jowie, Petra, JM, Gen, at Van.

9th IYAS Writing Workshop 1: Bacolod Arrival




April 26, 2009: Pagdating namin sa Bacolod City, Negros Occidental para sa 9th IYAS Creative Writing Workshop. Simula 'to ng aking 3 weeks na workshop galore sa Negros.

Sabay ang flight namin ni Debbie Nieto (ka-Dapitdilim, ka-LIRA, ka-UST Workshop) sa Cebu Pacific. Unang beses kong mag-fly over sa probinsiya kong Aklan nang hindi lumalapag dito. Senti moment nga nung binati kami ng Boracay sa hilagang dulo ng Panay. 10 AM kami dumating sa New Bacolod-Silay International Airport.

Unang beses ko rin sa isla ng Negros. First impressions: impressive airport, hospitable people. Nang nilapitan kami ni Debs ng mga pulis at inalok ng taxi, suspicious pa ako (nasanay sa mga pulis sa Maynila), pero ako pala ang mali. Ginagabayan lang pala talaga kami nina tsip sa tamang sasakyan (NYALA van/taxi).

Hinatid kami ng taxi sa Balay Kalinungan sa University of St. La Salle, around 15 minutes away from the airport. Nakilala namin ni Debs ang mga unang workshop friends namin -- sina Joselito delos Reyes (isa sa mga seniors ng LIRA) at Vijae Alquisola (CEGP President).

Pagkatapos mag-unpack, nananghalian kaming apat sa Robinsons sa Mandalagan. Hinatid kami ng van ng USLS. Lumibot-libot kami sa mall at namili ng ilang aklat sa Booksale. (Talagang 'yun ang unang hinanap 'no?)

Kinagabihan, pumunta ang mga Fellows sa Chicken House para sa welcome dinner. Ang hapunan: tsiken inasal, ano pa ba? Naging romantic ang dinner nang saglit nawalan ng kuryente. (Ito yung linggo na puro brownout sa Visayas.)

Pagkatapos ng hapunan, nagkuwentuhan muna ang mga Fellows sa hotel/retreat house namin. Ginawang katuwaan ang sawimpalad na si "Tala," ang mauunang iwoworkshop kinabukasan. Naki-ride na lang ako dahil ako ang makatang 'yun hehehe.

Ang kumpletong albums ng 9th IYAS Creative Writing Workshop:

Best Summer Ever: 48th Dumaguete National Writers Workshop, Tapos Na

From L to R: Bea Nakpil, Mo Francisco, Ynna Abuan, Phillip Kimpo Jr., Keith Cortez, Marck Rimorin, Jonathan Gonzales, Niño Manaog, Maoui Stuart del Rosario, Aleck Maramag, Petra Magno, Arkaye Kierulf, Stan Geronimo, Gabriel Millado, Joy Rodriguez. (Image by F. Jordan Carnice.)

2 weeks, 14 days, 13 nights, 15 Fellows, 10 Panelists, 4 times left by the boat going to and from Siquijor, X bottles of beer, 3-5 hours of sleep per day, 4 excursions/resorts, 1 the National Writers Workshop...and 1 mom (National Artist for Literature Edith L. Tiempo).

Tapos na ang mga buwan ng Abril at Mayo. Tapos na rin ang aking:
Di pa rin ako makapaniwala na nangyari lahat nang iyon sa loob ng dalawang buwan. Ito na ang pinaka-astig na summer sa 24 taon ko sa mundo (at sa Dumaguete din ako naging 24 anyos).

Di ko na alam kung paano ipagpapatuloy ang blog post na 'to, kaya bullet points na lang:
  • Dumaguete: the best place I've ever been to. Biased na biased ako dati sa probinsiya kong Aklan (Ati-Atihan, Boracay). Susunod sa listahan ang Baguio at Bolinao. Pero ngayon, kailangan ko nang ilagay ang Dumaguete at Negros Oriental sa tuktok ng listahan ko. Walang tatalo dun. Tadtad ng magagandang tanawin at resort, hitik sa arts & culture, umaapaw sa napakasarap (at napakamurang) pagkain. Astig ang nightlife. Walang laban ang Manila Bay sa Rizal Boulevard ng Dumags. At kahit biased din ako sa UP Diliman, wala rin 'yung laban sa charm ng "university by the sea," Silliman University.
  • Most documented workshop ever. Pramis. Lalagpas ata sa 12 gigabytes ang libo-libo naming retrato. May dalawang DSLR ba naman hehe.
  • Batch name: 1st Siquijor National Personality Workshop. Maiwan ka ba naman ng barko 4 times at ma-stranded sa "mystical island of Siquijor."
  • Batch theme song: Jai Ho! (Si Mo kasi! May paulit-ulit na kanta tuloy sa playlist ko ngayon.)
  • Tubig kung tubig. At home na at home kami ni Ynna (siya bilang Mermaid, ako bilang Corsair). Hindi kami nalayo sa dagat/lawa.
  • "Andaming tao sa Manila!" Collective sigh/shout ng Fellows pagbalik sa Siyudad.
  • Sosyal na first time experiences. Unang beses kong mag-cruise, snorkel, kayak, infinity pool. Di sosyal pero astig: sumakay sa taas ng jeep. Pers taym ko rin makapunta sa gitna ng isang lawa (lagi na lang kasi sa dagat), pati mag-enjoy ng reggae concert.
  • Tumanda ata ako nang sobra. Hindi sa labas kundi sa loob. 2 weeks ang pinakamatagal kong panahon sa labas ng bahay (homebody ako) na walang kasamang kamag-anak. Sanay na rin akong mamuhay sa backpack.
Heto ang piling 44 group pics mula sa libo-libong pinitik sa loob ng dalawang linggo. Galing ang mga 'to sa camera ko, kay Ynna, at kay Jordan.

Pramis, bago matapos ang Mayo -- tatawad ako: Hunyo -- ay na-upload ko na ang 22 albums ng worksyap. Syet.

Week 1

First day sa Silliman University.

Kami ni Ynna sa Lake Balanan (isang lawa sa pusod ng mga bundok).

Marck, Arkaye, Bea, Ynna, ako, Stan sa workshop.

Ilan sa mga Fellow kasama si J. Neil Garcia (Week 1 panelist) sa Lake Balanan resort.

Sa floating cottage sa gitna ng Lake Balanan, kasama si Lana ng Silliman.

Fellows & Week 1 Panelists (Jimmy Abad, Myrna Peña-Reyes, J. Neil Garcia, Sarge Lacuesta) sa resort.

Reggae Night sa Hayahay.

Kami ni Ynna at Mickey Ybanez sa may dalampasigan.

Sa gitna ng kalye pagkatapos ng Reggae Night.

Fellows w/ Jimmy Abad, Krip Yuson, J. Neil Garcia, Sarge Lacuesta, Cesar Ruiz Aquino, & Padma Perez sa tapat ng Katipunan Hall.

Niño, Marck, Jordan, Keith, ako sa tapat ng Sans Rival (maker of the BEST sans rival cakes in the Philippines!).

Bea, Twiggy, ako, Keith, Marck, Mo, may ginagawang katarantaduhan.

Mga tunay na lalake (kuno, pagkat ang nakapula lang ang hindi malalagay sa "under consideration"): the Gemino Abad, Jonats, Keith, Marck, ako.

Lasingan sa Blue Monkey.

Antulang-Siquijor (a.k.a. Pang-inggit Weekend)

Free cruise aboard the yacht. (Kami nina Mo, Bea, Keith, Marck, at Ynna ang sumolo sa deck at nag-feeling mayaman hehe.)

Free snorkeling (hihiramin ko pa lang ang mask at snorkel kay Ynna).

Kami ni Ynna, kayaking. (Oo, libre uli. Sinulit namin!)

Hindi nagsawa sa tubig, lumipat naman kami sa Antulang infinity pool.

Paglibot sa buong isla ng Siquijor: kami nina Ynna, Keith, Petra, at Arkaye sa tuktok ng jeep.

Kami ni Ynna sa oldest convent in the Philippines sa Lazi, Siquijor.

Swimming in Salagdoong Beach, Siquijor.

Ilan sa mga Fellows at si Jordan (ang aming tour guide/kabarkada/alumnus) sa beach.

Maoui, Aleck, Jordan, Ynna, ako, Jonats sa Villa Marmarine resort. (Pagkatapos maiwan na naman ng barko. Stranded in Siquijor!)

Ang aming pakikipagsapalaran sa mahiwagang isla ng Siquijor sa pagsapit ng dilim. (Lagim?)

Week 2

Belated birthday dinner namin ni Stan (pareho kaming May 10) pagkabalik mula Siquijor.

Ako, Marck, at Keith sa workshop room.

Fellows with our Mom, National Artist for Literature Edith Lopez Tiempo.

Ynna, ako, Mo, Bea, at Jordan sa Gabby's (one of the many cool restos in town).

Ilan sa mga Fellows sa (isa na namang) infinity pool, this time sa Lalimar Resort, La Libertad. Kami ni Jonats ang mga t-shirt boys.

Ayan nagtanggal na rin ako ng t-shirt. Peer pressure. Kasama namin dito si Ian Casocot.

Ako, Mo, Bea, at Jordan, tsumitsibog sa resort.

Inuman uli sa Blue Monkey.

Team Jologs (ako, Keith, Bea, Mo, Jordan, Marck, at si Ynna da photogapher) sa sosyal (yet barely used) na footbridge ng Silliman.

Fellows, Week 2 Panelists (Chari Lucero, Susan Lara, Sawi Aquino, Juaniyo Arcellana; di nakarating si Ernie Yee), and Prof. Andrea Soluta sa Mariyah Art Gallery.

Fellows sa tapat ng isang painting sa Mariyah.

Kami sa "war bus" ng Silliman (1949 pa daw ginawa ang bus na 'to).

Marck, Bea, Ynna, ako sa huling araw ng workshop.

Kami nina Keith, Ynna, Bea, at Marck: huling yakap sa aming "power tree."

Graduation ng mga Fellows (one night that almost brought me to tears...yak).

Fellows with Myrna Peña-Reyes, Susan Lara, Ian Casocot, Anthony Tan, and NCCA's Sol Carang.

Fellows sa tabing-dagat.

Last inuman-dinner as one complete batch.

Paalam Harolds Mansion! Nami-miss ko na ang tahanan namin nang 2 linggo.

Last group pic sa Rizal Boulevard, bago kami pumunta sa airport. Team Jologs: Marck, ako, Ynna, Keith, Bea, Mo (nauna ang flight), Jordan (kumukuha ng retrato).

Sa mga Fellows (kasama ka na Jordan, adopted member ka na ng batch namin), maraming salamat sa pagkakaibigan at lahat ng magagandang alaala. Hanggang sa muling pagkikita. Mag-ipon na para sa 50th anniversary ng National Writers Workshop!