Tuesday, March 31, 2009

My Oathtaking as LIRA President + Rio Alma Revelry




Marso 5, 2009: Nanumpa ang mga bagong Officer at Member ng LIRA, kasabay ng pagpupugay kay National Artist for Literature Virgilio S. Almario (Rio Alma) na nagretiro na bilang Dekano ng UP KAL.

Nagsilbi ring advance birthday celebration ang gabing iyon para kay ser Rio (65th birthday niya noong Marso 9).

Ang nanumpang Pamunuan ng Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (na inihalal noong Pebrero 1)
  • Pangulo (President) - Phillip Kimpo Jr.

  • Pangalawang Pangulo (Vice-President) - Francisco "Kiko" Monteseña

  • Kalihim (Secretary) - Vivian "Beng" Limpin

  • Ingat-Yaman (Treasurer) - Enrique "En" Villasis

  • Tagapag-ugnay (Public Relations Officer) - Mariane Amor Romina "Ynna" Abuan
Ang mga nanumpang Kasapi ng LIRA:
  • Mariane Abuan

  • Teofilo Catanyag

  • Perfecto Edilo

  • Noel Fortun

  • Deborah Nieto

  • Willester Robles (in absentia dahil on duty sa Philippine Navy sa Zambales)

  • Renato Santillan

  • Natalie Sepe

  • Ryan Tanauan
Full force ang LIRA noong gabing iyon, hindi dahil may oathtaking kundi para kay ser Rio. Siya ang tagapagtatag, tagapayo, at kinikilala naming Ama ng organisasyon.

Pagkatapos ng programme, pumunta kami sa Sarah's upang -- ano pa nga ba -- uminom. Madaling araw na kami natapos; kaming apat nina Ynna, Debbie, at Jere ang huling umalis ng Sarah's.

(Maraming salamat pala kay Carla na siyang kumuha ng pics ng aming panunumpa.)

Monday, March 23, 2009

Ynna's 1st Art Exhibit: SARMÍNG (March 27)

Punta kayo sa opening ng exhibit nina Ynna Abuan at Vivian Limpin sa Biyernes, Marso 27, 7:00 PM, TaUmbayan Restaurant sa kanto ng T. Gener at K-1 (malapit sa Kamuning). Magpista sa mga pintura, poetry reading, pagkain, at toma.

Excited na talaga ako at masayang-masaya para kay Ynna. Nitong nakaraang buwan, nakumbinsi ko siyang magpinta muli, at di ako makapaniwalang eto na nga, magkakaroon na siya ng una niyang eksibit. I am so proud.

Sa mga di nakakaalam, si Ynna at miss Beng ay kasama kong mga makata sa bagong Pamunuan ng LIRA, at wala akong masabi sa kanilang pagiging multi-talented artists.

Heto ang press release na kakatapos ko lang gawin. Pwede ring i-download ang PDF version (na mas maayos ang layout).

* * * * *

SARMÍNG: A Twoman Exhibit
The Art of Ynna Abuan & Vivian Limpin

Opening on 27 March 2009, 7:00 PM, TaUmbayan Restaurant
40 T. Gener cor. K-1 Streets (near Kamuning Road), Quezon City
Exhibit lasts until 30 April 2009

Sarmíng is the Ilocano word for salamin, or “mirror.” But it could also very well be a portmanteau for “sarisaring tingin” (albeit with an absent “m”).
 
Various views, varied visions. These two women without formal training and any pretensions in the visual arts paint their stories in contrasting styles. Ynna Abuan’s canvas (or scrap plywood from time to time) is often a playground of playful colors that find restraint in the fantastic figures of women and intricate patterns.  On the other hand, gazing into Vivian Limpin’s serene hues is like looking into the horizon – one gets the feeling of witnessing infinity, only that the physical medium hides the rest from your eyes.
 
Sarmíng is the first time that Abuan’s works are going to be displayed – not that she dreamt or expected it to happen in her lifetime. This exhibit is the latest of Limpin’s many group and solo shows.

The works at Sarmíng might be art for some and fart for others. Outsider art, untrained craft, mere daubs and splashes, or whatever you call it – drop by anyway. Paintings will be the main course and poetry readings the hors d'oeuvre. And while you’re there, sample the menu and have a round of drinks at this new art resto this side of the metro.

THE ARTISTS

Mariane Amor Romina T. Abuan, fondly called Ynna by friends and family, has been painting since 2003 but kept her works a secret except to those close to her. Her main passion is writing verse; she was a Fellow in the 9th UST National Writers Workshop for English Poetry and the 2008 LIRA Filipino Poetry Workshop. She is the newly elected Public Relations Officer of the Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA) and a founding member of the Dapitdilim Fellowship of Writers. A graduate of BA Philosophy from the University of Santo Tomas, Ynna is finishing her MA in Creative Writing; she has an outstanding bet that she will finish her thesis this year.

Vivian N. Limpin (nicknamed Beng) is an artist that goes by many labels: writer, poet, photographer, painter, filmmaker...and we’re not actually sure that it ends there. She is a graduate of BA Malikhaing Pagsulat sa Filipino from the University of the Philippines. As a wordsmith, Beng has won a Palanca Award and has earned Fellowships to the 22nd UP National Writers Workshop, 19th Cornelio Faigao Writers Workshop, and 2002 LIRA Poetry Workshop. Her films, photos, and paintings have been shown locally and internationally, as well as having snagged their share of awards. Currently, she is the Secretary of the Linangan sa Retorika, Imahen, at Anyo (LIRA) and is a member of the Board of Directors of Tudla Productions, a progressive student video documentary organization.

HOW TO GET THERE

We don’t have a map of TaUmbayan and its environs, so here are the (only) routes we know of: from Tomas Morato take Kamuning, then turn right at Judge Jimenez (stoplight), then turn right at the little street of K-1; walk past a block of houses and mabuhay – TaUmbayan is at the corner of K-1 and T. Gener.

We know, that’s a bit convoluted, so alternatively: from Kamuning turn right at T. Gener; first corner on your left is TaUmbayan.

For more info, you can reach us through our “pinakiusapang alila,” Phillip Kimpo Jr. at 09239692573 (text only please!), pykimpo[at]gmail[dot]com, and www.phillip.kimpo.ph.


[Download the PDF version and MS Word version of this press release.]

* * * * *

Huwag kayong mawawala ha. Sa mga kaibigan namin ni Ynna, kung di ninyo kabisado ang daan papunta sa TaUmbayan, magkita-kita tayo ng 5:30 PM sharp sa Philcoa Jollibee. Sabay-sabay na tayo pumunta.

Kitakits!

Two Busy Weeks of Art & Lit, in Photos

Dalawang linggo, anim na pangyayari sa panitikan, sining, at pagkakaibigan. Hectic kung hectic!

Heto ang ilang pics. (Kelan ko kaya maa-upload ang buong albums ng mga 'to? Argh.)

I. Rio Alma's Birthday Inuman (March 11) at Sarah's, UP Diliman; "belated birthday inuman" ang mas tamang pamagat

Marne Kilates (umiidlip), ako (nakatayo), Vim Nadera, Michael Coroza, Teo Antonio, Bobby Añonuevo, Rio Alma / Virgilio S. Almario (naka-blue), Butch Guerrero.

Sir Rio at Ynna, nagkakatuwaan bago umuwi.

II. Dapitdilim Fellowship of Writers Monthly Workshop (March 12) at UP Diliman

Likod ni Sirena Ynna.

AC Nadora, Melvin Medes, Debbie Nieto, at Ynna Abuan, nagbabasa ng mga akda. Ang mga wala: Rhom (may turo), Rey (Pangasinan), at Jack (Saudi).

Ako, Melvs, AC, at Debs, nag-aantay ng jeep pa-Philcoa.

III. "Photoshoot" of Ynna's Paintings (March 20) in preparation for her upcoming first exhibit on Thursday (ilalabas namin ang formal press release mamaya)

Two mermaids with universes within their strands of hair.

Ynna, inaayos ang dalawa sa kanyang mga likha sa Sta. Mesa Gardenville.

IV. LIRA Members' Monthly Poetry Workshop (March 21) at UP CAL New Building

Kaunti lang ang nakadalong Kasapi, di tulad noong Pebrero. Sila'y sina Pilo Catanyag, Fer Edilo (wala sa pic), Ynna Abuan, Pau Hernando (nakatayo), Debbie Nieto, at ako. Sina sir Rio at sir Bobby ang panelists.

Ako, binabasa ang tula kong Sa Sentenyal ng Pamantasan.

V. Book Hunting w/ Rio Alma (March 21) at Araneta Center, Cubao

Sir Rio, tinitingnan ang kanyang mga translation ng Noli at Fili sa National Bookstore Cubao.

Kami ni Ynna sa Alan's Grill, Cubao Expo.

Carla & Debbie sa Mogwai, Cubao Expo.

VI. Rio Alma's Honoris Causa Conferment (March 22) at University of Regina Carmeli, Malolos, Bulacan

Sa URC boardroom, bago ang seremonya. Nasa dulo ng mesa si sir Rio, katabi sina Sr. Niceta Vargas (URC President) at Atty. Antonio Abad Jr. (Board of Trustees Chairman at kapatid ng tanyag na manunulat na si Gemino Abad). Nariyan din sina ma'am Lin (asawa ni sir Rio), Agno (anak), at si Ynna.

Virgilio S. Almario, new Doctor of Literature.

Moving Ynna & inert cadets.

Sunday, March 15, 2009

My Articles in Bookwatch Magazine

Lumabas ang dalawang maigsing news-feature articles ko sa Bookwatch ng National Book Development Board (NBDB), October-December 2008 issue. Co-written with Ynna Abuan ang main article tungkol sa 34th UMPIL National Convention.

Click to view the full versions:

Articles with our author profiles (sa pinakababa). Mga LIRA members at 2008 Fellows ang nasa retrato, kasama si sir Rio Alma.

Kami ni Ynna sa Bookwatch staff box (as "Contributing Writers").

Maraming salamat kay ma'am Dianne Mendoza ng NBDB sa pagsama sa aming artikulo. (Salamat din kay sir Vim Nadera na nakiusap sa aming sumulat ng balita haha. Ice cream ko ser!)

Saturday, March 14, 2009

UP Lantern Parade '08 Pt. 2: Front Row, Fireworks




Pagkatapos ng pag-ikot ng mga parol sa Academic Oval (at saglit naming pagsama sa CAL contingent), nakatsamba kaming makapuwesto sa harap ng mismong performance area sa UP Oblation plaza.

Dumiskarte ako para makapuwesto doon. Kami nina Ynna at Debbie ang ilan sa pinakaunang nakaupo sa harap; dumagdag na lang nang humaba ang parada.

(Sikreto na lang kung paano ako nakapuwesto. Basta malaki ang nagagawa ng may camerang maganda; di ko naman kailangan sabihing manunulat ako at hindi talaga photographer! Hehe.)

Di malaon, panahon na para sa pinakaaabangang fireworks display. As usual, astig ang mga paputok na dinonate ng Beta Ep. Namangha ang dalawang kasama kong taga-Uste, sina Ynna at Debbie.

Pagkatapos ng fireworks, pumunta kami sa CAL Dean's Office, kung saan inaantay kami ni sir Rio Alma dahil may mga regalong nag-aabang para sa amin.

Pag-uwi ni ser Rio, nakipagkita naman kaming tatlo sa mga pamangkin ni Ynna. Gamit ang van ni Ramil, tumulak kami tungong Mister Kebab sa West Avenue.

Dahil masyadong marami ang pics ko mula sa araw na 'to, minabuti ko nang hatiin sa dalawang album:
Kasama na pala rito ang ilang piling retrato mula sa camera ni Ynna.

Friday, March 13, 2009

UP Lantern Parade '08 Pt. 1: 100 Years of UP




Disyembre 17, 2008: UP Centennial Christmas Lantern Parade.

Isa 'to sa mga pinakaaabangan kong araw ng taon (hindi lang dahil UP alumnus ako). Hitik lang kasi sa excitement ang buong Diliman. Madarama mo talaga sa ere ang kuryente.

Kaming tatlo lang ni Ynna at Debbie ang magkakasamang nanood ng parada. Unang beses yata 'yun ng dalawa (UST alumnae sila).

Dahil lagi kaming napapatambay sa CAL (LIRA workshop sa CNB, meetings sa Dean's Office ni sir Rio Alma, kung ano-anong pakay sa UP ICW office), saglit kaming nakisama sa CAL contingent. (Sa ilang taon ko nang pagpunta sa Lantern Parade ay noon pa lang ako nakasama sa isang grupo -- sa Eng'g nga ay hanggang nood lang ako!)

Nakatsamba naman kaming makaupo sa harap ng mismong performance area sa UP Oblation plaza. (Dumiskarte ako para makapuwesto doon.) Nasa susunod na album ang mga kuha ko doon.

Dahil masyadong marami ang pics ko mula sa araw na 'to, minabuti ko nang hatiin sa dalawang album:
Kasama na pala rito ang ilang piling retrato mula sa camera ni Ynna.

Book Piracy Seminar @ UP Diliman




Disyembre 8-9, 2008: Isang mahalagang seminar para sa mga book publisher, author, at guro ang ginanap sa Faculty Center ng UP Diliman. Pagkatapos 'to ng UP Writers Day at bago ang LIRA Fellows Night.

Pagkatapos ng 2nd day ng seminar, pumunta ako sa UP Press at humakot ng mga aklat sa kanilang Xmas Sale.

Kami ni Ynna ang nagsilbing 'unofficial official photographers' ng event, sa pakiusap ng aming kaibigan at ka-LIRAng si En Villasis. May ilan pang LIRA Members & Fellows ang dumalo sa dalawang araw.

Sinama ko na dito ang ilang retrato mula sa cam ni Ynna.

Tuesday, March 10, 2009

Bagong LIRA Officers sa Manila Bulletin

Binanggit kami ni sir Vim Nadera sa kanyang column sa Manila Bulletin noong Lunes, Marso 9:

Tungkol kay Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan Virgilio S. Almario ang article (kaarawan ni ser noong araw na iyon); binanggit kami dahil isinabay ang LIRA oathtaking sa send-off party ni ser Rio.

Ikaapat na beses ko nang umekstra sa pitak ni ser Vim. Ang una'y pagkatapos ng poetry-seminar at diving namin sa Subic, ikalawa'y tungkol sa Likhaan journal, at ikatlo'y noong kasagsagan ng isyu sa Alabang Boys (kung saan binanggit ako bilang UMPIL webmaster at tinawag na "infamous," dahil nga magkapareho kami ng ngalan ng tatay ko -- loko talaga si ser haha).

Heto ang online version ng article.

Sunday, March 8, 2009

Marso 5: Araw ni Rio Alma at ng LIRA

Oathtaking naming mga bagong officer at member ng LIRA noong Huwebes. Napakaganda ng timing, dahil ipinagdiwang din ang nalalapit na kaarawan at pagreretiro ni Virgilio S. Almario, National Artist for Literature. (Si sir Rio ang kinikilala naming Ama sa LIRA; siya ang nagtatag at patuloy na nagpapayo sa organisasyon.)

Isiningit lang ang aming oathtaking sa special 'surprise' programme para kay ser. Nagsimula ang araw sa Ambagan Conference na sinundan ng book launching ng Filipino ng mga Filipino ni sir Rio.

Pagkatapos ay pormal na binuksan ang isang Rio Alma memorabilia exhibit sa Bulwagang Rizal, at tumuloy na ito sa nasabing special programme. Hitik sa mga pagtatanghal at mensahe para sa Pambansang Alagad ng Sining ang send-off celebration.

Heto muna ang ilang sampol piks habang nakapila pa (as usual) ang album nitong okasyon:

Ynna, Carla, at Debbie kasama si Rio Alma.

Kaming apat sa Rio Alma exhibit.

LIRA table sa Hardin ng mga Diwata.

Kasama si Pau at Colleen. (Maraming salamat sa pagdalaw, Pau-pau!)

Sir Rio, nagpapasalamat.

Panunumpa ng mga bagong Kasapi ng LIRA. From L to R: Rio Alma, Noel Fortun, Fer Edilo, Ynna Abuan, Rey Santillan, Pilo Catanyag, Rye Tanauan, Lee Sepe, Debbie Nieto (hindi nakadalo si Wilet Robles, na kasama ang Philippine Navy sa Zambales).

Double celebration para kay Ka Pilo (na look-alike ni Barack Obama) -- pormal na naging LIRA member sa kanyang kaarawan!

Panunumpa ng bagong Pamunuan ng LIRA. From L to R: Ynna Abuan (P.R.O.), En Villasis (Treasurer), Beng Limpin (Secretary), Kiko Monteseña (Vice President), ako, Rio Alma.

The man of the hour. At isang tumatawang Ynna.

The couple of the hour. Jere with the killer gaze, Debbie with the celebrity smile.

Ang nakasanayan ritwal na inuman ng mga taga-LIRA.

Ikalimang Isyu ng Bulawan Online / Bulawan Online 5th Issue

Magandang araw!

Lumabas na po ang ikalimang isyu ng Bulawan Online, tampok ang mga tula, sanaysay, pagsusuri, at panayam nina Roberto T. Añonuevo, Romulo P. Baquiran Jr., V.E. Carmelo D. Nadera Jr., at Virgilio S. Almario.

Magpunta lamang po sa www.bulawanonline.com.

Patuloy naming hinihikayat ang mga batikan at nagsisimulang makata at manunulat na magpasa ng kanilang mga akda sa lathalaan. Nais naming magtampok ng mas maraming akda sa dalawang susunod na isyu ng BUL-OL bilang pagdiriwang sa nalalapit na unang anibersaryo ng magasin sa Hunyo.  

Mula sa mga editor:

ISYU BLG. 5. Ipinagmamalaking ilathala ng Bulawan Online sa isyung ito ang katangi-tanging mga akdang pampanitikan sa mga buwan ng Pebrero-Marso 2009.

Tampok din sa isyung ito ang retrato ni Phillip Kimpo Jr., ang The Spring of Spring / Unang Sibol (Manaoag, Pangasinan).

Mga sipi mula sa mga akda:

Pag-Ibig, tulang tuluyan ni Roberto T. Añonuevo:

“Tagak sa gitna ng putikan ang maglalaro sa iyong guniguni. Lilipad ang ibon at darapo sa iyong balikat. Mapuputikan ang iyong balikat, at ang iyong balikat ay waring likod ng matandang kalabaw na nalulungkot dahil nawawala ang kaibigang kalakian.”

Lipat Ospital, sanaysay ni Romulo P. Baquiran Jr.:

“Sa matino ba ako inilipat? Bakit puro may tattoo ang mga katabi kong pasyente? Hmm. Napasok ako sa ward ng mga kasangkot sa gang. Susme, mga literary gang lang ang alam ko. Sabi agad ni Manong sa katabing kama na itago ang maganda kong cellphone at baka agawin. Sa loob ng ospital? Okey, inilagay ko sa bulsa ang phone.”

Ang Kalaparan ng Kapalaran Ayon Kay Khavn de la Cruz, pagsusuri ni V.E. Carmelo D. Nadera Jr.:

“May kalaparan ang kapalaran ni Khavn. At nanganganib nga lamang siya na maging kalat ang kanyang pagkalat, kung hindi man sabog ang kanyang pagsabog, sa kanyang mga kapangyarihan bilang artista o artiste!”

Pormula ng Romansa sa Dulang Pantelebisyon, pagsusuri ni Roberto T. Añonuevo:

“Walang pinagbago ang pormula ng romansa sa dulang pantelebisyon, lalo sa dalawang pangunahing network. Inuulit-ulit lamang sa panibagong disenyo, usapan, at artista ang lahat ng kumbensiyonal na kuwento, ngunit ang esensiya ng salaysay ay nananatiling panahon pa ng kopong-kopong.”

Katahimikan, Pagnanasa at Etika ng Babae sa ”Ang Mundong Ito ay Lupa”, pagsusuri ni Romulo P. Baquiran Jr.:

“Sa isa sa pinakahuling nobela ni Edgardo M. Reyes—Ang Mundong Ito ay Lupa—may mga puwang sa salaysay na puwedeng sinadyang ginawang gayon upang hayaan ang mambabasa na siyang maglagay ng interpretasyon. Magsisilang ito ng mga katanungan at pagpapakahulugan na puwedeng nasa mismong nobela ang kasagutan. Ngunit posible ring nasa mambabasa na ang desisyon (sa pagsulat ng akda, tapos na ang trabaho ng nobelista) kung alin ang mas angkop na pagbuo ng kahulugan.”

Saan Ba Nagmula ang Panitikan?, panayam ni Virgilio S. Almario:

“Sa katà nagmula ang makatà—ma+katà, ang ibig sabihin, “marami o mahusay sa katà.” Dito natin mauugat ang popular na haka sa makata bilang sinungaling (“manlulubid ng buhangin,” “manunungkit ng bituin”) kung hindi man mapangarapin (“lumilipad ang isip.” “laging nakatuntong sa ulap,” “lumilikha ng wala”). Sa isang bandá, isang sumpa ito sa mga mambebersong bolero at matamis ang dila at ginagamit lamang ang tula upang mang-aliw ng madla o mang-akit at manlinlang ng dalaga.”

Nilalaman din ng bagong isyu ang mga bahaging:

  • Mula sa Inyo — “Nabasa ko po…ang mga panukalang batas na magpapatibay sa Ingles bilang wikang panturo sa paaralan…Nakikipag-usap po ba ang mga [kapisanan ng mga manunulat] sa ating mga mambababatas upang mahimok silang tangkilikin o, kahit man lang, kilalanin ang potensyal ng Filipino bilang wikang pangkomersyal at akademiko?”
  • Rio Almanac — Alamin kung sino sa mga pinagpipitaganang manunulat at makata ng Filipinas ang isinilang sa Pebrero at Marso.
  • Buklatan –  Mga bagong aklat na pampanitikan o sa panitikan.