Wednesday, October 13, 2010

Extended to Nov.10 -- PREMYONG BULAWAN: Php 50,000 Timpalak sa Tula at Kritisismo

Bilang bahagi ng ika-25 anibersaryo nito, inihahandog ng Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA)—ang nangungunang institusyon ng mga makata sa wikang Filipino na itinatag ng Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan Virgilio S. Almario (Rio Alma)—ang Premyong Bulawan: Timpalak sa Tula at Kritisismo na may gantimpalang salapi mula kay Virgilio S. Almario at nagkakahalaga ng Php50,000.

 

Nahahati ang timpalak sa dalawang kategorya, ang Premyong Bulawan sa Tula at ang Premyong Bulawan sa Kritisismo. Isa lamang lahok sa bawat kategorya ang magwawagi at tatanggap ng Php25,000. Hinahanap ng timpalak ang mga natatanging akdang may kakayahang makapagpabago o magsimula ng bagong landas sa panulaang Filipino, at magdudulot ng bagong pagtanaw sa panitikan ng Filipinas.

 

Matatagpuan ang pormularyo dito: http://liraonline.org/blog/wp-content/uploads/2010/07/premyong-bulawan-pormularyo.doc

 

MGA TUNTUNIN:

 

1. Bukás ang timpalak mula 1 Hulyo 2010 hanggang 10 Nobyembre 2010 sa lahat ng manunulat at makatang Filipino na naninirahan sa Filipinas o sa labas ng bansa.

 

2. May dalawang kategorya ang patimpalak:

 

Premyong Bulawan sa Tula

 

Magpasa ng koleksiyon ng tula na hindi kukulangin sa 25 tula o isang mahabang tula na hindi kukulangin sa 50 pahina na nakasulat sa wikang Filipino. Malaya ang paksa bagaman iminumungkahi ang pagdangal sa kasaysayan at pagsulong ng Filipino.

 

Premyong Bulawan sa Kritisismo

 

Magsumite ng kritisismo o koleksiyon ng mga kritisismo ukol sa panulaan o aklat ng tula sa katutubong wika ng Filipinas na hindi kukulangin sa 50 pahina at hindi lalabis sa 100 pahina (single-spaced) na nakasulat sa wikang Filipino.

 

3. Kailangang orihinal ang lahok at hindi salin mula sa ibang wika. Ang kabuuan ng koleksiyon o lahok ay hindi pa nananalo ng ibang patimpalak at hindi pa nailalathala. (Pansinin: tatanggapin ang koleksiyon kahit ang ilan sa mga akdang kabilang dito ay nagwagi na ng premyo o nalathala na.) 

 

4. Isang (1) lahok lamang sa bawat kategorya ang maaaring ipasa ng isang indibidwal.

 

5. Ang lahok ay walang pagkakakilanlan kahit pangalan. Nakahiwalay ang pangalan, address, at iba pang impormasyong nakasulat sa pormularyong kalakip ng mga tuntuning ito. Kinakailangang nakanotaryo ang nasabing pormularyo.

 

6. Ang lahok ay kailangang isulat sa computer (font size 12, Times New Roman, single-spaced) sa 8 1/2 x 11 na bond paper at may palugit na isang (1) pulgada sa lahat ng gilid.

 

7. Kailangang isilid ang pormularyo, apat (4) na hard copy ng lahok, isang (1) CD na naglalaman ng electronic file, at curriculum vitae/résumé sa isang brown envelope.

 

8. Ipapahayag ang mga finalist—kung mayroon mang mahihirang—sa 1 Disyembre  2010. Gagawaran ng premyo ang mga magwawagi sa Disyembre 2010 sa Culminating Night ng LIRA 25th Anniversary.

 

9. Isa lamang ang hihiranging nagwagi sa bawat kategorya. Premyo sa bawat magwawagi: Php 25,000 at tropeo.

 

10. Ang pasiya ng inampalan ay pangwakas at hindi tatanggap ng paghahabol. Tanging ang isponsor ng timpalak (Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan Virgilio S. Almario) ang makaaalam ng identidad ng mga hurado na siya mismo ang hihirang. Malalaman lamang ng inampalan at isponsor ang identidad ng mga kalahok pagkatapos makapagpasiya ng mga akdang nagwagi. Walang hihiranging nagwagi kung walang mapipiling karapat-dapat na lahok ang inampalan.

 

11. Lahat ng mga nanalong lahok ay mananatiling pag-aari ng mga may-akda nito, ngunit may karapatan ang LIRA sa unang pagpapalimbag ng koleksiyon nang walang tatanggaping royalty ang may-akda.

 

12. Ipadala o personal na isumite ang lahok sa o bago dumating ang 10 Nobyembre 2010. Kung sa koreo ipadadala, kinakailangang may tatak ito sa postal service ng petsang nabanggit.

 

PREMYONG BULAWAN

Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA)

c/o Institute of Creative Writing (ICW), 2/F Bulwagang Rizal

College of Arts and Letters, UP Diliman

Quezon City, Philippines

 

Personal na tatanggapin ang mga lahok hanggang ika-5:00 ng hapon ng 10 Nobyembre 2010 sa pigeonhole ng LIRA sa UP ICW. Hindi tatanggapin ang mga lahok na ipinasa sa pamamagitan ng email.

 

Para sa mga katanungan, maaaring mag-email sa bulawan@liraonline.org.

LIRA & Vibal Foundation Launch 2nd of 4 Poetry Chapbooks

Our official press release. For those interested in getting copies, please read the last paragraph :)

* * * * *


LIRA & Vibal Foundation Launch 2nd of 4 Poetry Chapbooks

The celebrated Filipino poetry group Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA) launched the second of its four poetry chapbooks for 2010 on September 21 at the Conspiracy Garden Café in Quezon City.

Titled “Iláng” and edited by award-winning poet Jerry B. Gracio, the second LIRA chapbook for the year features twenty-five poems from Giancarlo Lauro C. Abrahan V, Mariane A.R.T. Abuan, Mel G. Boquiren, Joselito Delos Reyes, Noel Fortun, Mikael Gallego, Ezzard R. Gilbang, Phillip Kimpo Jr., Erwin C. Lareza, Claire Madarang, Francisco Monteseña, Deborah Rosalind D. Nieto, Renato Santillan, Lee G. Sepe, Rem Tanauan, Michael Jude C. Tumamac, and Enrique Villasis.

The chapbook was published by Vibal Foundation, the socio-cultural development arm of Vibal Publishing House, Inc., and Aklat LIRA, the publishing imprint of one of the country’s major literary organizations.

The poetry chapbook series is one of the projects for LIRA’s year-long 25th anniversary celebrations. The first chapbook, titled “Lámang” was edited by Edgar Calabia Samar, while the next two chapbooks, edited by Enrico C. Torralba and Ronaldo Carcamo, respectively, will be launched in the next two months.

The four chapbooks serve as appetizers for the launch of a new book featuring the works of LIRA poets, especially those by its new generation, to be launched in December and also published by Vibal Foundation. The anthology is edited by the founder of LIRA, National Artist for Literature Virgilio S. Almario (a.k.a. Rio Alma). Assisting him are Rebecca T. Añonuevo, Roberto T. Añonuevo, Romulo Baquiran Jr., Michael M. Coroza, and Victor Emmanuel Carmelo D. Nadera Jr.

The chapbook launch coincided with the opening of the “Salit Sining: Wordsmiths Turned Visual Artists II” exhibit, featuring the works of eight LIRA poets. The first and second chapbooks were also launched as e-books by Vibal Foundation’s digital publishing imprint, Vee Press, at the 31st Manila International Book Fair along with over a hundred new e-book titles.

Copies of the second chapbook, “Iláng,” are available for free to public libraries and educational institutions while supplies last. Interested parties may make arrangements for pick-up by emailing the LIRA Chapbook Coordinators at folios@liraonline.org.

Monday, October 11, 2010

LIRA Poetry Clinic 2010: June-August




June-August 2010: Workshops and lectures that followed the opening day of our LIRA Poetry Clinic 2010.

Hindi ako nakapagbantay sa Klinika nang tatlong linggo because of very important family matters, kaya may mga kulang na weekend dito. (Sorry, bad President!)

Halo-halo na dito ang ilang panayam, palihan, at inuman. Trivia: the 2010 Clinic boasted the most number of active Fellows in LIRA history. The very first pic is enough evidence.