April 26, 2009: Pagdating namin sa Bacolod City, Negros Occidental para sa 9th IYAS Creative Writing Workshop. Simula 'to ng aking 3 weeks na workshop galore sa Negros.
Sabay ang flight namin ni Debbie Nieto (ka-Dapitdilim, ka-LIRA, ka-UST Workshop) sa Cebu Pacific. Unang beses kong mag-fly over sa probinsiya kong Aklan nang hindi lumalapag dito. Senti moment nga nung binati kami ng Boracay sa hilagang dulo ng Panay. 10 AM kami dumating sa New Bacolod-Silay International Airport.
Unang beses ko rin sa isla ng Negros. First impressions: impressive airport, hospitable people. Nang nilapitan kami ni Debs ng mga pulis at inalok ng taxi, suspicious pa ako (nasanay sa mga pulis sa Maynila), pero ako pala ang mali. Ginagabayan lang pala talaga kami nina tsip sa tamang sasakyan (NYALA van/taxi).
Hinatid kami ng taxi sa Balay Kalinungan sa University of St. La Salle, around 15 minutes away from the airport. Nakilala namin ni Debs ang mga unang workshop friends namin -- sina Joselito delos Reyes (isa sa mga seniors ng LIRA) at Vijae Alquisola (CEGP President).
Pagkatapos mag-unpack, nananghalian kaming apat sa Robinsons sa Mandalagan. Hinatid kami ng van ng USLS. Lumibot-libot kami sa mall at namili ng ilang aklat sa Booksale. (Talagang 'yun ang unang hinanap 'no?)
Kinagabihan, pumunta ang mga Fellows sa Chicken House para sa welcome dinner. Ang hapunan: tsiken inasal, ano pa ba? Naging romantic ang dinner nang saglit nawalan ng kuryente. (Ito yung linggo na puro brownout sa Visayas.)
Pagkatapos ng hapunan, nagkuwentuhan muna ang mga Fellows sa hotel/retreat house namin. Ginawang katuwaan ang sawimpalad na si "Tala," ang mauunang iwoworkshop kinabukasan. Naki-ride na lang ako dahil ako ang makatang 'yun hehehe.
Ang kumpletong albums ng 9th IYAS Creative Writing Workshop:
- Part 1 -- Bacolod Arrival
- Part 2 -- A Rousing Start
- Part 3 -- Lovin' Bacolod
- Part 4 -- Bacolod After Dark
- Part 5 -- The Hacienda Ruins
- Part 6 -- Silay-Talisay Historical Tour
- Part 7 -- Our Graduation
- Part 8 -- Leaving Bacolod
haha. at di pa rin nagbabago ang kurtina at bed sheet sa kalinungan.
ReplyDeleteBumalik ka pa ba ng Maynila after Iyas?
ReplyDeletegraveh!!! kakainggit nman...
ReplyDeletehello mar!
ReplyDeletewaah putol yung head ko. hahahaha
ReplyDeletei remember this night. we were making wild guesses kung sino si Tala. hahahaha. ikaw pala yun. loco haha
ReplyDeletewow, sana matanggap ako pag nag-apply ako sa Iyas next time.... pangarap?????
ReplyDeletei miss these pipz.
ReplyDeleteKaka-miss. Hay, reunion!
ReplyDeletekakatuwa...agree ako kay gen,,,pinagkaisahan si Tala...at mabait pa tayong lahat sa pers nayt...ewan ko lang sa mga susunod na litrato...
ReplyDeletei remembered miss minchin, at yung pag-highlight na bawal uminom at mag-smoke, hehe.
ReplyDeletehaha ganun? kaya pala may ibang amoy!
ReplyDeleteoo. jetsetter ako e! wahahahaha. sayang sa pera 'no? dami kasing inasikaso na hindi pwedeng ihabilin sa ibang tao :P
ReplyDeletemagkakapanahon ka rin para sa mga ganito jack!
ReplyDeletewahahaha! bakit mo kasi tinago! :P
ReplyDeleteang hirap kayang maki-ride lang! si jowie kasi ayaw tantanan si Tala, alam kasi niyang ako yon, nananadya. hahahaha!
ReplyDeletesubok lang nang subok rhom, kakayanin yan!! mag-apply ka rin sa iba pang worksyap.
ReplyDeletesame here, cindy :)
ReplyDeletenext year? tara ipon na. bitin ang 1 week sa bacolod e haha. (kaso mag-iipon din para sa dumaguete...hmmm.)
ReplyDeletenaku JM maghanda ka na sa mga lasingan shots natin! :P
ReplyDeleteonga e, 2 beses pang hinaylayt, naninigurado! may pic ata ako nun sa latter albums :)
ReplyDeleteOh, busy? Hehe. Sige, ipagpatuloy mo lang yan.
ReplyDeleteOK lang, next year sa IYAS, the year after, Dumaguete, para 10th year at 50th year respectively.
ReplyDeletetama! naku doble gastos ako nito. every year ako umuuwi sa aklan para sa ati-atihan at bora e. syet.
ReplyDeletewhahaha! naks, i can't wait to see. uy, salamat sa pag-upload sa mga picture (kahit marami). ingats phillip! :)
ReplyDeleteano ka ba cindy, okey lang, etong multiply ang pahinga ko mula sa trabaho & org stuff hehe. ingats din! :)
ReplyDelete