
Abril 10, 2008: Despedida ni Manang Klaudz sa Brookside, Cainta. Munting salu-salo at inuman. Noong sumunod na araw kasi ay lumipad na ang nakatatanda kong pinsan patungo ng Amerika. (Dual citizen ba naman! Hehe.)
Ang mga pamilya ng tatlong kapatid ni Dad ay nakatira sa US, kaya naman paunti-unti nang nababawasan ang mga mag-fi-first-cousins na naririto sa Pinas. (~30 kami lahat...yata.) Nitong nakaraang taon ay umalis si Cheryl, ang pinsang sumunod sa akin sa edad, at ngayon naman ay umalis na rin ang pinsang sinundan ko sa edad. Ganito palang kaaga ay namimiss ko na itong dalawang 'to, hehe.
(Susunod kaya ako doon? Sa ngayong panahon na may maayos akong trabaho at nakaambang 'literary career' [pagbigyan ang nangangarap] at wala pa akong pamilyang kailangang buhayin, simple lang ang sagot. Pero sa hinaharap, hindi natin masasabi. Abangan!)
O siya, tama na ang drama. Enjoy da piks. Galing ang mga ito kay Manong RJ -- salamat Manong!
P.S. Kung may nawiwirdohan sa "Manang" at "Manong", ganoon ang tawagan naming mga Aklanon ;)
aawww.. MISS U TOO... hehehe.. kahit ganu kaLayo.. bLood is stiLL thicker than water.. nyahaha.. *hugz* ;)
ReplyDeleteuy, san ka nakabili ng ganyang damit?
ReplyDeletepinoy to the core.. nice.. astig.. bibigyan mo ako??? as a gift?? nyahaha.. ;)
ReplyDeletethank u for coming and for posting this one couz..misu already :(
ReplyDeleteyep, tama ka dyan insan! *mwahugz* :P
ReplyDeletepeps, nabili ko 'to sa Team Manila outlet sa Crossings department store, ground floor ng TriNoMa. pero marami pa silang ibang dealers, check mo yung site nila :)
ReplyDeletehmmmmm.......malapit na nga pala ang bertdey mo......anong size ng baby tee? ;)
ReplyDeleteno prob manang klaudz. ingat ka dyan ha :D paki-kamusta ako sa ating mga pinsan, tito, tita, at pamangkin dyan. mwah!
ReplyDeletemeron pa kayang ganyan na damit.. ??
ReplyDeletewahahah.. hmmm how manly! =P
ReplyDeletegrrrrrrrrrrrrrr
ReplyDelete=))
ReplyDelete