Tuesday, December 2, 2008

Pasok sa LIKHAAN Journal of Contemporary Philippine Literature

Yey. Maraming salamat sa UP Institute of Creative Writing para sa pagtanggap ng mga akda ko.

Dalawa ang pinasa ko noong Mayo -- isang koleksiyon ng mga tula sa Filipino at isang sanaysay sa Ingles. 'Yung mga tula ang nakapasok.

Siyempre, masaya ako noong nalaman ko. May honorarium pa man din hehe. Okey lang kahit gaano kalaki, basta meron. Natapos na kasi ang isa sa apat kong trabaho, at kasamang natigok ang 2/3 ng sahod ko buwan-buwan.

Pero noong ipinakita sa akin ni sir Vim Nadera ang mock copy ng Likhaan, putris bigla akong nahiya. Naligaw lang yata ang pangalan ko. Puro premyado at beterano kasi ang mga pangalang nakita ko. Ewan nga kung ako ba ang pinakabata doon.

Takte nakakakaba sa launching ng libro. Dahil may bitbit akong matinong camera, aakalain lang nila akong photographer. Wahaha.

Noong Lunes ko lang nalaman kung sino-sino ang makakasama eekstrahan ko sa Likhaan. Inilista kasi ni ser Vim sa kanyang column sa Manila Bulletin (at least pangalan ko lang at wala nang nakakahiyang-picture-kong-suot-ang-diving-suit-at-pumopostura-sa-gitna-ng-kalye):

(Kinuha ata ni ser Vim ang middle name ko mula sa ipinasa kong CV. "Yerro" ang tamang ispeling. Nagulat ako nang lumitaw, dahil di ko nilalagay 'yan sa byline ko para sa maraming rason, hehe.)

Heto ang alam kong line-up ng UP Centennial Edition ng Likhaan Journal:
Editor: Virgilio S. Almario (Rio Alma)
Co-editors: Gemino Abad & Vim Nadera
Managing Editor: Romulo Baquiran Jr.

Contributors:
Abdon Balde Jr.
Joey Baquiran
Ony Carcamo
Kristian Cordero
Cristina Pantoja Hidalgo
Luis Katigbak
Mookie Katigbak
Marne Kilates
Phillip Kimpo Jr.
Angelo Lacuesta
Susan Lara
Edgardo Maranan
Carlos Piocos III
Rowena Tiempo Torrevillas
Rolando Tolentino
Ayun.

Sa gabi ng UP Writers Day ('yung dating Writers Night) ilulunsad ang Likhaan. Biyernes, Disyembre 5 sa Bulwagang Rizal (Faculty Center). Punta kayo. Sa mga maagang nakatanggap ng Xmas bonus nila, bili na rin kayo ng Likhaan :)

28 comments:

  1. congrats Phillip, feel the moment. Ganyang ganyan din ang feelings ko last year. Pero at least marami kaming bata noon, Ngayon pulos yata senior citizen ang kasama mo bwehehheheheeh. Uy malaking magbayad ang UPICW, magpainom ka naman bwehehehhehehe. Congrats ulit. Just stay humble always.

    ReplyDelete
  2. Yehes! Bumibigtime si Kimpoy, sana di mo kami makalimutan! Ahahahahahaha. Magpainom! Congrats!

    ReplyDelete
  3. ayan na! ayan na! sinimulan na niyaaaaaa! congrats, erp! : )

    ReplyDelete
  4. wow congrats! hindi ko alam to! nakakashock naman! ang galing! (bwahahahaha)

    ReplyDelete
  5. uy maraming salamat kuya kiko! :) di pa ako nakakabili ng maiden issue ninyo ng likhaan, mahal pa kasi sa mga bookfair hehe.

    oo nga e, lahat sila established writers, mas lalo tuloy nakakahiya. unang academic publication ko pa naman ito. kaya nga gusto ko na lang magpanggap na photographer, at pupuslit na ako pagkatapos i-claim ang copy at honorarium. hahaha!

    salamats uli! :D

    ReplyDelete
  6. ahahaha sira! sige sagot ko isang round. 1 lang. para may pang-regalo naman ako sa ama ko ngayong Pasko (naks madrama).

    maraming salami, xta! :P

    ReplyDelete
  7. presyur presyur?? wahahaha. tenkyu berimats, erp! (o erm? may ganun bang term?)

    :D

    ReplyDelete
  8. nakanaman, e di na tayo nagkikita. kung oo, oo sana ang sagot ko haha!

    ReplyDelete
  9. Wow, congrats! How much is the book? Ang layo kasi ng UP-Dil.

    ReplyDelete
  10. maraming salamat po! kaso di ko alam yung presyo...dun ko na ata malalaman sa launch. update kita pag alam ko na :)

    ReplyDelete
  11. Sige, update me pls. Dami events diyan sa QC, di ko mapuntahan. Super layo! huhu :( Tnx.

    ReplyDelete
  12. okidoks. san ba kayo nakatira? oo nga, krismas pa naman sa UP, maraming events...lalo na't patapos na ang Centennial year.

    ReplyDelete
  13. I live in BF Pque, bordering Las PiƱas, Pque & Alabang. Sana maka-attend ako minsan. Let me know. Thanks! :)

    ReplyDelete
  14. naku malayo nga! sige babalitaan ko kayo :)

    ReplyDelete
  15. erp na lang siguro. parang tunog nagki-clear ng throat yung erm. hehe. sarah's! sarah's! sarah's na to! : )

    ReplyDelete
  16. uy maraming salamat jack! miss ka na namin!

    ReplyDelete
  17. pa-scan naman ng kopya...luv you poh!!!

    ReplyDelete
  18. jack libro yun! mahirap i-scan lahat, makapal :P nabasa mo na rin naman halos lahat ng tula ko dun hehe, pero sige i-email ko na lang sayo.

    ReplyDelete
  19. okay. salamat...
    e-mail mo na lang yung sa yo na entry para mabasa ko uli. Good luck!!!

    ReplyDelete
  20. maganda mga tula mo. kakakuha ko lang ng kopya. magkasunod pa kayo ni kristian sa mga pahina. binagyo ako.

    ReplyDelete
  21. naku, maraming maraming salamat po. medyo nahiya nga ako nun na naipit ang mga tula ko sa mga batikang makata hehe :)

    ReplyDelete