Wednesday, June 11, 2008

LIRA Poetry Workshop 2008: Opening Day




Putris. Ambilis ng isang taon. Noong nakaraang taon, simula pa lang ng LIRA Poetry Clinic 2007, wala pa akong kakilala masyado sa mundo ng literatura. Outsider ba, kumbaga. Di ko pa alam noon kung maayos ba akong tumula at sumulat sa Filipino (nauna akong mahasa sa Ingles).

Nitong Sabado, Hunyo 7, 2008, simula na naman ng bagong workshop. Nagpakilala na ako bilang bagong kasapi ng LIRA.

Ambilis.

Sa umaga: orientation ng mga bagong Fellows at pagpapakilala ng mga miyembro ng LIRA. Pito pala sa mga kasama kong Fellows sa UST National Writers' Workshop ang nakapasok sa LIRA batch '08: Ynna Abuan, Melvin Medes, AC Nadora, Debbie Nieto, Ge Paguibitan, Rhom Peña, at Rene Santillan.

Sa hapon: open-to-the-public lecture ng Ama ng LIRA, ang Pambansang Alagad ng Sining na si Virgilio S. Almario (aka Rio Alma). Pamagat: "Reklamasyon sa Pambansang Gunita."

At habang nagaganap ang dalawa, may book fair sa labas ng silid -- Anvil, Fox, at Adarna ang mga in attendance.

Galing ang mga retrato rito kina Ynna at Melvin.

Isusunod ko na lang ang mga piks ng inuman kinagabihan, kung saan nakasama namin sina ser Rio, Vim, Mike, Jerry, at iba pa. Sobrang dami kasi pag pinagsama sa iisang album lahat ng retrato!

23 comments:

  1. haha! nice pix =) tnx 4d updates. mis ko n kau =)

    ReplyDelete
  2. baka dahil din sa emo hairstyle. hahaha!

    ReplyDelete
  3. pwede nang pang-publicity poster ng LIRA: "Sali na!" :P mwehehehe

    ReplyDelete
  4. guia bakit wala ka nun? na-miss ka tuloy namin hehehe. next week punta ka naman! :)

    ReplyDelete
  5. oh my, haggard! 1st day pa lang, tumanda na ko! waah!

    ReplyDelete
  6. ale, pwedeng magpamasahe?!! hahaha, joke lang!!! :)

    ReplyDelete
  7. tsk, kulang kasi sa tulog! kelangan mo maging taong happy...ano ba yun, enervon c? haha!

    ReplyDelete
  8. o ynna, away daw o, away...hawakan mo nga tenga!

    :P

    ReplyDelete
  9. wahahaha ganito yung "default face" ko sa baby pic a!

    ReplyDelete
  10. LOLOLOL. eto ang tinatawag na "hmp!" face.

    ReplyDelete
  11. boo!

    di kita faceplant ko rito!

    haha.

    ReplyDelete
  12. ask ko lang po sana kung san nyo po nabili yang shirt na panatang makabayan.. salamat po :D

    ReplyDelete
  13. kuya ask ko lang sana kung san mo po nabili yang shirt na panatang makabayan :D salamat

    ReplyDelete
  14. kerzie, sa Team Manila outlet sa Crossings department store, ground floor ng TriNoma. nung huling tingin ko ay wala na silang stock ng Panatang Makabayan, pero baka sa ibang outlet ay meron pa. check http://www.teammanilalifestyle.com/ na lang :)

    ReplyDelete
  15. hoy, ateng nakablue shirt, kung di ka bibili, wag kang magpacute dyan. :)) halatado amp!

    ReplyDelete
  16. loko. pero takte, sobrang payat ko pa dyan. wala pang bilbil at man-boobs haha.

    ReplyDelete
  17. oo nga!!!!!! shiyet, parang kailan lang, dalagita ka pa lang :))

    ReplyDelete
  18. nakararami ka na sa mga hirit na ganyan a! hehe.

    ReplyDelete