Thursday, May 21, 2009

LIRA Poetry Workshop Deadline Extended + Free Literary Lecture by Rio Alma


Sa mga di pa nakakapagpasa ngunit gusto pang humabol, inextend po namin ang sign-ups para sa LIRA Filipino Poetry Clinic hanggang May 30:

Paanyaya para sa 2009 Klinikang Pampanulaan ng LIRA

Bukas ang Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA) hanggang ika-30 ng Mayo para sa mga nais magpatalâ upang lumahok sa klinika. Upang makapagpatala, magpadala ng isang Rich Text Format (RTF) file na naglalaman ng mga sumusunod: isang pahinang bio-data, ID picture, numero ng telepono, at limang tula sa Filipino sa palihan@liraonline.org. Maaari ring mag-iwan ng isang sobreng naglalaman ng mga kailangan sa pigeon hole ni Prof. Vim Nadera sa UP Institute of Creative Writing, 2/F Faculty Center, College of Arts and Letters, UP Diliman. Ang mga regular na klase, Sabado at Linggo mula 9:00 n.u. hanggang 5:00 n.h, ay tatagal mula Hunyo hanggang Agosto, subalit magkakaroon pa rin ng mga klase hanggang Disyembre. Para sa dagdag na kaalaman tungkol sa LIRA at sa Klinika, magtungo lamang sa www.liraonline.org.

Extended: LIRA Poetry Clinic 2009 Sign-up

Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA) will accept sign-ups for its next poetry clinic until May 30, 2009. All those interested must submit one Rich Text Format (RTF) file containing the following: one-page bio data, ID picture, contact numbers, and five (5) poems in Filipino, to palihan@liraonline.org. An envelope containing the requirements may also be dropped off c/o Prof. Vim Nadera at the UP Institute of Creative Writing, 2/F Faculty Center, UP Diliman, 1101 Quezon City. The regular clinic period is from June to August and will be held every Saturday and Sunday from 9:00 AM until 5:00 PM. Classes will continue until December. For more information about LIRA and the clinic, visit www.liraonline.org.

Gaya nang sinabi ko dati, marami kang matututuhan mula sa LIRA workshop kahit English writer ka, o kaya nama'y fictionist, essayist, playwright, o anuman. Kahit nga ang non-writer (i.e. teacher) ay maraming mapupulot na kaalaman, kaya magpasa na.

Kung di mo naman trips mag-apply bilang LIRA Fellow ngayong taon, dumalo ka na lang ng libreng lecture ni Rio Alma sa Hunyo 7 (change of sched):

Klinikang pampanulaan ng LIRA, bubuksan ng libreng panayam

Magsisimula sa Hunyo 7, 2009 (Linggo) ang taunang klinikang pampanulaan ng Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA).  Bubuksan ito ng isang panayam mula sa Pambansang Alagad ng Sining Para sa Panitikan Virgilio S. Almario, kilala bilang makatang Rio Alma. Ang panayam, "Reklamasyon sa Pambansang Gunita" ay magsisimula nang 1:00 ng hapon sa Room 201 ng College of Arts and Letters sa UP Diliman. Ang nasabing panayam ay libre at bukas sa publiko.

Para sa karagdagang detalye maaring makipag-ugnayan kay Ynna Abuan sa numerong 0917-9017090 o bisitahin ang kanilang website, http://www.liraonline.org.

Simula pa noong 1985 idinadaraos ng LIRA ang kanilang taunang klinika na nagsasagawa ng mga panayam at palihang tumatalakay sa iba't ibang aspekto ng tula. Kasama sa samahan ang ilan sa mga kilalang makata tulad nila Michael Coroza, Jerry Gracio, Roberto at Rebecca Añonuevo, Vim Nadera, Edgar Samar, Maningning Miclat, at Romulo Baquiran, Jr.

Free lecture opens LIRA poetry clinic

On June 7, 2009 (Sunday), the annual poetry clinic of Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA) will begin with a lecture by National Artist for Literature Virgilio S. Almario, also knows as poet Rio Alma.  The lecture entitled "Reklamasyon sa Pambansang Gunita" will be held at 1:00 PM in Room 201 of the College of Arts and Letters in UP Diliman. The lecture is free and open to the public.

For more details, contact Ynna Abuan through 0917-9017090, or visit their website at www.liraonline.org.

The LIRA poetry clinic has been held yearly since 1985, featuring lectures and workshops focusing on the different aspects of poetry.  The group has among its members noted and respected poets such as Michael Coroza, Jerry Gracio, Roberto and Rebecca Añonuevo, Vim Nadera, Edgar Samar, Maningning Miclat, and Romulo Baquiran, Jr.

Kita-kits sa Hunyo 7!

6 comments:

  1. cover ng 500.00 na fee ang workshop for 6 months or registration fee lang?

    ReplyDelete
  2. para sa buong anim na buwan ng workshop. walang reg fee ang panayam ni sir Rio.

    ReplyDelete
  3. ok. that's nice. I'm interested. Thanks for the info.

    ReplyDelete
  4. hi, we've moved the LIRA opening & sir rio's lecture to June 7, sunday. 1PM na ang panayam

    ReplyDelete
  5. gud day, I am DCD (DIAZDANNY1958@YAHOO

    I remember sending/txt you short poem of mine but no response.
    maybe malayo sa pamantayan mo. Di ko consider self ko na makata, just enjoy writing and sharing. And this I will share (again)

    (see Makatang Pinoy pinoy skandal}

    Bugtong ito, sagutin mo

    (title; _________}

    Ganda ng Nanay Mo
    pwede n'yang mabago,
    Pero sa tulad Kho
    siya ay naloko.
    Ngayon eskandalo
    ay nasa Senado,
    S'ya daw ang nagtago
    at meron ding VIDEO.


    (title:_" e")

    Galit sa Salbahe
    hindi raw Maarte,
    Siya raw ay kakampe
    ng mga Babae.
    Mataas malake
    hindi si Enrile,
    Inapi ni Hayde
    ang gusto'y magsabe.

    have a lot more.....

    ReplyDelete