Sunday, April 27, 2008

UST National Writers' Workshop: Tapos Na

Subtitled: Ang Linggong Nakapagpabago ng Buhay Ko.


Ma-drama? Siyempre. Ma-drama ako e, hindi lang siguro halata sa personal.

Pero grabe talaga 'yung Uste workshop. Hindi ko inisip na magiging ganoon kaganda ang karanasan. Maganda na kung maganda ang critiques at natanggap na comments at kung ano pang mga tunay na sadya ng isang taong nagpapa-lit workshop, pero kapag tinanggal mo lahat 'yon, ang pinaka-astig -- at bittersweet -- sa Uste workshop ay ang naganap na pagkakaibigan.

Pagkakaibigan. At akala ko pa naman ay masyado nang puno ng katarantaduhan ang mundong ito.

Kaya pala ng isang linggo na ipadama sa 'yo ang buong spectrum ng mga emosyon. Kaya pala. Akala ko jaded na ako. Pero kaya pala.

Ansarap ng pakiramdam na napapatunayang mali ka sa mga pananaw mo sa mundong 'to.

***

Kina Ynna, Jack, Deb, Micah, Christine, Issa, Edel, Ge, Anna, Romeo, Rene, Melvs, Chinee, Joderic -- maraming salamat sa makabuluhan at maikli (ngunit ating pahabain pa) na pagsasama. Kina Ma'am Ophie, Sir Al, Sir Eros, Sir Cirilo, Sir Mano, Sir Carlomar, Sir Jerry, Sir Jason, Sir Ramil, Sir Sonny -- maraming salamat sa makabuluhan at mahahaba (ngunit siksik sa laman) na pagpuna sa aming mga likha. Sa Uste, syete di ko akalain na mapapalaki mo pa ang mundo ng isang wirdong galing sa sentro ng kabangagan na tinatawag na Republika ng Diliman.

Sa lahat ng nasa itaas, mahal ko kayong lahat.

At para hindi masyadong ma-drama ang kakasulat ko lang: Bow.

***

Mahal ko nga kayo pero gustong magalit sa inyo.

Pa'no ba naman kasi, di ko sukat akalain na kaya niyo akong mapaiyak! Hahaha.

Tatlong beses akong muntik magpaka-emo nitong nakaraang linggo. Ang una, pagkatapos marinig ang mala-dyakpat-sa-lotto na kumento ng mga panelist sa aking mga gawa. Hindi ko talaga inasahan. Pangalawa, noong kakatanggap ko lang ng sertipiko ng pagtatapos at may sinabi sa akin si Ma'am Ophie. Lalo pa akong na-touch noong niyakap ako ni Ynna. Pangatlo, noong tumambad sa windshield ng aming van (na sinakyan mula Nagcarlan) ang gate ng Uste sa Dapitan, gate na nagsabing "Tapos na, tapos na."

***

Salamat kay Tadhana. Pero, sori ka na lang, Tadhana, hindi ako makapapayag sa "Tapos na, tapos na" mo e.

Marami pang venue para sa pagkikita ng mga Uste Fellows. Isa na do'n ang nalalapit na LIRA poetry workshop. Fellow man o sit-in, sa LIRA tayo magkikita.

At sagot ko ang barbeque at isaw sa Sarah's.

Pero hindi ang beer.

***

Putsa, isang linggo lang 'yon?

***

Sa mga kaibigan kong naghahanap ng pics naming mga Fellows, mag-antay lang kayo. Wala akong dalang camera noon e. Inaantay ko lang na mas marami pa ang mag-upload, tapos hihiram na lang ako ng onti at ililink 'yung mga orihinal na albums nila.

***

Sa nakaraang linggo, puro 3, 4 ,5 oras lang ang naging tulog ko. Bawat gabi kasi ay inuman (Tapsi, Dapitan Square), at bawat umaga ay maaga ang gising. 'Yung huli pang gabi namin sa Casa de Tobias sa Nagcarlan ay lambanugan na walang tulugan.

Kaya parang isang buong-buo na anim na araw ang nangyari. Walang "Abangan bukas", kundi "15 minute break".

Ang nakakatawa at nakakatuwa:

Miyerkules ng umaga: sabay kaming nagising ni Ynna ng 3 AM. Sa mga malisyoso diyan, magkahiwalay po kami ng tinitirhan. Hahahaha.

Huwebes ng umaga: sabay kaming nagising ni Ynna ng 5 AM.

Biyernes ng umaga: sabay kaming nagising ni Ynna ng 4 AM.

Ynna, tama ba? Baka nagkarambol-rambol na ang mga oras sa utak ko.

But you get the drift. Kakaiba talaga lumikha ng "artistic moments" ang mundong ito.

***

Putsa, ano ulit, isang linggo lang 'yon?

***

'Yung umaga ng araw kung kelan naka-iskedyul akong isabak sa critique, ang gumising sa aking panaginip (bangungot?) ay:

"Ikaw na! Ikaw na!"

Walang biro.

***

Inaamin ko na bago ako makapasok ng Uste workshop, may mga preconceptions akong dinala. Marami rin kasi akong narinig, na komo conservative daw ang unibersidad, etsetera etsetera.

Natibag lahat ng mga preconceptions at misconceptions na 'yon. As in. Pakiramdam ko na nga ngayon ay adopted akong anak ng Uste.

Sobrang salamat talaga, UST-CCWS.

***

Lubha akong naaliw at natuwa sa mag-inang Ophelia at Al Dimalanta. Naisip ko tuloy kung meron lang din akong nanay, hehe :P

***

Noong nakaraang taon, unang beses kong bumisita sa UST-CCWS (para sa isang LIRA lecture). Unang beses ko ring nakita si Ma'am Ophie. Naalala ko pa 'yung tanong ni Ma'am kay Miss Bebang (LIRA president):

"May bilingual ba sa kanila?" (O basta, parang ganoon.)

Bebang: "Ah..." (looks around) "Si Phillip po." (O basta, parang ganoon din.)

Pero hanggang ganoon lang ang naging usapan. Noong araw na 'yon, naisip ko na astig makabalik sa UST-CCWS "sometime in the future" at bumalik naman bilang isang manunulat sa Ingles at hindi makata sa Filipino.

Kaya noong araw na na-critique ang aking mga gawa nina Ma'am Ophie, Sir Al, at Sir Eros, ang pakiramdam ko ay nakaikot na ang daigdig. At ang mga salitang umiikot naman sa utak ko:

Narito na ako. I am here. Narito na ako. I am here.

(Ispokening in tru baylingguwal fasyon!)

***

O siya, 'yan na muna sa ngayon. Babawi pa ako ng tulog at trabaho e.

Tapos na ang UST National Writers' Workshop.

At marami pang mga bagay ang napipintong magsimula.



(Sinong nagsabing ma-drama ako?)

20 comments:

  1. go bro, at least u had a wonderful week .. my week, was just lame and boring hehe.. isang linggo puno ng kape ng figaro at libro ni kaplan, at manggamot pa minsan .. hay subukan ko din kaya magsulat? haha.. go 4 gold dear cousin.. life is to short to waste !!! we have to leave are mark!!! yahooo!!!

    ReplyDelete
  2. ahahah oo nga sinong nagsabing madrama ka sasapakin ko! natawa naman ako na naisama pa talaga ang kaweirdohang nangyari sa paggising natin ng sabay! shet phillip tapos na... pero pahahabain pa natin... diba? miss kita! miss ko kayong lahat! buti naman at magkikita kita na tayo ng thursday! para di ko kayo namimiss lagi. :) at oo phillip MAGALING KANG BILINGUAL WRITER own it! *yakap* kaw nga daw ang susunod na CIRILO BAUTISTA diba? =)

    ReplyDelete
  3. oo nga bakit hindi mo subukang magsulat? palabasa ka naman e hehe.

    thanks for the encouragement, manong rj!!!

    ReplyDelete
  4. (hay. sa mga taong nagtataka kung ano ba 'tong pinasok namin at puro kami "miss kita" etsetera, hindi rin namin alam. basta nangyari e.)

    (back to regular programming...)

    gaya ng sabi ko sayo ynna, wag kang malungkot para sa hinaharap hehe. talagang magagawan natin ng paraan na magkita-kita ulit ang mga Fellows.

    pero bakit mo naman kelangan banggitin ang pangalan ni Ser dito? presyur, presyur, presyur!!! hahahaha. baka maging poster boy ako ng "Promising Writers, Broken".

    maraming salamat ynna! para sa encouragement, compliment, acknowledgement, at lahat na ng magandang -ment. Kaya nga tayo ay nagco-complement. (Ayan naging corny na.) *yakap*

    ReplyDelete
  5. tulad ninyo din pala kami phillip, isang linggong wasakan ng atay sa bacolod. may co-fellow kami na supposed kasama ninyo, si jeff yap.

    sayang, dapat nasa amin si cirillo. :D

    uy kelan yung cluster meeting ng magpainom ka.

    en
    http://santongbusabos.blogdrive.com

    ReplyDelete
  6. taena panalo lambanugan na walang tulugan!

    yun lamang. pasenysa na at wala akong matinong komento. hahaha! :D

    ReplyDelete
  7. pero bakit mo naman kelangan banggitin ang pangalan ni Ser dito? presyur, presyur, presyur!!! hahahaha. baka maging poster boy ako ng "Promising Writers, Broken".

    hahahah wag kang matakot i'm sure hindi ka kasama sa Promising Writers, Broken hahaha natawa naman ako dito!

    corny nga yung last line.. haha pero cge na nga pwede na sweet naman e. hay ano nga ba talaga itong pinasok natin!

    ReplyDelete
  8. at ako man din na iyakin sa grupo...sino nagsabing ma-drama ako??? kukutusan ko!!! mahal ko ang mga fellows ko...sobra...ang mga experiences ko tulad ni philip,et al, sa pagkakaibigan di matutumbasan...sa loob ng room 101, tila nasa big brother haus kami nakiramdaman, pagkatapos labas ng uste, parada tungo sa toma-han at kuwentuhan na ayaw na naming matapos. doon ko naramdaman na ako ay napabilang sa kanila, napabilang hindi lang sa mga gusto, talento at kakayahan, o sa san mig light, marlboro, coke, crakers, pulutan kundi mas naramdaman kong napabilang ako sa puso nila...huhuhuhuhuhuh...(iyak na yan ha)

    ReplyDelete
  9. Wala ako masabi sa sa mga fellows ko. Ambabait nila Hindi pala kasi iyong mabait malawak ang kahulugan. Hindi masukat. Paano ba? Basta napakasaya niyong kasama. Lalo na't taga Pangasinan ako. Hay. Kailan kaya mauulit ang ganoong kasaya.

    ReplyDelete
  10. sarap ng wasakan ng atay no? hehehe. congrats en sa inyong workshop!

    teka lang, parang hindi ka rin magpapainom ah. :))

    ReplyDelete
  11. sige, mula ngayon e ikalat na natin ang term na "lambanugan na walang tulugan" :P

    ngayon ang tanong e, kelan mauulit? hehe!

    ReplyDelete
  12. oo nga no, parang nasa bahay tayo ni kuya! kuya cirilo? hehe.

    maraming salamat sa lahat, jack!!

    ReplyDelete
  13. rene, kumuha ka na ng apartment dito para mapatambay ka lagi sa maynila. o kaya naman ay aregluhin mo ang board and lodging namin dyan senyo, kami ang dadayo!

    ReplyDelete
  14. hehhehe oo nga renato... kami dadayo.... hehehehhe

    ReplyDelete
  15. philip jackpot talaga sa papuri. NAKAKAGALIT! HAHAHA.

    =)

    KITA-KITA...SOON!

    ReplyDelete
  16. hahaha. ayoko nang magpahumble baka masapak mo pa ako sa susunod na pagkikita. pero MARAMING SALAMAT, MICAH!

    (gumanti lang ng sigaw :P)

    gud lak sa...summer classes diba? try mo makapunta sa despedida ni jack + graduation celebration next week!

    ReplyDelete
  17. naks naman da next cirilo bautista!! congrats sa inyong matagumpay na workshop.

    waw nagdapitan square at tapsi haws kayo, panalong inuman yan.hehehe.

    ReplyDelete
  18. hahahahaha. Gandang suhestiyon ah. Sige pag--isipan ko pa. Lambanugan na walang tulugan.

    ReplyDelete
  19. haha amie 'wag nang paniwalaan ang hirit na 'yon. maraming salamat!! sobrang enjoy nga ng bonding sa inuman e hehe.

    ReplyDelete
  20. balitaan mo kami rene! tawag ka ulit habang tumatawid ng ilog :D

    ReplyDelete