Hunyo 7, 2009: Unang araw ng LIRA Poetry Clinic at public lecture ng National Artist for Literature Rio Alma sa UP Diliman. Unang araw ng anim na buwan na katayan. Matagal ko ring inantay ang araw na 'to, lalo't ito ang unang klinika sa termino ko bilang Pangulo.
Sa umaga, nagkaroon ng orientation ang higit kumulang 35 bagong workshop Fellow. Nagpakilala rin kaming mga Kasapi ng LIRA.
Sa hapon, nagbigay si sir Rio ng kanyang tradisyunal na panayam, ang "Reklamasyon ng Pambansang Gunita." Mas kaunti ang nakadalo sa panayam kaysa nakaraang taon, dahil na rin Linggo at nagkaroon ng pagbabago sa iskedyul.
Pagkatapos, tinungo namin ang Sarah's Beer Garden para sa nakasanayang first-day inuman. (Well, tumotoma naman kami pagkatapos ng halos bawat LIRA session hehe.) Nakasama ng ilang bagong Fellow sina sir Rio, Michael Coroza, Edgar Samar, at mga Kasapi ng LIRA.
Magha-hatinggabi na nang pumunta kami nina Ynna, Debbie, at Jere sa Starbucks Katipunan para tumambay at magtanggal ng amats. Nang magutom, naghanap kami ng makakainan. Sa paglalakad-lakad namin sa Katips, nasaksihan pa tuloy namin ang isang accident scene -- may kotseng tumilapon sa kabilang lane, sa tapat ng Ateneo. Nag-taxi na kami papuntang Mister Kebab sa West Avenue kung saan halos inabot na kami ng bukang-liwayway.
Nakapapagod ang araw, pero masaya. Napagtanto ko rin na ambilis ko nang tumatanda -- 2 taon na ang nakalipas mula nang sumabak ako sa LIRA Poetry Clinic 2007.
(May ilang retrato dito mula sa camera ni JC Sola.)
uy may magkatabing dalawang elyen... anjan pala si Mikong.
ReplyDeleteTeddy bear!!! Big hug kuya kiks hehe <3
ReplyDeletedalawang retrato ko nga ang nabiktima niyang si keith, hahaha
ReplyDeletegrabe after nito nangalahati na. tsk tsk. sayang!
ReplyDeleteuy! yung dalawang beses na makata ng taon! clap clap clap!
ReplyDeletehahaha naalala ko nagsisi si noel na walang kwenta yung mga nasabi namin compared so old members. hahaha!
ReplyDeleteclose your mouth, pres. baka pasukan ng langaw hahaha!
ReplyDeletehay... sana ganyan nalang uli ang panahon. badtrip ang ulan!
ReplyDeletehay kakainis nababoy na ang tawag na "pambansang alagad ng sining" pakshet ka gloria, pati ba naman art minamaligno mong dwende ka!
ReplyDeletekunyare nagnonotes yang si carla pero nagdoodoodle lang! tss!
ReplyDeleteganun talaga no? pagka dipa sikat wala pang surname? hehehe.
ReplyDeletetsss!
ReplyDeletesana mukhang grateful si sir sa gift di ba? hahahaha!
ReplyDeletewahahaha fit na fit! cute!
ReplyDeletewahahaha so lesbo-ish to a!
ReplyDeletewahaha, i remeber this moment when i "philosophically" answered sir rio's question. well, at least he found my answer amusing, mukha daw akong clown.=)
ReplyDeleteactually, more than half nga ata ang nabawas sa kanila :P di na sila lumalagpas ng 12 ngayon, e 35 sila nagsimula. ambilis.
ReplyDeletehahaha! sayang wala atang multiply account si LJ, di siya makagaganti sayo!
ReplyDeletepara nga siyang may superpower sa pic na 'to e :))
ReplyDeleteaba'y ambastos. wahahaha!
ReplyDeleteafter xmas, ang pinakagusto kong mga araw sa diliman ay late may to early june. nagliliyab ang mga fire tree, wala masyadong tao dahil di pa nagsisimula ang klase.
ReplyDeletehahaha yan ang comment na siksik sa inis.
ReplyDeleteonga e mukhang seryosong seryoso!
ReplyDeleteganun talaga ang patakaran ineng :P
ReplyDeleteikaw naman nag-"tsss!" talaga, di na nga pinapahalata e...hekhekhek.
ReplyDeletepanalo talaga ang expression niya diyan.
ReplyDeletemachong macho!
ReplyDeletelet me expound:
ReplyDeleteExhibit A: Debbie's facial expression;
Exhibit B: You're holding her pussycat.
not to mention carla. interested party. :P
ReplyDeleteonga e first day pa lang naaliw na sayo si ser hahaha. sa tatlong taon kong nakasaksi ng Klinika, yung sayo ata ang da best na debut ng isang Fellow. unflappable in the face of sir rio's assaults! =))
ReplyDeletei know, it's so hard to hold on with those RIGOROUS assignments and requirements! if not for the tamunenengs... haysss=))
ReplyDeletei was also about to say the same... naunahan lang ako ni ynna. hehe
ReplyDeleteforeshadowing of what is to come. =))
ReplyDeletemel, kaya mo yan. yan talaga ang pinagdadaanan ng bawat lira fellow. be proud that you've finished the first 2 months. natapos mo na ang pinakamabigat na bahagi :)
ReplyDeletenaks hahahaha!
ReplyDeleteang ganda talaga sa peyups no? :)
ReplyDeletenice! :) [yung shot, nde yung sa paa.. :(]
ReplyDeletehaha nakakatuwa yung tshirt! tas si sir rio pa may suot:D
ReplyDeletepahingi naman niyan.. huhu. :) [ano yung green?]
ReplyDeletelalo na iyang kapirasong kalye na 'yan :P
ReplyDeletehehehe depensib? napakabait na tao talaga ng pinsan ko! :))
ReplyDeleteoo nga e!
ReplyDeletedi ko na matandaan e...pistachio ata? kay ynna yan :)
ReplyDeletegreen tea frappe yan jen jen. wag ka makinig kay phillip. hehehehe.
ReplyDeleteay pahiya ako. hehehe!
ReplyDelete