Tuesday, July 28, 2009

Panelist sa De La Salle Dasmariñas Poetry Workshop

Kahapon, dumayo kami nina Ynna Abuan at Debbie Nieto sa DLSU Dasma. Inimbitahan kasi kaming umupo bilang panelista/kritiko sa "Personal/Politikal: Palihan sa Pagsulat ng Tula" ng DLSU-D. Bahagi ang workshop ng Buwan ng Wika sa nasabing pamantasan.

Nanggaling ang paanyaya sa aking kaibigan (at LIRA 2007 co-Fellow) na si Kel Juan. Si Kel ay guro sa Kagawaran ng Filipino at Panitikan at tumatayong Direktor ng DLSU-D Buwan ng Wika 2009. Kasama niyang nagpatnubay sa palihan ang kanyang bagong co-faculty at malapit naming kaibigan (at LIRA co-Fellow din) na si Pau Hernando. Para na rin tuloy nag-reunion ang mga tagapagtatag ng KATAS (sayang at wala si JC Sola).

Ang mga Panelista: Deborah D. Nieto (LIRA, Dapitdilim, UST), Mariane A.R.T. Abuan (LIRA, Dapitdilim, UST), Emmanuel V. Dumlao (UPLB), Phillip Kimpo Jr. (LIRA, Dapitdilim, UPD)

Ikinarangal naming makasama sa panel ang premyadong makata na si Emmanuel V. Dumlao. Unang pagkakataon ko siyang makilala at marami akong napulot na bagong kaalaman mula sa beteranong guro-manunulat.

Si Kel (nakatayo) at ang mga tagapakinig, mga mag-aaral ng DLSU-D.

Mula 1 hanggang 5 ng hapon ang workshop. Pito ang Fellow (siyam dapat pero di nakadalo ang dalawa). Nagsisimulang makata ang pito (mga freshman at sophomore pa lang sila) ngunit nakitaan na namin ng kakayahan at potensiyal sa pagtula ang marami sa kanila. Sana'y ipagpatuloy pa nila ang pagtula, lalo sa wikang Filipino.

Ang pitong Fellow (nakatayo), mga Panelista (nakaupo), at mga tagapatnubay (Pau at Kel sa kanan).

Maraming salamat sa DLSU-D, lalo kina Kel at Pau para sa pagkakataon. Salamat din kina Ynna at Debbie na nagpaunlak sa paanyaya. Sa uulitin.


P.S. Pagkatapos ng palihan, agad-agad kaming bumiyahe pa-Maynila para makaabot sa paglulunsad ng "Tigre sa Zoo" poetry CD ni sir Rio Alma. On-time naman kami, pero grabe ang commute. Nataon ding maulan kaya halos nanigas kaming tatlo sa bus.

Thursday, July 23, 2009

Bagong Trabaho: Writer-Researcher of Filipino War Veterans

Kakagaling ko lang kanina sa Camp Aguinaldo. Sakses ang job interview: magsisimula na ako bilang writer-researcher sa Office of Strategic and Special Studies ng Armed Forces of the Philippines, sa ilalim ni Dr. Cesar Pobre, isang retiradong koronel na may PhD sa History.

Unang dahilan kung bakit gusto ko ang trabaho: susulat at magsasaliksik kami tungkol sa mga
"unhonored, unwept, unsung" Filipino veterans noong WWII at Korean War. Inaasahang gagamitin ang mga maisusulat namin sa isang libro.

Ikalawang dahilan: mula pagkabata, mahilig na akong magbasa tungkol sa kasaysayan, lalo na sa military history.

Ikatlong dahilan: punong-puno ng history books at military miniature models ang library ng OSS. Pareho akong mahilig sa dalawa.

Ikaapat na dahilan: dating pangulo ng Philippine Historical Association ang boss ko. Parang pagpapabatid ito na tuklasin ko na ang childhood love ko (history), lalo't umaandar na rin ako sa isa ko pang pag-ibig (panitikan). Nagtapos ng MA History sa UP Diliman si Dr. Pobre; balak ko namang simulan ang MA History sa parehong pamantasan sa susunod na taon.

Limang buwan ang raket. Dalawang beses kada linggo ko kailangang pumunta sa Kampo para mag-report, pero essentially work-from-home at work-at-your-own-pace siya. Kakailanganin kong pumunta sa mga aklatan (e.g. UP Lib, National Lib, National Historical Institute). Eto pala ang unang non-Internet-based raket ko mula pagka-graduate, kaya medyo nakakapanibago.

Pinahiram na nga ako ni Dr. Pobre ng isang makapal na aklat, ang History of the Armed Forces of the Filipino People (2000, New Day Publishers) para simulan ang research.
Lagpas 700 pahina, hardbound. Siya mismo ang may akda. Nangangati na akong basahin.

Sana makasulat ako ng mga spin-off na tula, sanaysay, at kuwento mula sa mga masasaliksik ko ;)

P.S. Di ko pala sigurado kung sa OSS ang account ko, o sa Philippine Veterans Affairs Office, sa AFP din.

Tuesday, July 21, 2009

LIRA Poetry Night July 2009 @ Conspi




Hulyo 21: Ikaapat na "LIRAhan sa Conspiracy Writers Night" sa taong 2009. Another evening of reading literary works.

Readers: Ynna Abuan, Mic Camba, Jeremiah Faustino, Harry Fiesta, Repa Galos, Pau Hernando, Phillip Kimpo Jr., Carla Payongayong, Louie Jon Sanchez, Charles Tuvilla, at si Tupe na di ko alam ang apelyido. Di hamak na mas marami ang readers kesa sa LIRAhan June 2009.

Dalawang tula ang binasa ko: ang sarili kong "Burnt Air" (unang tula ko sa Ingles sa loob ng ilang taon) at "Converse" ni Jerry Gracio.

Sunday, July 19, 2009

Dumaguete National Writers 3: Jazz by the Sea




Mayo 5, 2009: Pagkatapos ng orientation at unang workhop sessions, 2nd day na ng 48th Dumaguete National Writers Workshop.

Dalawang makata ang isinalang sa umaga, sina Niño Manaog at Mariane Abuan. Pagkatapos, nananghalian kami sa Jo's Chicken Inato (think chicken inasal, Dumaguete version).

Kinahapunan, workshop naman nina Marck Rimorin (creative nonfiction) at Maoui Stuart del Rosario (fiction). Nang matapos, naglibot-libot uli kami sa baywalk, pero walang tatalo sa pagliwaliw namin sa 1st album.

Nang mapagod, uminom muna kami ng kape sa Alumni Cafe. Hinarana kami ng isang jazz musician. Ang sarap lang ng pakiramdam: nagrerelaks, umiinom ng kape, nakikinig sa magandang musika, presko ang hangin, katabi ang dagat.

Kinagabihan, naghapunan kami sa Qyosko. Gaya ng nakasanayan namin sa Dumaguete, masarap ang pagkain. Kaunting kuwentuhan, tapos pahinga na. Hebigats kasi ang araw kinabukasan: pupunta kaming Lake Balanan sa gitna ng mga bundok. (At workshop ko na!)

Pics from my DSLR & Ynna's cam. Nanghiram din ako ng pics mula kina Petra, Mo, at Jordan.

Friday, July 17, 2009

Dumaguete National Writers 2: 1st Workshop Day




Mayo 4, 2009: Pagkatapos magliwaliw sa baywalk sa unang gabi namin sa Dumaguete, simula na ng 48th Dumaguete National Writers Workshop.

Nagkaroon muna ng orientation sa umaga kung saan una naming nakilala ang National Artist for Literature Edith Lopez Tiempo.

Para sa una naming tanghalian sa Dumags, kumain kami sa Bicolana Kini! Eatery malapit sa Harold's Mansion (tirahan namin).

Kinahapunan, pumunta kami sa Katipunan Hall ng Silliman University kung saan idinaos ang unang workshop session (for Arkaye Kierulf's poetry & Keith Cortez's fiction).

Pagkatapos, dinala kami ni sir Ian Casocot sa Cafe Antonio para sa, well, kape at onting snacks. Para sa hapunan, bumalik kami sa Bicolana Kini. At para sa unang full-blown inuman session namin, tinungo namin ang Blue Monkey Grill (kung saan naging suki kami sa loob ng 2 linggo).

Susunod na album: 2nd workshop day at ang 'jazz by the sea.'

Pics from my DSLR & Ynna's cam. Nanghiram din ako ng pics mula kina sir Ian, Mo, at Jordan.

Monday, July 13, 2009

Dumaguete Nat'l Writers 1: Arrival, Baywalk at Night




Mayo 3, 2009: Pagkatapos ng 9th IYAS Creative Writing Workshop, lumipad naman ako sa 48th Dumaguete National Writers Workshop. Transition from Filipino to English, poetry to prose. Saya.

Sinundo namin ni Dad si Ynna sa Sta. Mesa bago pumuntang NAIA Terminal 3. Cebu Pacific, 2:40 PM flight. Nakasabay namin sa eroplano si sir Jimmy Abad (at iba pang Fellow na di pa namin nakikilala noon).

Umuulan paglapag namin sa Dumaguete. Unang beses kong makaapak sa Negros Oriental. Sinundo kami ng van ng Silliman University at hinatid sa Harold's Mansion, ang naging tahanan namin nang 2 linggo. Dito ko nakilala ang magiging roommate ko, si Marck Rimorin, kapwa blogger, UPista, at creative nonfictionist. Ang bati niya kagad sa 'kin ay, "Corsarius, di ba?" na siyang ikinatuwa ko. Matagal na akong di natawag sa ganoong pangalan.

Noong magkasama na ang mga Fellow at handa nang tuklasin ang Dumags, tumila ang ulan. (Sinasabi ko 'to dahil noong nagkahiwa-hiwalay na kami pagkatapos ng worksyap, saka naman ulit bumuhos ang ulan...after 2 weeks.)

Nilakad namin ang Rizal Boulevard at namangha sa ganda ng baybayin. Nang mapagod, naghanap kami ng makakainan at napadpad sa La Caviteña. Unang toma, unang bonding.

Nasa susunod na album ang 1st day ng workshop kinabukasan.

(May pics dito mula sa cam ni Ynna.)

Sunday, July 12, 2009

LIRA Poetry Clinic 2009: Balagtasismo, Modernismo




Tatlong araw ng pagkalunod sa tula at toma.

Hulyo 12: Si sir Romulo Baquiran Jr. ang naging tagapanayam ng LIRA.
Hulyo 18: Workshop led by sir Joey Baquiran & sir Michael Coroza.
Hulyo 19: Panayam ni Ergoe Tinio (di ko nakuhanan ng retrato dahil di ako nakahabol) at sir Rio Alma (National Artist Virglio S. Almario).

Wednesday, July 8, 2009

New LIRA Officers' 1st Meeting




Peb. 8, 2009: Pitong araw pagkatapos mahalal, nagpulong na kagad ang bagong Pamunuan ng LIRA Filipino poetry group sa UP Diliman.

In attendance: ako, miss Beng (secretary), En (treasurer), at Ynna (PRO). Na-miss namin ang mga insight ni kuya Kiko Monteseña (vice president) na may mga gawain sa araw na iyon.

National Artist Almario's Doctor Honoris Causa




Marso 22, 2009: Paggawad ng Doctor of Literature Honoris Causa sa Pambansang Alagad ng Sining Virgilio S. Almario (Rio Alma) sa University of Regina Carmeli, Malolos, Bulacan.

Sinundo kami ni Ynna nina sir Rio & family sa Philcoa at sumabay papunta sa URC. Doon, nagkita-kita kami ng ilan pang mga kaibigan ni sir, tulad nina Joey Baquiran, Wendell Capili, Vim Nadera, Jovy Peregrino, Ligaya Tiamson-Rubin, at Galileo Zafra.

Isinabay ang conferment ni sir Rio sa graduation ceremonies ng URC kaya buong maghapon kami doon. Para mabasa ang keynote speech ni sir, pumunta sa Bulawan Online.

Pagkabalik sa Manila, naghapunan kami ni Ynna sa Chef D' Angelo sa SM Sta. Mesa.

Busy bee si sir Rio sa buwang ito: binigyan siya ng isang send-off party ng UP noong Marso 5, nagdiwang ng kaniyang kaarawan noong Marso 9, at nang-libre ng bertey inuman noong Marso 11.

May ilang pics dito mula kay sir Wendell.

Thursday, July 2, 2009

LIRA Poetry Clinic 2009: Rillo & Rafael Lectures


The shot that made it to the Balikbayan travel & lifestyle magazine.

Dalawang linggo ng LIRA lectures. Hunyo 21: Nanoy Rafael para sa Balangkas, Tinig, Himig. Hunyo 28: Fidel Rillo para sa Talinghaga.

Di ako nakadalo sa lecture ni Nikka Osorio (tungkol sa Tayutay) sa umaga ng Hunyo 28 kaya walang retrato. (Sori po!)

Alinsunod sa tradisyon ng LIRA, may mga naganap na inuman sa Sarah's pagkatapos ng dalawang araw ng panayam. Hehe.

Phil. Creative Industries 2 & "Atang" World Premiere




Nob. 28, 2008: 2nd day ng Philippine Conference on Global Prospectus for the Arts sa UP Diliman. Tulad ng sa 1st day, may libreng palabas pagkatapos: gala night ng dulang "Atang."

Sabi ko sa blag ko dati:

"Pagkatapos naman ng ikalawang araw, gala night ng dulang "Atang", based on the life of National Artist Honorata de la Rama. Putris ang galing lang talaga. Sabi nga ni ma'am Ricci, matagal na mula nang lubos siyang maapektuhan ng isang dula. Di ko rin inasahang mapapaiyak ako ng "Atang."

Ilang beses nag-standing ovation ang mga tao; humihiyaw ang iba (sina Frank Rivera ata) ng "Ang galing!" Di ko mapigilang pumalakpak kahit umaaray na ang mga sugat sa kamay.

On a side note, nahirapan kaming manahimik sa ilang bahagi ng dula dahil sa mga joke ni sir Vim Nadera. Si sir Mike Coroza din ay may mga naging hirit (tungkol sa 'Balagtasan' sa play na medyo naging OA at katawa-tawa). E nagkataong sandwiched pa kami sa dalawa (ser Mike - Ricci - Ynna - ako - Debs - ser Vim).

Pagkatapos ng dula, libreng hapunan. Gusto nang sumuko ng tiyan ko, lalo't nabusog na ako sa food trip namin noong hapon, kung saan nilamutak ko ang 3 stick ng BBQ (mula sa isawan sa Kalai), 1 stick ng chicken balls (mula sa may SC), at corn shake (mula sa Lutong Bahay, na mga 3 taon ko nang di nakakainan).

Halos 10 PM na yata nang bumaba kami at tumabay sa AS steps. Isang oras din ata kaming nagkuwentuhan doon. Mga pagmumuni-muni sa buhay, sa pagsusulat, sa hinaharap namin sa sining, atbp. 'Yung tipong mga usapang nakakakaba pero nakakasabik, nakakadulot ng hiwaga pero nakakapagpaliwanag.

Basta, parang isang mahabang learning experience ang naranasan namin: sinimulan ng conference, pinagpatuloy ng dula, at nagtapos sa kuwentuhan sa AS.

Consensus naming apat (Ynna, Ricci, Debbie, ako): What a day."

Mula sa camera ni Ynna ang mga kuha dito; halos inbalido ang mga kamay ko nito kaya di ko dinala ang DSLR.

Phil. Creative Industries Conference 1 & Jazz Concert




Nob. 27, 2008: 1st day ng Philippine Conference on Global Prospectus for the Arts sa UP Diliman. Ang 'payat' ko pa dito.

Sabi ko sa aking blag dati:

"1,000 pesos dapat ang bayad para sa conference pero nakalibre ako dahil LIRA member. Hindi LIRA ang nag-organisa ng event; naghahanap lang sila ng pang-puno ng mga slots. (Salamat Rhoj!) At dahil si sir Rio Alma ang isa sa mga may pakana ng conference, isa ang LIRA sa mga nilapitan.

Libre rin ang pagkain (sponsored ng UP), kape, concert, at play sa dalawang araw ng conference. May bookfair din (wish ko lang na libre rin ang mga aklat). Sa madaling salita, hindi ako nagsising pumunta kahit tadtad ng band-aid ang mga kamay ko.

Okey naman ang mga speaker; may dalawang porendyer at marami kaming napulot na bagong kaalaman.

Pagkatapos ng unang araw, nagkaroon ng pagtatanghal ang UP Jazz Orchestra. Unang beses kong makaranas ng live jazz performance. Asteeeg. Humingi pa ng ilang encore ang audience hehe."

Ayown. Nasa susunod na album ang Day 2 at ang gala night ng dulang "Atang."

Mula sa camera ni Ynna ang mga kuha dito; halos inbalido ang mga kamay ko nito kaya di ko dinala ang DSLR.

Wednesday, July 1, 2009

Art Weekend: Lit Lecture, LIRA Clinic, Virgin Labfest




Hunyo 26-27, 2009: Whirlwind weekend ng mga art & lit events na kinasangkutan namin ng Dapitdilim & LIRA friends.

Hun. 26, hapon: UP ICW lecture ni sir Joey Baquiran tungkol sa kanyang upcoming book of Filipino essays. Pagkatapos naming makinig ni Debbie, pinuntahan namin si Ynna sa blessing ng UP Carillon Tower & Plaza. Humabol si Jere. Picnic sa may track & field oval (in our barkada-speak, "kung saan tayo umiinom ng shake"). Inabot kami ng gabi sa Peyups.

Hun. 27, umaga-hapon: 2nd workshop ng LIRA Poetry Clinic 2009. Tumulong kami ni Ynna sa pag-critique ng mga tula ng mga Fellow.

Hun. 27, hapon-gabi: nanood kami ng mga dula sa Virgin Labfest sa CCP. Ako, Ynna, Debbie, Jere, Carla, Noel. Starring ang kapatid ni Debbie na si Uleb sa isang dula. Bago pumuntang CCP, tsumibog muna kami sa Mang Jimmy's sa Old Balara. Pagkatapos naman ng play, tsumibog/uminom sa Harbor Square.