Heto ang Part 2 ng 34th National Convention ng Writers Union of the Philippines (UMPIL). Tingnan ang Part 1: mas masaya ang pics sa album na 'yun hehe.
Pagkatapos ng mga pangyayari sa umaga, naghiwahiwalay ang mga kasapi ng UMPIL para sa mga committee meetings. Ang paksa: Writers' Welfare Act. Sumunod ang pag-awit nina Bb. Alegria Ferrer at ser Njil de Mesa.
Panghuli ang pinakaaabangang bahagi ng araw: ang awarding ceremonies ng Gawad Pambansang Alagad ni Balagtas para kina:
- Ruperta Asuncion (Iluko poetry)
- Edgardo Maranan (Filipino/English poetry)
- James Na (Chinese poetry)
- Armando “Bing” Lao (Filipino screenplay)
- Delfin Tolentino (English essay)
Pinarangalan din ng Gawad Paz Marquez Benitez si Prof. Ligaya Tiamson Rubin at Gawad Pedro Bucaneg ang Arejola Foundation for Social Responsibility, Inc. Nagkaroon din ng tribute kay Adrian Cristobal, pumanaw na Chairman Emeritus ng UMPIL.
Ang daloy ng mga pangyayari noong araw na 'yon (isusunod ko ang Part 3):
- Part 1: Registration; LIRA photo ops; unang bahagi ng programa na kinatampukan ng keynote speech ni Hyeon-seok Bang, tanyag na manunulat mula South Korea; open forum; tanghalian; book signings
- Part 2 -- UMPIL committee meetings; awarding ceremonies ng mga Gawad Pambansang Alagad ni Balagtas, Paz Marquez Benitez, at Pedro Bucaneg
- Part 3 -- Sangkaterbang LIRA group photo ops uli; inuman sa Senate compound
Ang ikalawang batch ng mga retrato:
asteg nmn ng cr
ReplyDeleteoo nga. kaya ayan, napapiktyur tuloy ng wird haha.
ReplyDelete