Tumutula ka ba o gustong matutong tumula? Sumali sa Klinikang Pampanulaan ng LIRA para sa taong ito! Narito ang opisyal na press release ng LIRA (may English version sa baba):
Paanyaya para sa LIRA Poetry Clinic 2009
Pormal na manunumpa sa ika-5 ng Marso ang siyam na bagong kasapi ng Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA). Naging bahagi sina Mariane Abuan, Teofilo Catanyag, Perfecto Edilo, Noel Fortun, Deborah Nieto, Willester Robles, Renato Santillan, Natalie Sepe, at Ryan Tanauan ng taunang klinikang pampanulaang isinagawa ng LIRA na naglalayong isulong at paunlarin ang panulaang Filipino.
Kasabay nilang manunumpa ang bagong halal na Pamunuan ng LIRA na binubuo nina Phillip Kimpo Jr. (Pangulo), Francisco Monteseña (Pangalawang Pangulo), Vivian Limpin (Kalihim), Enrique Villasis (Ingat-Yaman), at Ynna Abuan (Tagapag-Ugnay).
Bukas nang muli ang LIRA sa mga nais magpatalâ upang lumahok sa klinika. Ang mga regular na klase, Sabado at Linggo mula 9:00 n.u. hanggang 5:00 n.h, ay tatagal mula Hunyo hanggang Agosto, subalit magkakaroon pa rin ng mga klase hanggang Disyembre.
Upang makapagpatala, magpadala ng isang Word Document file na naglalaman ng mga sumusunod: isang pahinang bio-data, ID picture, numero ng telepono, at limang tula sa Filipino sa palihan@liraonline.org. Maaari rin mag-iwan ng isang sobreng naglalaman ng mga kailangan sa pigeon hole ni Prof. Vim Nadera sa UP Institute of Creative Writing, 2/F Faculty Center, College of Arts and Letters, UP Diliman. Ang huling araw ng pagpapatalâ ay ang ika-30 ng Abril, 2009.
Ngayong 2009 ay 24 taong gulang na ang LIRA, isang samahan ng mga makatang nagsusulat sa wikang Filipino. Ang LIRA ay itinatag ni Virgilio S. Almario (mas kilala bilang Rio Alma), Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan, noong 1985, at kinabibilangan ng mga premyadong makata tulad nina Roberto at Rebecca Añonuevo, Romulo Baquiran Jr., Michael Coroza, Jerry Gracio, Vim Nadera, at Edgar Samar.
Para sa dagdag na kaalaman tungkol sa LIRA, magtungo lamang sa www.liraonline.org.
* * *
Call for Submissions: LIRA Poetry Clinic 2009
On March 5, the nine new members of Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA) will be formally sworn in. Mariane Abuan, Teofilo Catanyag, Perfecto Edilo, Noel Fortun, Deborah Nieto, Willester Robles, Renato Santillan, Natalie Sepe, and Ryan Tanauan are products of the yearly poetry clinic being held by LIRA in pursuit of its mission of championing Filipino poetry.
The newly elected officers of LIRA will also take their oaths alongside the new members. They are Phillip Kimpo Jr. (President), Francisco Monteseña (Vice President), Vivian Limpin (Secretary), Enrique Villasis (Treasurer), and Ynna Abuan (Public Relations Officer).
LIRA is now accepting sign-ups for its next poetry clinic. All those interested must submit one Word Document file containing the following: one-page bio data, ID picture, contact numbers, and five (5) poems in Filipino, to palihan@liraonline.org. An envelope containing the requirements may also be dropped off c/o Prof. Vim Nadera at the UP Institute of Creative Writing, 2/F Faculty Center, UP Diliman, 1101 Quezon City. All submissions should be in on or before April 30, 2009.
The regular clinic period is from June to August and will be held every Saturday and Sunday from 9:00 AM until 5:00 PM. Classes will continue until December.
Celebrating its 24th anniversary this 2009, LIRA is an organization of poets in Filipino. It was founded by National Artist for Literature Virgilio S. Almario (a.k.a. Rio Alma) in 1985 and counts among its members award-winning poets such as Roberto and Rebecca Añonuevo, Romulo Baquiran Jr., Michael Coroza, Jerry Gracio, Vim Nadera, and Edgar Samar.
For more information about LIRA, visit www.liraonline.org.
Gaya ng sinasabi ko sa mga kakilala, marami kang matututuhan mula sa LIRA workshop kahit English writer ka, o kaya nama'y fictionist, essayist, playwright, o anuman. Kahit nga ang non-writer (i.e. teacher) ay maraming mapupulot na kaalaman.
Excited na rin ako sa Workshop 2009, dahil (1) ito ang unang workshop ko bilang Pangulo ng LIRA, at (2) gusto kong makita kung mahihigitan o mapapantayan ba ng mga bagong salang ang nagdaang Batch Aranya, na pwedeng tawaging 'exceptional' sa kasaysayan ng LIRA.
Magpasa na sa LIRA Workshop!
isang mahigpit na pakikipag-kamay sa inyo!
ReplyDeletepagpapatuloy ko na to, phillip. :P
ReplyDeletego phillip go!
ReplyDeletemaraming salamat dexter! :)
ReplyDeleteyehey! na-miss ka nga namin angel e. kaya dapat lang na ituloy mo! :P
ReplyDeletehehe salamats chuck! sana makadalo uli kayo ni yas! :)
ReplyDeleteako rin na miss ko na kayo. lalo na ang aking kambal na si ynna. :(
ReplyDeletemag-sarah's nga tayo ulit! :D
wahaha natuwa naman ako dun sa kambal. sige text ka namin, mag-sarahs tayo minsan! :) mga anong araw ka ba available? wikends o wikdeys?
ReplyDeleteChong, may part-time job na ko (at hindi pa ko ggraduate, may klase pa ko sa hunyo). Hmmmm.
ReplyDeletesyet :( sa hunyo lang klase mo o buong 1st sem? kasi hulyo naman ata yung na-miss mo sa batch natin...
ReplyDeletebuong 1st term pati 2nd term.. =(
ReplyDeleteinakupo :((
ReplyDeletephil,wish ko lng mkpg-lira dn. Sayang and2 pa ko sa mlayo.
ReplyDeletejack, ituloy mo ang pagbalik mo sa pinas sa 2010 ha, para maabutan mo kami ni ynna sa pamunuan! hanggang february 2011 ang term namin :)
ReplyDeletesa 2010 din namin itutuloy ang Sining ng Tugma at Sukat ('yung proyekto kung saan pumunta kami sa iba't ibang lugar tulad ng Dagupan, Quezon, Subic, atbp.). pwedeng sumama ang mga LIRA Fellow sa paglilibot na 'yun, kaya dapat talaga nandito ka na nun!
gusto ko mag LIRA pero wala, banban ako magsulat. Huhu Phillip pasaliiii! I-woworkshop ba ang ipapasa ko? Hahaha wag na please? :(
ReplyDeleteyung unang 5 tula mong ipapasa, hindi naman iwoworkshop yun. yung mga tulang iwoworkshop sa lira ay produkto ng mga matututuhan ninyo sa mga lecture. baby steps lang. ine-encourage namin ang mga beginner sa pagsulat sa filipino (mga halimbawa: nieto, debbie at abuan, ynna hahaha) :P issa i-PM mo lang ako kung may pag-aatubili ka pa, may mga maibabahagi pa ako sa iyo.
ReplyDelete