O sa Ingles:Paanyaya Para sa Taunang Palihan ng LIRAPormal na nanumpa noong ika-siyam ng Pebrero, 2008 sila Rhodge Fernandez at Phillip Kimpo Jr bilang mga bagong kasapi ng Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA). Naging bahagi sila ng taunang palihan na isinagawa ng LIRA na naglalayong isulong at paunlarin ang panulaang Filipino.Bukas na pong muli ang LIRA sa mga nais magpatalâ upang lumahok sa taunang klinikang pampanulaan. Ang klinika po ay gaganapin mula 9:00 n.u hanggang 5:00 n.h. tuwing Sabado at Linggo, at magtatagal nang tatlong buwan, mula Hunyo hanggang Agosto.
Tulad po ng mga nakaraang taon, magpadala po ng isang pahinang bio-data na may 1x1 ID picture, kasama ang limang tula sa Filipino, sa liraworkshop@gmail.com, o ilagay ito sa pigeon hole ni Prof. Vim Nadera sa UP Institute of Creative Writing, 2/F Faculty Center, College of Arts and Letters, UP Diliman. Ang huling araw po ng pagpapatalâ ay ang ika-30 ng Abril, 2008.
Ngayong 2008 ay 23 taong gulang na ang LIRA, isang samahan ng mga makatang nagsusulat sa wikang Filipino. Ang LIRA ay itinatag ni Virgilio S. Almario, Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan, noong 1985, at kinabibilangan ng mga premyadong makata tulad nina Edgar Samar, Jerry Gracio, Michael Coroza, Vim Nadera, Roberto at Rebecca Añonuevo, at Romulo Baquiran Jr.
LIRA is now accepting sign-ups for its next poetry clinic. All those who are interested must submit five (5) poems in Filipino along with a short bio-data and one 1x1 ID picture, sent to liraworkshop@ gmail.com or dropped off c/o Prof. Vim Nadera at the UP Institute of Creative Writing, 2/F Faculty Center, UP Diliman, 1101 Quezon City. All submissions should be in on or before April 30, 2008.The regular clinic period is from June to August and will be held every Saturday and Sunday from 9: 00 AM until 5:00 PM.
Oo. Kasapi na ako ng LIRA. (Ang mga retrato ng oath-taking ay isusunod ko na lang.) Noong simula ng workshop, hindi ko inisip na tatagal ako. Kaunti lang ang nakakaalam nito: Hunyo pa lang ay magququit na dapat ako.
Buti na lang...!
* * *
Ayos lang kahit sa Ingles mo nakasanayang tumula at sumulat. Sa Ingles din ako unang sumulat. Ganito na lang: kung ang mga panaginip mo ay gumagamit ng wikang Filipino, ibig sabihin ay yakang-yaka mo sumulat dito. (E basta, 'yun ang paniwala ko.) At wag matakot kung hindi mo kabisado ang grammar, vocab, etc. sa Filipino. Matututuhan mo ang mga 'yon sa LIRA Workshop.
Basta nasa dugo mo ang paglikha ng mga tula, 'yun na 'yun. Basta gusto mo pang gumaling sa pagtutula, 'yun na 'yun.
Makakatanggap ka siyempre ng mga kritisismo sa 'yong mga likha, pero ayos lang 'yon. Ke tanggapin mo o hindi mo tanggapin ang mga puna sa mga tula mo, at the very least, malakas na ang pundasyon (basics, etc.) ng pagtutula mo.
At siyempre National Artist at mga premyadong makata ang magtuturo sa 'yo ;)
Wala pong edad na pinipili. High school, college, yuppie, barangay captain -- lahat ay puwedeng sumali.
Ako na mismo ang magsasabi: bihira ang ganitong pagkakataon. (Shet, parang nagbebenta ako sa Home TV Shopping ah!)
At isa pang siyempre...kung sasali ka sa Palihan pagkatapos mong mabasa ang blag post na 'to, suportahan ta ka sa workshop. Pramis 'yan. Hehe.