
...sa Part 1. May mas maganda sa part 2 hehe.
(Kaya sabi ko kanina, second childhood di ba.)
Heto ang Part 1 ng mga nangyari noong launching ng Tulaan sa Tren sa LRT, kung saan dumalo ang ilang mga sikat na personalidad (Chinchin Gutierrez, Christine Bersola, Julius Babao, Rhea Santos, Lyn Ching) at mga hebigats na manunulat at makata (National Artist Rio Alma, Gemino Abad, Pete Lacaba, Teo Antonio, Ligaya Tiamson-Rubin, Vim Nadera, Danton Remoto, Paolo Manalo, Nerisa del Carmen Guevara, Raul Funilas, at ilan pang di ko natandaan o alam ang pangalan).
Naroon din kaming ilang LIRA members, pati ang mga bagong Fellows para sa taong ito.
Ang daloy ng mga pangyayari noong Agosto 9, 2008 (isusunod ko ang iba pang pics):
- Part 1 -- LIRA workshop sa umaga; pagpunta sa LRT; programme sa LRT-2 main office
- Part 2 -- Inaugural train ride sa LRT-2 (Santolan-Recto, Recto-Santolan) kung saan sinolo ng mga dumalo ang ilang train coaches
- Part 3 -- Launching ng bagong libro ni ser Rio; performance nina ser Vim at Tata; pagbasa ng mga tula nina ser Teo at Danton; kainan; pag-uwi ng mga taga-LIRA
Ang Tulaan sa Tren ay isang proyekto kung saan maririnig sa PA system ng mga tren ng LRT-2 ('yung mas bagong linya) ang mga tula ng ilan sa pinakamagagaling na makata ng Pilipinas. Ilang mga artista at TV personality ang bumigkas sa mga tula.
Nakapaskil din sa loob ng mga tren ang mga akda. Tatakbo ang proyekto hanggang Disyembre. Basahin ang balitang ito para sa karagdagang impormasyon.
Dapat pala ay dadalo sina Edu Manzano, Romnick Sarmienta, Nikki Gil, atbp., kaso ay di na sila sumulpot.
Isa ang araw na 'to sa mga pinakamasaya kong naranasan na mga LIRA/lit events. Di lang dahil tadtad ng mga "tanglaw ng sining" (oo starstruck nga ang ilan sa amin), kundi dahil parang ang saya lang ng lahat ng tao.
Parang nag-second childhood si ser Rio (tingnan na lang ang mga pics dito at sa mga susunod na bahagi), at ang daling makipag-usap at makipag-piktyur kasama ang dati ay di-malapitang mga sikatin.
Sabi ko nga sa mga kaibigan ko: "Parang field trip ang dating!"
nakakamiss naman. :(
ReplyDeletemag-LIRA na kasi next yir... :D
ReplyDeleteXD kyut!
ReplyDeletedi ba?!?! tenk gudnes por da didyital kamera :P
ReplyDeletehaha kewlness naman nung mrt idea :D
ReplyDeleteganun pala... pag sikat ka na saka ka palang magkakaapelido no? kelan kaya magiging YNNA ABUAN... wahahaha!
ReplyDeletewahahaha sir rio the best talaga! parang kiddie birthday party niya lang e!
ReplyDeletedi niyo ko sinama =(
ReplyDeleteay pero nasa layout pala ako nito.
hindi ba parang ganoon na nga, lalo't may buk launch siya? hehehe :D
ReplyDeleteoo nga e. sana pag natapos ang project sa disyembre, may kasunod kaagad :)
ReplyDeletesa totoo lang na-tempt akong ilagay ang apelyido mo, kaso masyado nang mahaba. bwahahaha =))
ReplyDeletewah. sori po. huli ko rin nalaman 'to e, as in nung mismong araw lang (the day before may balitang may "book launch", di ko naman kung ano talaga)...di siya na-announce sa egroup. :(
ReplyDeletepaanong/aling layout?
tatlong araw kami nasa condo sa taft (provided ng printer ng Malate) para ayusin ang mga rebisyon at layout ng una naming issue..hindi pa kami tapos eh..this week (and weekend ulit).. =(
ReplyDeletewhoa. toxic yan a. buti na lang may libreng condo -- ngayon lang ako nakarinig nyan :P gud lak sa inyo xta. kaya mo yan, kaw pa hehe.
ReplyDeleteparang san francisco lang ah haha
ReplyDeletekulang na lang ay golden gate bridge. wahaha.
ReplyDeleteganon talaga ever since, kailangan magprovide ng printer ng press work area. hehe. para tangkilikin namin sila.
ReplyDeletesalamat. sana nga matapos namin. andami pang kulang sa section ko eh. =(
ay, kakainggit uli...
ReplyDeletemagbakasyon na kasi sa pinas... as if puwede :(
ReplyDeletejust wanna ask pho,if meron ho bang website na pwedeng kuhaan ng mga akda ni Jose Corazon de Jesus?thanks pho.",)
ReplyDelete