Monday, July 21, 2008

Pagbása ni Roberto T. Añonuevo sa Aking "Talà"

Laking gulat ko kaninang tanghali nang nabasa ko ang pinakahuling sanaysay ni Ginoong Roberto Añonuevo sa kanyang blog. Sa Estetika at Pagtanaw hinggil sa Dalawang Lungsod, sinuri ni sir Bobby ang dalawang tula, at ang isa ay ang aking Talà, isinulat noong Marso 2007 at isinabak sa Palihan sa LIRA noong Agosto 2007.

Bago kay sir Bob ay wala pang nakapagsusulat ng pagsusuri sa aking mga akda, sa Ingles man o sa Filipino, kaya doble ang gulat at tuwa (gulatuwa?) kong naramdaman na ang unang beses ay mula sa isa sa mga pinakabatikan at tinitingalang manunulat sa Pilipinas.

Ilang sipi/excerpt mula sa nasabing sanaysay:
Maaaring tanawin ang lungsod sa iba’t ibang paraan, at isa sa rito ang pagtatanghal sa punto de bista ng isang tagalungsod na dumadama sa loob ng lungsod at tumatanaw papalabas ng sakop nito at tanging siya lamang makababatid. O kaya’y tingnan ang lungsod mula sa labas nito, nang sa gayon ay mabatid ang kabuuan ng lungsod na hindi mababatid ng tao na nasa loob nito at ang sipat ay limitado. Ang ganitong pagtanaw hinggil sa lungsod ang ipinamamalas ng mga tulang “Sa Unang Ulan ng Mayo” ni Charles Tuvilla at “Talà” ni Phillip Kimpo Jr.

...[W]alang sermon ang mahihiwatigan sa tulang ito. Matipid ang paglalarawan, na tinumbasan ng pambihirang salaysay hinggil sa karanasan ng bata.

...[S]inasampal tayo ng tula dahil nag-iiwan na tayo ng basurang materyal ay pinalalawak pa iyon sa pagdaragdag ng mga basurang may kaugnayan sa kaisipan, halagahan, at pagkamamamayan. Sa unang malas ay payak ang tulang “Talà” ngunit ang uuriin nang maigi’y hinahatak tayo nito na sipatin ang ating kalagayan nang higit sa nakagawian, at tumanaw sa malayo at abutin ang mga pinapangarap na bituin.
Bisitahin ang Alimbukad ni sir Bobby para sa buong sanaysay at mga tula namin ni Charles.

10 comments:

  1. sira ka talaga, binibining poetry editor :P

    ReplyDelete
  2. ang galing mo, pre! sa mga tula ko nga, wala pa ring gumagawa ng pagsusuri! marahil mga manggagawa na lang ang gagawa nun pag namatay na ako, he he he! saludo ako sa iyo, kaibigan. mabuhay ka!

    ReplyDelete
  3. iba ka, philip. di na ma-reach. hehe. : )

    ReplyDelete
  4. ^ganyan na ganyan din ang reaksiyon ko nung una, hehe :P

    ReplyDelete
  5. ser greg, maraming salamat po. ngunit marami namang dakila ang na-kritik at natangkilik nang sila ay dedo na, hehehe!

    sya nga pala, natapos ko na ang aking kopya ng Maso 2. masaya ako na binili ko 'yon; marami akong napulot na hindi ko mapupulot sa ibang 'ordinaryong' antolohiyang pampanitikan. nawa'y ipagpatuloy niyo ang paglimbag ng mga ganoong uri ng lathalaan. mabuhay kayo!

    ReplyDelete
  6. oo...out of reach. wala na raw kasing signal. as in, wala nang naitutulang matino nitong mga huling buwan. puro na lang prosa. hahaha :P

    at kaya malabo akong makapagpasa sa ateneo. bakit kasi walang creative nonfic! hay.

    ReplyDelete
  7. iyon din pinagtataka ko. makialam daw ba? hehe. magbalik-loob ka na sa panulaan. kaya yan. marami pang oras. bow. : )

    ReplyDelete