Sobra-sobra ang dami ng:Sa item #1, gusto ko sanang salihan lahat at magpasa sa lahat. Mahina pa naman ang aking batting rate sa pagka-publish (uh, halos bokya?) at pagkapanalo (uh, mas halos bokya?), kaya mainam nang makarami.
- Mga lit contest/workshop/anthology sa susunod na tatlong buwan, kabilang ang Pebrero;
- Mga kailangang isulat — tula sa LIRA at erotika sa isang buk prajek;
Lit contest: 3. Writing workshops: 2 out of 4 (DQ'd ata ako sa Iyas, at hindi ako mangangarap sa UP National Writers' Workshop). Anthology/call for submissions: 3.
Mabuti sana kung sa Tagalog lang ako magpapasa. Ang kaso, susubukan kong bumalik sa pagiging bilingual writer.
Sa item #2 naman...sa mga kasama kong manunulat sa isang natatanging buk prajek, sori at hindi ko pa maedit-edit ng matino ang kuwentong erotika ko. Hehe. At kailangan ko bang gumawa pa ng pangalawang kuwento para pandagdag sa word count? Lagot!
Gud lak sa atin. At sa akin.
pagpalain ka ng kalawakan sir!
ReplyDeletekeep on writing phil!!!
ReplyDeleteser, ikaw rin hehe. maraming salamat!
ReplyDelete(sings: "Sugod, mga kapatid!" ng Sandwich)
ReplyDeletesalamat tita! pag may napanalunan, blowout niyo ako ni tito ha ;)