Wednesday, June 24, 2009

Literary News: ULIRAT Mayo 2009

Lumabas na ang Mayo 2009 isyu ng ULIRAT, ang newsletter ng LIRA (Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo) Filipino poetry group.

Ang ilan sa tampok na mga artikulo:

  • mga bagong Kasapi ng LIRA,
  • ang bagong Pamunuan ng LIRA,
  • mga Kasaping nagwagi sa mga timpalak,
  • mga Kasapi sa mga national workshop,
  • mga bagong lunsad na aklat ng mga Kasapi,
  • mga Kasapi sa mga aklat at lathalaan,
  • Fellows’ Night nitong Disyembre 2008,
  • matagumpay na pagtuturo ng tula ng LIRA at NCCA,
  • Baboy sa Panitikan ni Roberto T. AƱonuevo.
I-download ang PDF file ng pahayagan, o kaya'y basahin ang mga JPEG versions (nasa taas ang Pahina 1 & 12):

Pahina 2 & 11

Pahina 3 & 10

Pahina 4 & 9

Pahina 5 & 8

Pahina 6 & 7

10 comments:

  1. Wow, congrats. Thanks for sharing.

    ReplyDelete
  2. hahaha shinare niya lang yan kasi pinaghirapan niya yang ilay-out at asa front page kasi siya! wahahahaha!

    ReplyDelete
  3. Isang katanungan: naniniwala ba sa New Criticism ang LIRA? Kung hindi, anong dulog sa panitikan ang inyong pinanghahawakan?

    ReplyDelete
  4. Bawat isa sa mga Kasapi ng LIRA ay may kalayaang sumunod o mamili ng sariling tatahaking pag-iisip o istilo ng pagbasa/pagsulat. Walang ipinapataw na pag-iisip ang institusyon sa mga makata nito -- may mga Kasaping naniniwala sa close reading at meron naman sa pagbasa nang may kasamang konteksto o background. Sa huli, pinakapinapahalagahan ng LIRA na ang mga makata nito ay nakababatid at hasa sa tradisyon (hal. tugma at sukat) -- hindi kumbensiyon -- kasabay ng pag-unlad sa mga makabagong anyo ng pagtula. May kasabihan nga kami sa LIRA: "Kapag hindi mo na kailangan ang LIRA sa iyong pagsusulat, nagawa na ng LIRA ang trabaho nito."

    ReplyDelete
  5. wahahaha walang ganyanan! pangit nga ng layout e.

    ReplyDelete
  6. Maidagdag lang: huwag pagkatiwalaan ang aking kasagutan kahit ako ang Pangulo ng LIRA :) Ang mas mainam: subukang maging Fellow sa susunod na taon, o kaya'y maki-sit in sa mga panayam. Sa mga susunod na araw, baka maipaskil ko dito sa Multiply ang tentatibong iskedyul ng mga panayam.

    ReplyDelete
  7. Maraming salamat. Susubukan kong makiupo minsan kung uubra.

    ReplyDelete