Tuesday, December 29, 2009

Our Literary Apprentice 2009 Book Launch




Dis. 4, 2009: book launch ng Literary Apprentice 2009, kung saan nakapasok kami ni Debbie. Todo-suporta (no choice? hehe) ang mga ka-Dapitdilim at ka-LIRA naming sina Ynna, Jere, at Carla.

Filipino short story ("Tira-tira") ang nakapasok sa 'kin, at ilang English poems naman kay Debbie. Nilathala ang Lit App '09 ng Vibal Foundation at UP Writers Club.

Ginanap ang paglulunsad sa Blacksoup Cafe sa Maginhawa Street, Sikatuna Village. Masarap ang pagkain. Kaso, masyadong maraming tao noong gabing 'yon at hindi rin kami makapagkuwentuhan. Pagkatapos makuha ang compli copies at tsumibog, lumipat na kaming lima sa Tomatokick, along Maginhawa din.

Masaya ang inuman at kuwentuhan. Solb ang tama.

Three days before lang pala, LIRA Fellows Night, kaya may high pa galing dun. Ang Literary Apprentice 2009 ang 2nd publication ko pala for the year, after the CCP ANI (one week earlier).

Our ANI 35 Book Launch at the CCP




Nob. 26, 2009: book launch ng ANI: The Philippine Literary Yearbook (Volume 35: The Pinoy as Asian), kung saan nakapasok ang English essay kong "South of South Korea."

Nilathala ang ANI ng Cultural Center of the Philippines. Ilang ka-LIRA rin ang nakapasok sa tula, kuwento, at sanaysay.

Ginanap ang paglulunsad sa CCP Ramp. Pagkatapos ng isang sulit na buffet at pagkuha ng writer's fee, pumunta kami nina Ynna, Debbie, Jere, at LJ sa kalapit na Harbor Square.

Dahil kakatapos lang namin ni Ynna ng RCW seminar the previous weekend, naging pseudo life-sharing session ang inuman naming lima. Masaya, definitely worthwhile. Halos maghahatinggabi na nang umuwi kami.

Ang CCP ANI ang 1st of 2 publications ko for the year, bago ang Literary Apprentice 2009 (one week later). Ang book launch na 'to pala ang araw ng simula ng aking "hell month" -- work deadlines, org stuff, lit events. Salamat at nakaraos.

Monday, December 28, 2009

LIRA Fellows Night 2009: Bingit Poets




Dis. 1, 2009: unang Fellows' Night ko bilang LIRA President. Nag-enjoy kami sa gabi ng tula at musika na handog ng Batch 2009 ("Bingit") ng LIRA Poetry Clinic.

Bago ang event, dumaan muna ako sa UP Diliman para magpaxerox ng ULIRAT, ang LIRA newsletter. Sabay-sabay na kami nina Ynna at Debbie tumulak patungong Conspiracy sa Visayas Avenue, QC.

Ang Fellows' Night ang nagsilbing graduation ng mga nagsipagdaan sa LIRA Poetry Clinic 2009 at launch ng folio ng Batch Bingit.

Early birds sa audience sina Edgar Samar at Kristian Cordero. Lagpas 7 PM na nagsimula ang programa pagkatapos dumating ng ama ng LIRA, ang National Artist for Literature Virgilio S. Almario (Rio Alma) at iba pang LIRA seniors.

Pagkatapos magtanghal ng mga Fellows, ginawaran ng pagkilala sina Teo Antonio, Marne Kilates, at Fidel Rillo bilang mga haligi ng samahan. Ang tatlo'y walang-sawang gumabay sa dose-dosenang kabataang makata sa 24 taon ng LIRA. (Sayang at di nakapunta sina sir Marne at Fidel.)

Sumunod ang paggawad ng sertipiko sa mga nagsipagtapos na Fellow, ang speech ni sir Rio, Xmas exchange gift, at ang simpleng reunion ng LIRA poets. Walang naihandang espesyal na programa para dito dahil na rin biglang napaaga ang Fellows Night (3rd week of December usually)...at nag-iipon na ng lakas ang mga active members para sa LIRA Silver Jubilee next year.

Abangan ang isang engrandeng 2010 mula sa Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo. Todo 'to, tol.

P.S. May mga pics dito na galing kay Ynna, sa kaibigan ni Carla (Nico Hernandez), at sa video ni Mikael.

Maningning Miclat Poetry Awards & Concert 2009




Set. 24, 2009: "Mabuhay! Banaue at Abelardo with the Mabuhay Singers" concert & awarding ng 2009 Maningning Miclat Trilingual Poetry Competition sa Abelardo Hall, UP Diliman.

Biniyayaan ang LIRA ng mga libreng tiket sa concert; kasapi ng LIRA si Maningning bago ang kanyang pagpanaw noong taong 2000. Maraming, maraming salamat kina sir Mario, ma'am Alma, sa buong Maningning Miclat Art Foundation, at sa mga donors namin, sina Teo Antonio, Joey Baquiran, Wendell Capili, J. Neil Garcia, at Charlson Ong.

Isa sa mga finalist ang ka-LIRA naming si Charles Tuvilla. Ang tinanghal na mga nagwagi ay sina Mikael de Lara Co (English), Chen Liang (Mandarin), at Kristian Cordero (Filipino).

Natuwa pala kami sa konsiyertong handog nina Banaue Miclat at Mabuhay Singers. Rakstars.

Wednesday, November 25, 2009

Our Askal & Half-Dalmatian Dogs Take a Bath




Nob. 3, 2009: Pinaliguan ang tatlo naming aso -- sina Topaz, Gina, at Janggeum -- ang mga natitirang matibay sa Dog-Zoo ng Cordillera Street. (Namatay si Jackie noong 2008, si Fischer noong 2007, at si Elvis noong 2005.)

Si Yaya (Nang Nining) ang masipag na nagshampoo at nagbanlaw sa mga aso naming takot sa tubig. Di kasi sila nasanay noong bata pa lang sila.

Si Topaz ang nanay ni Gina, na siya namang nanay ni Janggeum. Bale mag-lola ang drama.

Kumuha ako ng mga retrato dahil wala pang bathtime pics ang mga alaga namin.

Btw, may Facebook account pala si Janggeum. Add niyo siya hehe.

Tuesday, November 24, 2009

Pasok sa ANI Literary Yearbook ng Cultural Center of the Philippines

Nakapasok ang English essay kong "South of South Korea" sa ANI 35: The Pinoy as Asian ng CCP. Sa Huwebes, Nobyembre 26, 5:30 PM sa CCP Ramp ang launch.

Tamang-tama at kelangan ko ng pera hehe. Pinalad din akong makapasok sa 3 upcoming publications: English essay sa isang coffeetable book (nabigay na ang talent fee at in-press na), English flash fic sa isang anthology (2011 daw ang release), at Filipino flash fic sa isang journal (di ko alam kung kelan ang launch).

Sana'y makapunta kayo sa paglulunsad. Sa gabing 'yun, mabibili ang aklat sa halagang Php 403 (discounted from Php 504).

The CCP press release:
CCP launches 35th issue of Ani publication

11 November 2009, Pasay City – The Cultural Center of the Philippines (CCP) Literary Arts Division will launch Ani 35, The Pinoy as Asian issue, on November 26, 2009, 5:30 p.m., at the CCP Ramp with some of the featured authors reading from their works.

“Ani 35 is devoted to writings by Filipinos on their interaction with other Asian peoples and cultures. This may be interpreted as a response to the call of Dr. Bienvenido Lumbera, National Artist, on the need to reconnect with Southeast Asian literary tradition if we are to survive in this age of globalization,” Herminio S. Beltran, Jr., Literary Arts Division chief and editor of the publication, wrote in the Introduction. “We hope this will inspire the birthing of mechanisms and eventually practices in the Philippine literary/publishing world that will start off a more dynamic interaction among Filipino writers and their counterparts in the Asian continent,” Beltran continued.

Ani 35 features 54 authors who contributed for three sections: poetry; prose (essay and fiction) based on the The Pinoy as Asian theme and; Malayang Haraya for poetry and prose contributions outside the theme.

The 54 authors included in Ani 35 are Mark Angeles, Lilia F. Antonio, G. Mae Aquino, Genevieve L. Asenjo, Abdon M. Balde, Jr., Janet Tauro Batuigas, Gil Beltran, Herminio S. Beltran, Jr., Kristoffer Berse, Jaime Jesus Borlagdan, Raymond Calbay, Catherine Candano, Nonon V. Carandang, Christoffer Mitch Cerda, Joey Stephanie Chua, Kristian S. Cordero, Genaro R. Gojo Cruz, Carlomar Arcangel Daoana, Arvin Tiong Ello, Dennis Espada, Rogerick Fontanilla Fernandez, Reparado Galos III, Dr. Luis Gatmaitan, Joscephine Gomez, Malou Jacob, Ferdinand Pisigan Jarin, Karla Javier, Phillip Kimpo, Jr., Ed Nelson R. Labao, Gexter Ocampo Lacambra, Erwin C. Lareza, Jeffrey A. Lubang, Glenn Sevilla Mas, Perry C. Mangilaya, Noahlyn Maranan, Francisco Arias Monteseña, Ruth V. Mostrales, Victor Emmanuel Nadera, Jose Velando Ogatis-I, Wilhelmina S. Orozco, H. Francisco V. Peñones, Jr., Scott Magkachi Sabóy, Judith Balares Salamat, Edgar Calabia Samar, Louie Jon A. Sanchez, Soliman Agulto Santos, Dinah Roma-Sianturi, Rakki E. Sison-Buban, Jason Tabinas, Vincent Lester G. Tan, Dolores R. Taylan, Rosario Torres-Yu, Betty Uy-Regala, and Camilo M. Villanueva, Jr.

For issues of Ani, please contact the CCP Marketing Department at 551-7930 or 832-11-25 locals 1800 to 1808. For authors who want to contribute for the next issue of Ani, please contact the CCP Literary Arts Division at 832-11-25 locals 1706 and 1707, or email aniyearbook@yahoo.com.
Congrats sa mga kaibigan kong manunulat na napabilang sa ANI, lalo sa mga kasama ko sa LIRA. Takits.

Monday, November 9, 2009

San Miguel Fetes National Artist Rio Alma (PM)




Part 2 ng field trip sa bayan ng San Miguel sa dulo ng Bulacan para sa "Pagpupugay sa mga Pambansang Alagad ng Sining," the Virgilio S. Almario leg noong Oktubre 30, 2009.

Pagkatapos ng "Kumperensiyang Rio Alma" sa umaga, ginanap ang mismong pagpupugay kay sir Rio ng kanyang bayang tinubuan.

Naging mahaba ang programa na winakasan ng isang pagtatanghal ng dula tungkol sa buhay ni Rio Alma ng Barasoain Kalinangan Foundation (truncated version ng itinanghal nila sa parangal sa Malolos noong 2008).

Kinagabihan, inanyayahan ni sir Rio ang kanyang mga bisita sa isang salusalo sa kanyang tahanan sa Camias, San Miguel, malapit na sa Nueva Ecija. Masarap ang pagkain. Siyempre, di nawala ang toma.

Napawi ang pagod ng mga makatang LIRA nang masilayan ang--at makapasok sa--retirement home ni sir Rio, ang kanyang "Bahay Bulawan"...lalo pa nang gumala kami sa loob ng library ng National Artist. Nagbibiruan na kami noon kung ano-anong libro ang pwedeng isilid sa bag nang naabutan kami ni ser. Bakas na bakas lang ang kaba sa kanyang mukha nang masaksihan ang aming panghihimasok, hehehe.

Bago pumatak ang 9 PM, tumulak na kami pabalik ng Maynila. Nagsimula nang humataw ang bagyong Santi sa daan. Tulad ng morning trip, inabutan kami ng saksakan ng trapik sa Balintawak.

1 AM na kami nakarating sa Philcoa kung saan naghiwa-hiwalay ang mga makata. Napagtanto naming halos 24 oras na pala kaming magkakasama. Ang saya lang.

Background sa event: ang "Pagpupugay" ay proyekto ng National Commission for Culture and the Arts at UP Institute of Creative Writing. Kinomisyon ako bilang photographer ng event, pero pipitik pa rin ako ng retrato kahit nagkataong walang bayad bilang pangulo ng LIRA at tagahanga ni sir Rio.

(Ang ilang kuha rito ay galing sa camera ni Ynna.)