Thursday, August 14, 2008

Tulaan sa Tren: Rio Alma Book Launch (Part 3)




Heto ang Part 3 (huling bahagi) ng mga nangyari noong launching ng Tulaan sa Tren sa LRT. Pagkatapos ng aming "feeling celebrity" train ride, idinaos naman ang launching ng bagong libro ng National Artist for Literature Rio Alma, ang Mga Biyahe, Mga Estasyon = Journeys, Junctions.

Kaya may Ingles sa pamagat ay dahil kasama ng mga Filipinong tula ang mga salin ni Marne Kilates. Maliban sa librong ito, bumili rin ako ng isang isyu ng Bulawan ('yung orihinal, bago magkaroon ng Bulawan Online). Discounted lahat ng libro doon.

Nagkaroon ng performance sina Vim Nadera at Raul "Tata" Funilas. Bumasa rin ng mga tula ni Rio Alma sina Teo Antonio at Danton Remoto. Pagkatapos ay pumila na ang mga bisita para magpapirma kay ser Rio. Kasabay noon ang libreng buffet. Nyum.

Sabay-sabay umuwi ang ilang LIRA members at fellows gamit ang -- ano pa ba? -- tren. Sa kasamaang palad ay hindi pa 'live' sa nasakyan naming LRT-2 coach ang Tulaan sa Tren.

Ang daloy ng mga pangyayari noong Agosto 9, 2008:
  • Part 1 -- LIRA workshop sa umaga; pagpunta sa LRT; programme sa LRT-2 main office

  • Part 2 -- Inaugural train ride sa LRT-2 (Santolan-Recto, Recto-Santolan) kung saan sinolo ng mga dumalo ang ilang train coaches

  • Part 3 -- Launching ng bagong libro ni ser Rio; performance nina ser Vim at Tata; pagbasa ng mga tula nina ser Teo at Danton; kainan; pag-uwi ng mga taga-LIRA

Gaya ng sinulat ko sa Part 1, ang Tulaan sa Tren ay isang proyekto kung saan maririnig sa PA system ng mga tren ng LRT-2 ('yung mas bagong linya) ang mga tula ng ilan sa pinakamagagaling na makata ng Pilipinas. Ilang mga artista at TV personality ang bumigkas sa mga tula.

Nakapaskil din sa loob ng mga tren ang mga akda. Tatakbo ang proyekto hanggang Disyembre. Basahin ang balitang ito para sa karagdagang impormasyon.

7 comments:

  1. Ang Betty Go-Belmonte Station ang favorite kong LRT station.

    ReplyDelete
  2. parang endorser lang ng produkto si ser rio no? este, endorser pala talaga sya, libro nya e :P

    ReplyDelete
  3. hmm, bakit naman?

    meron din akong memories dyan sa pangalang Betty Go, pero hindi sa station, kundi sa public school na naka-pangalan sa kanya. yung sa may araneta ave. dun kasi kami nag summer acting worksyap ng ABS-CBN. wahahaha :)) heaven forbid i do that again.

    ReplyDelete
  4. kaya sa susunod, magising ng maaga. (hahaha, nagsalita rin ang laging leyt!)

    ReplyDelete