Kakagaling ko lang sa solo exhibit ni Caloy Gernale (kasintahan ni Kel Juan); kasama kong pumunta sina Pau Hernando at Karla Cachola. Ang pamagat ng eksibit: Personalize It. Ang pinagdausan: Art Informal sa Greenhills. Unang beses kong makapunta sa galeriyang iyon.
Masaya ang naging kuwentuhan at picture-taking, hehe. Maghahatinggabi na yata noong umuwi kami. Dumaan pa kami ni Pau at Karla sa McDo at Krispy Kreme sa Greenhills Shopping Centre para tsumibog.
Ang pinakamasaya para sa akin: nagkita-kita ulit ang mga kasapi ng Lipunan* (JC sayang hindi ka nakapag-leave!)…at nadagdagan pa ang bilang namin.
Para sa sining, para sa lipunan!
*Excited para sa hinaharap…*
*…kahit nilalabanan ang depresyon.*
* * *
Congrats Caloy! Hanggang sa susunod na exhibit!
Mga karagdagang tala:
- 'Yung paborito kong likha doon sa exhibit (pinamagatang Sagupa) ay nagkataon palang paborito rin daw ni Caloy (ayon kay Kel).
- Muntik pa kaming masarhan ng MRT papunta pa lang sa gallery. Grrrr, Pau, grrrr! :P
- Moi, malugod na pagbati mula sa iyong mga kalipunan!
- "Virgin pa ang mga paa mo," ayon kay Karla. Quotable quote of the day.
- Pinatayan kami ng ilaw ng McDo sa Greenhills. Kami rin ang huling umalis sa Krispy Kreme.
- Ka Ma? Ka Pau? Ka Kimpoy?
- Noon ko lang nakita si Pau na sobrang bagabag ang isipan!
- Sabi ng taxi driver pauwi: "Spratlys ibinigay na nila sa Intsik. Pati Palawan. Pati nga Mindanao e, oo, Mindanao!"
- Mamang driver, pagkatapos maihatid sina Karla (sa Cubao) at Pau (sa UP campus): "O talo pala kayong dalawa nung isa niyong kasama, Fine Arts! Maraming pera do'n di ba?"
*Kalipunan ng mga Taga-Sining para sa Lipunan :D Isang munting samahan na nagsimula sa apat.
kumusta ang exhibit ni kaloy? wow! asteg! asteg! sayang d ako nakapunta
ReplyDeletemaganda ang mga gawa tol, at nakadagdag pa na may malakas na hatak mula sa lipunan. pero siyempre biased ako para sa mga likhang may social relevance hehe
ReplyDeletegusto ko rin sanang tumikim ng krispy kreme doughnut, pero tinatawag na ako ng aming bahay. heheh. galing talaga ni caloy. jackpot! :)
ReplyDeleteteka dun ka sa san juan nakatira pero sa elbi ka nag-aaral? anlayo ah hehe!
ReplyDelete