Thursday, August 7, 2008

Na-Interbyu Ako.

Hindi, hindi kay Nancy Castiglione ulit. Napagtripan kasi ako ng aking kaibigan, kapwa manunulat, ka-batch sa LIRA 2007, at isang magaling na makata na si Rogerick Fernandez -- iinterbyuhin daw niya ako para sa blog niya. Pinaunlakan ko naman kahit di ko alam kung tungkol saan ang pag-uusapan.

Mababasa rito ang panayam.

Lumalabas na ang panayam niya sa akin ang unang edisyon sa kanyang bagong "proyekto." Takte, hindi ko alam na 'yun pala ang magiging pamagat ng proyekto ni Rhodge (basahin na lang ang interbyu para malaman kung ano). Hehehe. Pero h'wag malinlang sa pamagat ng panayam -- may lalim ang mga napag-usapan namin, kasama na siyempre ang literatura.

Heto ang ilang sipi mula sa interbyu.

Tungkol sa aking pseudonym/online handle:

Rhodge: Teka, pag sine-search kita sa Internet, synonymous sa name mo ang The Corsarius. Ano ba ung term na ito?

Phillip Kimpo Jr.: Ah. Mahabang kuwento iyan. Una, ang Corsarius ay Latin ng salitang "corsair", o pirata.

Rhodge: OK. Captain Hook, ikaw ba yan? Hehe!

Phillip Kimpo Jr.: Nakahiligan ko itong salitang ito noong high school ako. Alam mo na, iyong punto ng buhay natin na naghahanap tayo ng maayos na online nickname para sa YM at ano pa.

Una kong nabasa ang salitang "Corsarius" sa isang nobelang sci-fi. Noong high school ako, wala pa masyadong kahalagahan ang nickname na iyon para sa akin. Wala lang, "cool" at unique lang. Pero habang tumatanda ako ay nabibigyan ko na siya ng mas malalim na kahalagahan at kahulugan. Para bang “retrofitted” ang meaning.

Mas malalaman ‘yon sa isang sanaysay ko sa tinatapos kong aklat ng mga kuwentong personal, ang Corsair of Cordillera Street.

Tungkol sa tipo kong babae:

Rhodge: Any type of girl you always fall for?

Phillip Kimpo Jr.: Mahirap na tanong 'yan a. Hindi naman kasi ako mapili. May bias ako sa maputi (chinita o tisay), pero hindi ibig sabihin noon ay hindi ako nagkakagusto sa morena. At hindi looks ang pinakamahalaga sa akin.

Ang pinakamahalaga: matalino. 'Yung tipong makaka-intellectual discussion ko, ke agham man yan, literatura, o politika.

Susunod na mahalaga: Kapwa artist. Alagad din ng sining.

Tungkol sa mga tagong kaugalian:

Rhodge: Anything about you that we'd be surprised to know?

Phillip Kimpo Jr.: Tungkol sa akin na ikagugulat niyo? Haha, hirap naman niyan. Hindi dahil wala nang makagugulat sa inyo...pero dahil marami.

Magbibigay na lang ako ng dalawa. Una, nakakatakot ako kapag galit. Hindi na ako 'ako' pag galit, at mabilis din uminit ulo ko. Ikalawa, mahilig ako sa baby talk (o baby sounds?) sa taong mahal ko.

Incredible Hulk + Pikachu. O di ba man of contradictions nga?

Tungkol sa tinatapos kong aklat:

Rhodge: Kumusta ang progress ng book mo?

Phillip Kimpo Jr.: Hay. Nasabi ko na ata sayo na August ang target ko. Guess what, I'm moving it to November. Wala akong naisulat nung June at July e. Argh. Although I'm only around five essays away from completing it.

Rhodge: Wow, five na lang! Kaya mo yan!

Phillip Kimpo Jr.: Kaso gusto ko kasi may diversity ‘yung topics. Kaya di rin ganoon kadali tumapos ng lima, kahit “flash essay” lang ang haba nila. (Term ‘yan na ginamit ni Ma’am Ophie Dimalanta.)

Rhodge: Ano ang ma-e-expect namin sa first book mo?

Phillip Kimpo Jr.: Based from the title, maraming essays ang nagbabanggit sa Cordillera Street, kung saan ako lumaki at nakatira. Corsair pertains to me / the personal nature of the book; ako nga si Corsarius di ba. May halo-halong social commentary, love, growing up, etc., pero lahat ay personal. Incidental na lang kung nagkaroon ng social tone, animal rights, etc.

Basahin ang buong pag-uusap.

12 comments:

  1. tindi. di na mapigilan ang iyong pagsikat. apir! (*ubo libreng libro ubo)

    ReplyDelete
  2. Hahaha. :D

    i-know-a-cutie project pala ha. natawa ako pagkabasa ko nun sa site nung friend mo. at cutie #1 ka pa niya ha. hehe. :)

    ReplyDelete
  3. Rogerick Fernandez at Phillip Jr Kimpo? Kilala ko yun ah! Sila yung mga sikat ah! =) Hehe! =)

    Nweys, I will surely buy your book. Dapat me autograph! =P Thanks!

    PS
    Tuloy ba yung sa 19th? =)

    ReplyDelete
  4. sana nga e maging next boy abunda na si rhodge para mailalagay sa kasaysayan ang interbyu sa akin. wahahaha. apir! (*ubo libreng libro rin ubo*)

    ReplyDelete
  5. ikaw natawa, ako halong natawa at nagulat hahaha!

    ReplyDelete
  6. haha sobra ka naman inay guia! dumalaw ka naman minsan sa LIRA ha :)

    oo ba, may autograph...kung matapos ko yung libro. hehe ;)

    hindi ko sigurado yung sa Conspi...wala pang balita e.

    ReplyDelete
  7. nabasa ko na yung interview, baby sounds pala ha? wahaha! nakakatawa naman at nakakatuwa naman yung interview! =)

    ReplyDelete
  8. in fairness, kamukha ko naman si Nancy C. Haha! Salamat sa pagpapaunlak mo!

    ReplyDelete