Tuesday, May 13, 2008

UST NWW Fellows sa Phil. Panorama, Phil. Star

Nabanggit ni ser Cirilo Bautista sa kanyang kolumn sa Philippine Panorama (ng The Manila Bulletin) ang mga Fellows ng kakatapos lang na 9th UST-CCWS National Writers' Workshop.

Por reperens: Mayo 11, Linggo lumabas ang column. Sana'y meron sa mga Fellows ang mag-scan ng artikulo ("Prose and the UST Writers Workshop"); ang pangit ng mga retrato ko e hehe. Makikita rin pala ang artikulo sa website ng Panorama.


Isang sipi mula sa kolumn ni ser Cirilo:

"There were more prose works compared to last year’s group. We view this as a happy development, for it seems to us that there is a surfeit of poems being written in this archipelago. We need a great body of short stories and novels that would strengthen the pillars of our literary heritage. While poetry can deal with the moments of our individual aspirations, it is prose that concretizes the meaning and aspirations of our social and spiritual life on a grand scale."

Aaminin ko na bago sa Uste workshop, mayroon akong impresyon (na mukhang mali pala) na mas kakaunti ang mga makata sa 'Pinas, kaya naman pinilit kong matuto ng pagtula (sa LIRA). Masarap sa pakiramdam na kahit papaano ay komportable na ako sa dalawang disiplinang ito, at sa dalawang wika. Komportable. Ang pagiging magaling sa dalawa -- ay, ibang usapan na 'yan.

* * * * *


Lumabas din pala noong Abril 21 (unang araw ng workshop) ang isa pang UST-CCWS press release sa The Philippine Star (Arts & Culture section). Nahuli ng ilang araw ang Star sa Inquirer.



P.S. Pareho palang wrong spelling (na naman!) ang pangalan ko. Dobol L, at walang comma bago ang "Jr." Hahaha.

21 comments:

  1. "Masarap sa pakiramdam na kahit papaano ay komportable na ako sa dalawang disiplinang ito, at sa dalawang wika. Komportable."

    napapatanong tuloy ako ng:

    Lord, si Kimpo lang po ba talaga ang anak niyo?

    o kaya

    Lord, ano po kaya ang hinithit ni Kimpo nung zygote pa lang sya? Penge naman po ako.

    ReplyDelete
  2. dapat pala nilagay ko rin na hindi ako marunong tumula sa Ingles at hindi marunong sumulat ng prosa sa Filipino. pati na rin na hindi ako marunong sumayaw (kahit ng waltz), kumanta, gumuhit, tumugtog ng kahit anong instrumento, maglaro ng isports, at bilang panghuli ay malapit nang madedo sa sakit sa puso.....bwahahahaha :P

    ReplyDelete
  3. yan ang tinatawag na anti-thesis ng curriculum vitae. di ako naniniwala. ba't ganitong oras ka gising?

    ReplyDelete
  4. hay naku, dakilang writer ka talaga phiL!!! happy for you...

    ReplyDelete
  5. a basta sa maniwala ka o hinde, yan ang kwento ko. hahaha! pero salamat sa term na yan, magagamit ko yan ;)

    gaya ng mga kuro-kuro sa aming mga aklanon, isa po akong aswang. hehe. hinde, night owl lang talaga ako. ganitong oras ako nagtatrabaho.

    ReplyDelete
  6. tita sobra naman kayo :) tenks tenks tenks!

    ReplyDelete
  7. kmusta naman bday celeb mo? tama lang na greet kta in advance ksi nkalimutan ko na pgdating ng 10...hahaha

    ReplyDelete
  8. ako naman ayaw na matulog. baka di ako magising para sa thesis presentation ko mamaya.

    ReplyDelete
  9. ayos lang po tita. nagpa-deliber lang ng pizza hut hehehe. at salamat uli sa greeting -- isa kayo sa mga pinakaunang bumati :D

    ReplyDelete
  10. ay syet thesis presentation mo na pala?? waw. gudlak gudlak! kayang kaya mo yan :P baka kailangan mo ng tulong ng kape.

    ReplyDelete
  11. di marunong antukin mata ko e. ang problema lang sakin pag puyat either di makausap o ayaw na tumigil kakasalita. kaya matakot ka. : )

    ReplyDelete
  12. kakaibang nilalang ka talaga. hahaha. sabagay ako man, pag masakit ang ulo, dada lang ng dada, dahil pag tumahimik, saka na susumpungin ng sakit.

    ReplyDelete
  13. hi, i'm gresela! what's your name? hahaha
    sayang di ako kasali sa press release. sadyang epal lang ako sa batch nyo talaga! hahaha! XD

    ReplyDelete
  14. oo nga nagulat din ako dun! :P pagalitan mo si ser cirilo o yung nagbigay sa kanya ng listahan hehehe. si anna naging uste, tapos si chinee UP diliman instead of UP baguio.

    ReplyDelete
  15. wahahaha ok lang yan, basta alam naman naming ikaw yun! hahahaha =P

    ReplyDelete
  16. Pareho tayo ng saloobin Philip. Ako rin letter S ang ginamit namiddle namekoimbes na letter R.

    ReplyDelete
  17. ganun? daming mali! :P pero okei lang yan, kesa naman yung kay issa no.

    ReplyDelete
  18. wag ka maarte! ayaw mo nun magisa ka lang?! =P

    ReplyDelete