
Makikita po sa
"Pitik-Bulag: Letra at Liwanag (A Celebration of Contemporary Filipino Art and Poetry)" ang portrait shots ko sa ilan sa pinakamagagaling na makata at pintor ng Filipinas.
Hindi ako nangarap maging professional photographer.
Bumili lang ako ng DSLR noong 2008 dahil may kaibigang nagbebenta ng
murang second-hand cam at para na rin pang-document ng literary events.
Hanggang ngayon, pakiramdam ko'y bano pa rin ako sa pagpitik ng mga retrato. Kaya noong 'kinomisyon' (walang bayad, serbisyong kaibigan lang) akong kuhanan ang mga poets & painters ng Pitik-Bulag book project ng GSIS at National Artist Virgilio S. Almario (Rio Alma), kinabahan ako.
Sabi ko kay Ynna at sa sarili ko, "Syet, nakakahiya ang mga magiging kuha ko." Eniweis, ayun at halos mabali ang likod ko sa nakakangawit na 'pictorial' sa GSIS Museo ng Sining noong Hulyo. Wala kaming special lighting, props, o anuman. (Kahit nga terminolohiya para sa pictorial ay di ko alam. Writer po ako hehe.)
Naghanap lang kami ni sir Fidel Rillo ng magandang lokasyon, pagkatapos ay tinawag na ang mga artists. Kakaibang karanasan din pala ang magmano ng pictorial -- lalo kapag wala kang alam. Pero nakaraos din.
Ilan sa mga kuha ko. Profiles ito ng mga poets. Hiwalay ang profiles ng painters & editors.
Kaya naman nang nailunsad ang aklat noong Agosto 25 sa GSIS, ang sarap lang ng pakiramdam. Di ako makapaniwalang nasa isang aklat ang mga kuha ko, lalo't di naman ako nangangarap na makilala bilang photographer.
Ngunit mas masaya ako noong araw na iyon para kay Ynna (na ngayon ay lumalagda na bilang "
Mariane A.R.T. Abuan"). Siya kasi ang book coordinator ng Pitik-Bulag, at ilang buwan rin siyang nangarag sa proyekto.
Pangalan ko (sa dulo) at pangalan ni Ynna (3rd from last).Dahil 'serbisyong kaibigan' nga lang ang 'komisyon' sa akin, di ako umasang may makukuhang kahit ano. Pero naawa siguro sa akin si sir Rio (hehehe) kaya binigyan ako ng kaunting honoraria at libreng kopya ng aklat. Sa ngayon, wala pa atang balak ibenta ang libro, pero kung pepresyuhan ito, ang nasagap kong halaga ay Php 10,000. Waw.
Ang listahan ng Pitik-Bulag artists:
Editors: National Artist for Literature Virgilio S. Almario, Marne L. Kilates
Poets: Rebecca AƱonuevo, Roberto AƱonuevo, Teo Antonio, Mesandel Arguelles, Romulo Baquiran Jr., Michael Coroza, Jerry Gracio, Vim Nadera, Fidel Rillo, Edgar Samar
Painters: Leonardo Aguinaldo, Virgillio Aviado, Manuel Baldemor, Elmer Borlongan, Salvador Ching, Charlie Co, Fil Delacruz, Edgar Talusan Fernandez, Jose John Santos III, Steve Santos
16 lang sa kanila ang nakuhanan ko ng retrato. Kasama din ang mga likha ng National Artists for Visual Arts Fernando Amorsolo, Carlos Francisco, Vicente Manansala, Hernando Ocampo, Ang Kiukok, at Jose Joya.
* * *
Eniweis, heto pa ang ilang pics mula sa Pitik-Bulag launch at birthday inuman ni sir Mike Coroza pagkatapos:
Pitik-Bulag editors, poets, painters with GSIS President Winston Garcia.
National Artist Rio Alma, nagbibigay ng panayam kay Henry Omaga-Diaz.
Kami nina Carla at En kasama ang painting ni Fil Delacruz.
The kulot sisters, Ynna & Debbie.