Tuesday, September 23, 2008

Kakauwi Mula Norte: Baguio at Pangasinan

Kakagaling ko lang mula Pangasinan at Baguio City para sa 1) Sining ng Tugma at Sukat event ng NCCA at LIRA (basahin ang nauna kong blog post) at 2) excursion ng aming munting Dapitdilim Fellowship of Writers.

Ang mga napuntahan (di kasama ang mga bayang nadaanan lang): Dagupan City (STS), Mangaldan (kung saan kami tumira), San Fabian (beach), at siyempre, Baguio.

Masaya, masaya, masaya, at nakakapagod. Dahil medyo nanghina pa lalo ang mahina ko nang katawan, at dahil marami pa akong ibang album na kailangang i-upload, saka na lang ang mga kumpletong retrato. Sobrang dami rin kasi e.

Heto ang mga SAMPOL at low-res na piks:

Dapitdilim breakfast sa Cafe by the Ruins, Baguio.

Dapitdilim excursion sa Burnham Park, Baguio.

Dapitdilim pilgrimage sa Manaoag.

Dapitdilim night swimming & workshop sa San Fabian.

Nagsasalita sa STS event sa Dagupan City National HS.

Group pic w/ Mike & Jeanette Coroza at ilang DCNHS superiors & students.

Kasama ang painting ni Ynna sa Abuan residence, Mangaldan.

15 comments:

  1. sasama ugali niyo. di niyo man lang ako tinext na aakyat kayo baguio. humph

    ReplyDelete
  2. oy rey basahin mo yung post ko! heheh :P dami ko pang ibang album na kailangan i-upload (para chronological ang order), tapos aabot ata sa 500+ ang pics natin e

    ReplyDelete
  3. issa mag LIRA ka na next year ha, tas outing ulit! :D

    ReplyDelete
  4. sasabihin ko sana, "may STS ka rin namang inoorganize"...kaso sa maynila lang pala yun :(

    ReplyDelete
  5. antay lang po sa mas kumpletong pics ha :D

    ReplyDelete
  6. sori po harry :( unang outing rin kasi ito nung barkada namin mula pa sa uste workshop hehe. next time na lang...dami pa namang STS events ang lira.

    ReplyDelete