Unang linggo ng Hunyo, bago magsimula ang Palihan sa LIRA 2008. Pagbisita dapat ito ng mga UST National Writers' Workshop Fellows kay Ma'am Ophie Dimalanta, kaso wala si Ma'am sa CCWS. Kaya ang nangyari:
- kamustahan sa AB Pav (sa tapat ng St. Raymund's Bldg.)
- late lunch sa The Pit
- kaunting inuman sa Tapsi
Nauna akong dumating sa AB Pav; sumunod sina Ynna at Melvin. Pumuslit muna sandali si Melvs, at ipinasyal ako ni Ynna sa simbahan ng Uste.
Bago pala ang tanghalian ay dumaan ang pinsan kong si Jen-jen sa Uste para may kunin sa akin. Pag-uwi niya ay hinatid ko muna siya sa sa kabilang panig ng España, at pagkabalik ko sa Uste ay saka na kami pumuntang The Pit.
Pagkatapos ng Tapsi, nagkaroon kaming apat -- Ynna, Debbie, Melvin, ako -- ng isang spur-of-the-moment decision: pupunta kaming Eastwood. Para...manood ng Caregiver ni Sharon Cuneta. Napapayag na rin ako dahil wala naman akong gagawin noong gabing iyon.
Sa Eastwood, pagkabili ng tiket ay dumaan muna kami sa A Different Bookstore, kung saan nabili ko ang nonfiction na Gulag ni Anne Applebaum. Tapos, kain sa Dencio's. Tapos, sine. (Hayup, magaling pala. Muntik pa akong mapaiyak.) Tapos, magdamagang tambay at very-early-buffet-breakfast sa Something Fishy.
Halos lahat ng pics dito ay galing kay Melvin; 'yung huling tatlo, kuha sa aking camera cellphone.
miss u both!go UP!hehe
ReplyDeletemisyu manang klaudz! mwah :P
ReplyDeleteang taba mo, ate sa kaliwa. at yes, ung ate sa kanan, kamukha lang talaga ni ______. :))
ReplyDeleteyown! girlfriends!:))
ReplyDeleteneneng at totoy!
ReplyDeletehmmmm....sino kamukha?? di ko matandaan hehe.
ReplyDeleteende. two nenengs. or or or ang dalaga at dalagita. :D c abuan at c obit. :))
ReplyDeletemiss, alam kong mahaba ang ____ mo, kaya di mo kelangang umapak sa machismo ng iba. hehehe.
ReplyDelete