Tuesday, September 9, 2008

UMPIL National Writers Congress 2008: Inuman Atbp.




Heto ang Part 3 ng 34th National Convention ng Writers Union of the Philippines (UMPIL). Kulang ang pamagat (dahil masyado nang mahaba). 'Yung "Atbp." dapat diyan ay "Walang Hiya-Hiya na Photo Opportunities at Group Pics."

Pagkatapos ng awarding ceremonies ay nagkaroon ng group pics ang mga awardees at UMPIL officers. Sumunod ang masayang group pics ng LIRA members at fellows kasama sina Rio Alma at ang mga seniors.

Bago kami tumahak patungong Senate compound ay nagkaroon din kami ng group pics sa stairs ng GSIS, kung saan nakasama namin si Edgardo Maranan. (Game na game si ser!)

Lagpas tatlong oras kaming uminom ng mainit na beer sa basketball court ng Senate compound, pinaliligiran ng mga sundalo. Hindi dahil kaaway namin ang pamahalaan, ngunit dahil quarters lang talaga nila 'yun, hehe.

(Langyang warm beer 'yan. Ambilis tuloy naming malasing.)

Maraming, maraming salamat kay miss Willet para sa kanyang paghahatid-sundo sa mga Fellows at kasapi ng LIRA. Kung wala siya ay di na siguro aabot nang may sapat na enerhiya upang tumoma ang mga tao.

Ang daloy ng mga pangyayari noong araw na 'yon:
  • Part 1: Registration; LIRA photo ops; unang bahagi ng programa na kinatampukan ng keynote speech ni Hyeon-seok Bang, tanyag na manunulat mula South Korea; launching ng Umpil.org at bagong logo; open forum; tanghalian; book signings

  • Part 2 -- UMPIL committee meetings; awarding ceremonies ng mga Gawad Pambansang Alagad ni Balagtas, Paz Marquez Benitez, at Pedro Bucaneg

  • Part 3 -- Sangkaterbang LIRA group photo ops uli; inuman sa Senate compound

Ang huling batch ng mga retrato:

8 comments:

  1. ho-hum. ang cute naman ng nakablue polo. ahihi

    ReplyDelete
  2. cr-in-op mo ba 'to from the previous picture? nags-spot the difference kasi ako para malaman. hahahaha.

    ReplyDelete
  3. hehe hindi, separate shot. si ynna kumuha, zinoom nya lang ata :))

    ReplyDelete
  4. bwahahahaha!! oo nga. kasi ung head nung levi eh nakatingin dun sa katabi niya dun sa previous picture pero sa pic na 'to, nakatingin siya pababa. tapos ung chin din ni debbie eh nasa ibabaw ng supot sa previous picture pero sa pic na 'to na-block ng chin niya ung supot.

    shet. ang loser ko. nags-spot the difference game talaga ko.

    ReplyDelete
  5. haha syet ang detalyado! pero wag kang magwori. kahit ako ay nag-spot the difference din dati sa pik na yan. hahaha!

    ReplyDelete
  6. Hoy Phillip, hindi ako yan! Si Ma'am Becky 'yan! ;-p

    ReplyDelete
  7. aaahhhh! sori sori! nalito ako kasi akala ko parehong ynna-rio-mao pic! :)) salamat sa pagpuna hehehe.

    ReplyDelete