Sunday, May 24, 2009

9th IYAS Writing Workshop 7: Our Graduation




Kasama dito ang pics ng emergency room adventure namin pagkatapos maaksidente ang isang co-Fellow.

May 1, 2009: Pagkatapos ng cultural & historical tour sa Silay at Talisay cities, pumunta kami sa mansiyon ni Dr. Elsie Coscolluela sa Santa Clara Subdivision, ang "Forbes Park" ng Bacolod, para sa Fellowship Dinner at graduation rites ng 9th IYAS Creative Writing Workshop.

Todo-todo ang inihaing pagkain at panulak. Nang mabusog, sinimulan ang programa. Ako ang unang nagbasa ng tula (ang aking tula sa Filipino, Nimbus at ang salin ko sa Ingles ng tula ni Jerry Gracio, Reading).

Pagkatapos ng paggawad ng mga sertipiko at bago ang group pics, nagkaroon muna ng isang kuwelang laro si Leoncio Deriada para sa amin. Hahaba kung ipapaliwanag; basta tungkol sa mga sineng Pinoy, pagpapalit ng mga salita, at paminsan-minsang kabastusan.

Pauwi, dumaan kami sa Caltex para bumili ng beer, yosi, chichiria, at iba pa. Pagdating sa Balay Kalinungan, naghanda na kaagad akong matulog dahil maaga ang flight ko kinabukasan.

Pero di pa nagtapos ang gabi do'n. Kulang pa sa drama e.

Bago ako matulog at habang nagdiriwang ang ibang ka-Fellow ko (read: tumotoma), nagkaroon ng munting aksidente si Petra Magno.

Nabangga siya sa pader at pumutok ang noo. Medyo malakas ang agos ng dugo (di ko na sinama dito ang mga pics nun). Sinugod namin si Petra sa Riverside Medical Center/Dr. Pablo O. Torre Memorial Hospital sakay ang ambulansiya ng Univ. of St. La Salle. (Unang beses kong makasakay.) Kami nina Debbie, Anton, ma'am Marj Evasco, at sir John Teodoro ang sumama; humabol naman si ma'am Gloria Fuentes.

As it turned out, di naman malala ang sugat, pero naka-6 o 7 stiches pa rin. Nasa dulo ang pics sa emergency room (mula sa cellphone cam ko at sa camera ni Petra na naiwan sa amin). Halos 3 AM na nang makabalik kami sa hotel.

Ang kumpletong albums ng 9th IYAS Creative Writing Workshop:

17 comments:

  1. si debz, pang-cannes best actress.

    ReplyDelete
  2. si karylle at hiraya manawari boy

    ReplyDelete
  3. onga pala wala kayong litson dyan sa saudi :(

    ReplyDelete
  4. di ko rin alam e. bawal atang pumasok sa room na yun kaya sandali lang ako :P

    ReplyDelete
  5. haha, and just a few minutes away from the accident :P all smiles pa ang mga tao.

    ReplyDelete
  6. naman...debz pa, walang kapantay sa pagka-kalog talaga

    ReplyDelete
  7. yeahhhh...
    mouth-watering sya...jejejejejejejejejeje!!!

    ReplyDelete
  8. ayan kita niyo na ang dahilan kung bakit nangyari kay petra yun! hehehe.

    ReplyDelete