
Oathtaking naming mga bagong officer at member ng LIRA noong Huwebes. Napakaganda ng timing, dahil ipinagdiwang din ang nalalapit na kaarawan at pagreretiro ni Virgilio S. Almario, National Artist for Literature. (Si sir Rio ang kinikilala naming Ama sa LIRA; siya ang nagtatag at patuloy na nagpapayo sa organisasyon.)
Isiningit lang ang aming oathtaking sa special 'surprise' programme para kay ser. Nagsimula ang araw sa Ambagan Conference na sinundan ng book launching ng
Filipino ng mga Filipino ni sir Rio.
Pagkatapos ay pormal na binuksan ang isang Rio Alma memorabilia exhibit sa Bulwagang Rizal, at tumuloy na ito sa nasabing special programme. Hitik sa mga pagtatanghal at mensahe para sa Pambansang Alagad ng Sining ang send-off celebration.
Heto muna ang ilang sampol piks habang nakapila pa (as usual) ang album nitong okasyon:
Ynna, Carla, at Debbie kasama si Rio Alma.
Kaming apat sa Rio Alma exhibit.
LIRA table sa Hardin ng mga Diwata.
Kasama si Pau at Colleen. (Maraming salamat sa pagdalaw, Pau-pau!)
Sir Rio, nagpapasalamat.
Panunumpa ng mga bagong Kasapi ng LIRA. From L to R: Rio Alma, Noel Fortun, Fer Edilo, Ynna Abuan, Rey Santillan, Pilo Catanyag, Rye Tanauan, Lee Sepe, Debbie Nieto (hindi nakadalo si Wilet Robles, na kasama ang Philippine Navy sa Zambales).
Double celebration para kay Ka Pilo (na look-alike ni Barack Obama) -- pormal na naging LIRA member sa kanyang kaarawan!
Panunumpa ng bagong Pamunuan ng LIRA. From L to R: Ynna Abuan (P.R.O.), En Villasis (Treasurer), Beng Limpin (Secretary), Kiko Monteseña (Vice President), ako, Rio Alma.
The man of the hour. At isang tumatawang Ynna.
The couple of the hour. Jere with the killer gaze, Debbie with the celebrity smile.
Ang nakasanayan ritwal na inuman ng mga taga-LIRA.
may teaser ka pa talagang nalalaman! hahahahaaha!
ReplyDeletecuz ano position mo?
ReplyDeletewalang choice, mga 1-3 months pa bago ko ma-upload ang album nito. hay!
ReplyDeletepresidente, manang :)
ReplyDeletenagoovertime ako sa trabaho nang mga oras na ito. =(
ReplyDeletehay :( matagal ka na naming hindi nakikita!
ReplyDeleteWow, ang saya naman! Magkano ang aklat na Filipino ng mga Filipino? Tungkol saan ito? At saan makakabili nito?
ReplyDeletesa kasamaang palad ay hindi ako nakabili ng aklat kaya di ko rin kabisado ang mga detalye, ngunit parang ~500 ata ang bookpaper version, at di hamak na mas mura ang newsprint :)
ReplyDeleteoo nga. namimiss ko na kayo. =(
ReplyDeleteanvil pala ang publisher ng libro :) di ko lang sigurado kung matatagpuan na sa national bukstor hehe.
ReplyDeleteseym hir! kasi naman, sana makadaan man lang kahit sa inuman. haha! :P
ReplyDeletewow! good job!
ReplyDeletetenks manang katz! :D
ReplyDeletemanong congrats! ^_^ nga pala, may ust friend yung friend ko dito na idol daw tlga si prof almario.. asa CAL pa rin ba siya? baka pedeng pa-autograph or something, graduation surprise gift daw sana. hehe
ReplyDeletesalamats jenjen! naku, dapat mapuntahan niyo siya ngayong buwan, bago siya magretiro. at dapat ikaw o yung kaibigan mo ang magpapirma. kapag kaming mga nasa LIRA kasi ang nagpapirma, hindi pumapayag si sir (unless book launch), dapat "fan" talaga. hahahaha! :P o pwede ko kayong samahan minsan.
ReplyDeletetama, ganyan nga gawin mo phillip sa mga pix. para nauupdate ko agad mga fans ko. wala, tamadeus ako magupdate tungkol sa sarili kong buhay so minsan pinepaste ko na lang sa facebook ung link dito sa blog mo ;)
ReplyDeletewahahaha talaga? naku pinapasikat mo pala ang munti kong blag sa iyong mga fans!! salamats karylle!
ReplyDelete:P