Monday, December 8, 2008

LIRA Fellows Night & 23rd Anniversary Mamaya

Ambilis, ambilis, ambilis -- last year lang ay Fellows Night namin at kabadong-kabado ako dahil unang beses kong makakapag-poetry reading. Wan yir leyter, mag-iisang taon na rin akong LIRA member.

Mamayang gabi, pagkakataon naman ng mga Fellows 2008 (Batch Aranya) na magpasiklab. Panahon naman nila sa ilalim ng spotlight. At panahon na para magsitapos sila at magwakas sa kasiyahan ang anim na buwan ng panulaan, katayan, at inuman. Yehey!

Pagkatapos ng Fellows Night ay deretso na sa LIRA Christmas Party. Wasakan na naman 'to ng atay.

Mula sa liraonline.org:

Sa 9 Disyembre 2008, Martes, ganap na alas-sais ng gabi, ipagdiriwang ng LIRA o Linangan sa Imahen, Retorika at Anyo ang ika-23 anibersaryo nito.  Itinatag ang LIRA noong 15 Disyembre 1985 sa tanggapan ng Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan na si Virgilio S. Almario.

Gaganapin ang pagdiriwang sa Conspiracy Bar Cafe, Visayas Avenue, Quezon City. Tampok sa gabing ito ang Fellows Night na magsisilbing pagtatapos ng fellows ng palihang LIRA para sa taong ito. Ang anibersaryo ay isa ring reunion para sa lahat ng sumali sa taunang palihan ng organisasyon.

Makisaya, makinig at tumula kasama ang mga kabataan at batikang makata! Para sa detalye, magtext o tumawag kay En Villasis,ang tagapag-ugnay ng LIRA, 0922-4332291.

Gud lak sa mga fellows. Kita kits mamaya sa Conspi!

11 comments:

  1. Oo nga.
    Wan yir leyter, hindi pa rin ako LIRA graduate. Hahaha.

    ReplyDelete
  2. congrats and break a leg mamya!

    p.s. paki sabe kay debbie ingatan ang laptop ko. salamat! (:

    ReplyDelete
  3. sana nagustuhan ni Ynna mo ang mga books na nakuha nya mula sa akin sa exchange gift. enjoy kamo siya.

    ReplyDelete
  4. kuya kiko sobrang love ko yung books promise. lalo na yung kay ma'am becky! salamat salamat!

    ReplyDelete
  5. walang anuman ynna, im glad na nameet na rin kita yeheheheyyy.

    ReplyDelete
  6. uy salamat! nag-endyoy naman kami. at high sa asukal si debs noong gabing iyon, buti at di siya literal na nabalian ng binti sa pagiging aburido wahaha.

    at ni-research ko pa talaga ang origins ng "break a leg." dorkimpo. :P

    ReplyDelete
  7. haha pasensya na pala't di ko kayo napakilala sa isa't isa...sa book exchange na kayo nakapag-usap! :P

    ReplyDelete
  8. haha syur yun. giddy siya nang ipinagmayabang sa akin ang mga bagong aklat niya e :))

    ReplyDelete
  9. grabe, di ako makapaniwala...natapos din...hehehe...sana makuha ko ung pic namin ni ser rio...hehehehe...isang magandang alaala...hahahahha...salamat po!

    ReplyDelete
  10. oo nga tapos na rin ang 6 months ninyo! congrats glenn!

    sige, isa sa mga susunod na priority kong uploads ay ang LIRA Fellows Night :)

    ReplyDelete