Tuesday, December 29, 2009

Our Literary Apprentice 2009 Book Launch




Dis. 4, 2009: book launch ng Literary Apprentice 2009, kung saan nakapasok kami ni Debbie. Todo-suporta (no choice? hehe) ang mga ka-Dapitdilim at ka-LIRA naming sina Ynna, Jere, at Carla.

Filipino short story ("Tira-tira") ang nakapasok sa 'kin, at ilang English poems naman kay Debbie. Nilathala ang Lit App '09 ng Vibal Foundation at UP Writers Club.

Ginanap ang paglulunsad sa Blacksoup Cafe sa Maginhawa Street, Sikatuna Village. Masarap ang pagkain. Kaso, masyadong maraming tao noong gabing 'yon at hindi rin kami makapagkuwentuhan. Pagkatapos makuha ang compli copies at tsumibog, lumipat na kaming lima sa Tomatokick, along Maginhawa din.

Masaya ang inuman at kuwentuhan. Solb ang tama.

Three days before lang pala, LIRA Fellows Night, kaya may high pa galing dun. Ang Literary Apprentice 2009 ang 2nd publication ko pala for the year, after the CCP ANI (one week earlier).

Our ANI 35 Book Launch at the CCP




Nob. 26, 2009: book launch ng ANI: The Philippine Literary Yearbook (Volume 35: The Pinoy as Asian), kung saan nakapasok ang English essay kong "South of South Korea."

Nilathala ang ANI ng Cultural Center of the Philippines. Ilang ka-LIRA rin ang nakapasok sa tula, kuwento, at sanaysay.

Ginanap ang paglulunsad sa CCP Ramp. Pagkatapos ng isang sulit na buffet at pagkuha ng writer's fee, pumunta kami nina Ynna, Debbie, Jere, at LJ sa kalapit na Harbor Square.

Dahil kakatapos lang namin ni Ynna ng RCW seminar the previous weekend, naging pseudo life-sharing session ang inuman naming lima. Masaya, definitely worthwhile. Halos maghahatinggabi na nang umuwi kami.

Ang CCP ANI ang 1st of 2 publications ko for the year, bago ang Literary Apprentice 2009 (one week later). Ang book launch na 'to pala ang araw ng simula ng aking "hell month" -- work deadlines, org stuff, lit events. Salamat at nakaraos.

Monday, December 28, 2009

LIRA Fellows Night 2009: Bingit Poets




Dis. 1, 2009: unang Fellows' Night ko bilang LIRA President. Nag-enjoy kami sa gabi ng tula at musika na handog ng Batch 2009 ("Bingit") ng LIRA Poetry Clinic.

Bago ang event, dumaan muna ako sa UP Diliman para magpaxerox ng ULIRAT, ang LIRA newsletter. Sabay-sabay na kami nina Ynna at Debbie tumulak patungong Conspiracy sa Visayas Avenue, QC.

Ang Fellows' Night ang nagsilbing graduation ng mga nagsipagdaan sa LIRA Poetry Clinic 2009 at launch ng folio ng Batch Bingit.

Early birds sa audience sina Edgar Samar at Kristian Cordero. Lagpas 7 PM na nagsimula ang programa pagkatapos dumating ng ama ng LIRA, ang National Artist for Literature Virgilio S. Almario (Rio Alma) at iba pang LIRA seniors.

Pagkatapos magtanghal ng mga Fellows, ginawaran ng pagkilala sina Teo Antonio, Marne Kilates, at Fidel Rillo bilang mga haligi ng samahan. Ang tatlo'y walang-sawang gumabay sa dose-dosenang kabataang makata sa 24 taon ng LIRA. (Sayang at di nakapunta sina sir Marne at Fidel.)

Sumunod ang paggawad ng sertipiko sa mga nagsipagtapos na Fellow, ang speech ni sir Rio, Xmas exchange gift, at ang simpleng reunion ng LIRA poets. Walang naihandang espesyal na programa para dito dahil na rin biglang napaaga ang Fellows Night (3rd week of December usually)...at nag-iipon na ng lakas ang mga active members para sa LIRA Silver Jubilee next year.

Abangan ang isang engrandeng 2010 mula sa Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo. Todo 'to, tol.

P.S. May mga pics dito na galing kay Ynna, sa kaibigan ni Carla (Nico Hernandez), at sa video ni Mikael.

Maningning Miclat Poetry Awards & Concert 2009




Set. 24, 2009: "Mabuhay! Banaue at Abelardo with the Mabuhay Singers" concert & awarding ng 2009 Maningning Miclat Trilingual Poetry Competition sa Abelardo Hall, UP Diliman.

Biniyayaan ang LIRA ng mga libreng tiket sa concert; kasapi ng LIRA si Maningning bago ang kanyang pagpanaw noong taong 2000. Maraming, maraming salamat kina sir Mario, ma'am Alma, sa buong Maningning Miclat Art Foundation, at sa mga donors namin, sina Teo Antonio, Joey Baquiran, Wendell Capili, J. Neil Garcia, at Charlson Ong.

Isa sa mga finalist ang ka-LIRA naming si Charles Tuvilla. Ang tinanghal na mga nagwagi ay sina Mikael de Lara Co (English), Chen Liang (Mandarin), at Kristian Cordero (Filipino).

Natuwa pala kami sa konsiyertong handog nina Banaue Miclat at Mabuhay Singers. Rakstars.