
Heto ang Part 2 ng mga nangyari noong launching ng Tulaan sa Tren sa LRT. Nakasama namin sa 'reserved' coaches ng LRT-2 sina Christine Bersola, Julius Babao, National Artist for Literature Rio Alma, Gemino Abad, at iba pang mga batikang manunulat at makata (nasa part 1 ang kumpletong listahan). Di na nakasama sina Chinchin Gutierrez, Rhea Santos, at Lyn Ching. Sayang.
Ang daloy ng mga pangyayari noong Agosto 9, 2008 (isusunod ko ang huling batch ng pics):
- Part 1 -- LIRA workshop sa umaga; pagpunta sa LRT; programme sa LRT-2 main office
- Part 2 -- Inaugural train ride sa LRT-2 (Santolan-Recto, Recto-Santolan) kung saan sinolo ng mga dumalo ang ilang train coaches
- Part 3 -- Launching ng bagong libro ni ser Rio; performance nina ser Vim at Tata; pagbasa ng mga tula nina ser Teo at Danton; kainan; pag-uwi ng mga taga-LIRA
Mula sa LRT office, naglakad kami ng mga 100-200 metro patungo sa LRT Santolan Station. Feeling celebrity ang mga tao (o siya, kami lang na mga bata) dahil may mga naka-escort na sekyu (at mga naka walkie-talkie na de-barong) sa daan. Deretso rin kami sa tren, wala nang tiket-tiket. Solo namin ang station at walang ibang pasaherong pinapasok.
Unang beses ko palang makaranas ng ganoon. Ang sarap lang ng pakiramdam na sa 'yo ang tren hehe. Walang agawan, libot ka lang nang libot.
Balikan ang naging biyahe -- mula Santolan hanggang kabilang dulo ng LRT-2 (Recto), at Recto-Santolan. Medyo matagal kaya naman todo piktyuran at pagpapakilala sa mga hebigats.
Napagtripan din namin ni Jonar na kumaway sa mga tao ("fans") sa mga dinaanang station at bintana ng mga gusali. Hahaha.
Gaya ng sinulat ko sa Part 1, ang Tulaan sa Tren ay isang proyekto kung saan maririnig sa PA system ng mga tren ng LRT-2 ('yung mas bagong linya) ang mga tula ng ilan sa pinakamagagaling na makata ng Pilipinas. Ilang mga artista at TV personality ang bumigkas sa mga tula.
Nakapaskil din sa loob ng mga tren ang mga akda. Tatakbo ang proyekto hanggang Disyembre. Basahin ang balitang ito para sa karagdagang impormasyon.
LRT 2 lang ba?
ReplyDeletesana pati LRT 1 din.. kahit medyo madalang ako mag-LRT 1 (pero mas sobrang madalang ako mag-LRT 2 eh)
hoy mariane! magpataba ka! phillip pakainin mo please???
ReplyDeletehindi ko sigurado, pero parang sa ngayon ay LRT-2 lang. di rin ako masyadong gumagamit nun, kaya gud lak sa atin hehe.
ReplyDeletenaku, di lang halata sa pic na 'yan, pero tumaba na siya since the ust workshop days hehe. pero sige papakainin pa namin sa LIRA :))
ReplyDeletehuwaw! panalong event talaga 'to ah! sana nga sa LRT1 naman next time. tapos tula mo naman phillip ang ilalagay dun. hehe. ayos yun!
ReplyDeleteRio Alma's one jolly old man.
ReplyDeletenyuknyuknyuk
ang saya ng office ng LRT. at ang saya, solo nyo ang tren. big taym.
ReplyDeletethey look alike diba? mala yoko-john ba ito? hehe
ReplyDeletelike a kid in a candy store si sir abad dito ah hahaha
ReplyDeletehaha mauuna ka sa akin amie! :P lalo na't di na ako nakatutula nitong mga huling buwan, puro prosa na lang...hay...
ReplyDeleteyap, maganda mood ni ser nang araw na 'to wahaha!
ReplyDeletekamo, nakiki-stolen/candid/damay syat wid da bigtaymers :))
ReplyDeletenapansin mo rin? hahaha! tapos pareho pa ang kulay ng damit :P
ReplyDeletenakuha mo -- yan ang saktong description kay sir jimmy :D
ReplyDeleteat halatang giddy yung katabi niya o.
ang saya-saya ni rio alma. can't get over pa rin ako sa photo niya
ReplyDeletedi ka nag-iisa. kami ni ynna e tuwang-tuwa pa rin doon hanggang ngayon hehe.
ReplyDeletebonakid, batang may laban.
ReplyDeletehahahaha. sige ipapasa ko kay ser rio yan. bonakid endorsement.
ReplyDeletesaya naman!!!
ReplyDeletenaku!!! kakainggit...
ReplyDeletemiss you, girl!!!
ReplyDeletehala, nakasandal itong babaeng ito!!! sawayin nyo...sino banaman kasi nagsama nito.mukhang kilala ko to kahit nakalikod siya. pamilyar...
ReplyDeletewag kang mag-alala di rin lahat ng Dapitdilim ay nakapunta. hahaha :P
ReplyDeleteanyways, next time dapat tula mo na ang nakalagay sa tren.
LOL! tawa ako nang tawa dito! :))
ReplyDeletekilabot ng mag kolehiyala, kolehiyolo at lahat na. heheh. nice shot. wahuuuu. :)
ReplyDeletewalastek pinapataba ang puso ko. as if di pa 'to puno ng kolesterol hehe! :))
ReplyDelete