Thursday, July 23, 2009

Bagong Trabaho: Writer-Researcher of Filipino War Veterans

Kakagaling ko lang kanina sa Camp Aguinaldo. Sakses ang job interview: magsisimula na ako bilang writer-researcher sa Office of Strategic and Special Studies ng Armed Forces of the Philippines, sa ilalim ni Dr. Cesar Pobre, isang retiradong koronel na may PhD sa History.

Unang dahilan kung bakit gusto ko ang trabaho: susulat at magsasaliksik kami tungkol sa mga
"unhonored, unwept, unsung" Filipino veterans noong WWII at Korean War. Inaasahang gagamitin ang mga maisusulat namin sa isang libro.

Ikalawang dahilan: mula pagkabata, mahilig na akong magbasa tungkol sa kasaysayan, lalo na sa military history.

Ikatlong dahilan: punong-puno ng history books at military miniature models ang library ng OSS. Pareho akong mahilig sa dalawa.

Ikaapat na dahilan: dating pangulo ng Philippine Historical Association ang boss ko. Parang pagpapabatid ito na tuklasin ko na ang childhood love ko (history), lalo't umaandar na rin ako sa isa ko pang pag-ibig (panitikan). Nagtapos ng MA History sa UP Diliman si Dr. Pobre; balak ko namang simulan ang MA History sa parehong pamantasan sa susunod na taon.

Limang buwan ang raket. Dalawang beses kada linggo ko kailangang pumunta sa Kampo para mag-report, pero essentially work-from-home at work-at-your-own-pace siya. Kakailanganin kong pumunta sa mga aklatan (e.g. UP Lib, National Lib, National Historical Institute). Eto pala ang unang non-Internet-based raket ko mula pagka-graduate, kaya medyo nakakapanibago.

Pinahiram na nga ako ni Dr. Pobre ng isang makapal na aklat, ang History of the Armed Forces of the Filipino People (2000, New Day Publishers) para simulan ang research.
Lagpas 700 pahina, hardbound. Siya mismo ang may akda. Nangangati na akong basahin.

Sana makasulat ako ng mga spin-off na tula, sanaysay, at kuwento mula sa mga masasaliksik ko ;)

P.S. Di ko pala sigurado kung sa OSS ang account ko, o sa Philippine Veterans Affairs Office, sa AFP din.

27 comments:

  1. ibig sabihin makakalikom at makakatuklas ka dyan ng mga classified top secret na nag papatotoo na may mga aliens, at mga ilang conspiracy theory kung totoo nga si rambo?hahahaha..astig ka kuya..

    ReplyDelete
  2. aba malay natin. btw, totoo si rambo, totoo si rocky balboa. ang di totoo ay si sylvester stallone. hahaha :) pero seriously, di naman malaki ang raket. eksayted lang talaga ako.

    ReplyDelete
  3. Congratulations!!!
    Good luck sa bagong raket.

    ReplyDelete
  4. Congratulations Phillip. :-) Goodluck and God Bless.

    ReplyDelete
  5. congrats... interesante yan..

    ReplyDelete
  6. O hala, sige hakutin mo na lahat ng trabaho. Diba oks sayo ang PAGASA? Haha. Cheers! Meet you on Saturday?

    ReplyDelete
  7. high five 2000, 2000. congratulations!!

    ReplyDelete
  8. salamats jordan! tinitingnan ko nga CV ko kanina, ganun pala talaga takbo ng career ko. maliliit kaya maraming raket hahaha. yan kasi pag di kaya ng katawan ang 8-5 work ;)

    oo punta kami sa sabado. takits dun!

    ReplyDelete
  9. YEY! YEY! CONGRATULATIONS, brother! =)

    ReplyDelete
  10. SALAMAT carla! uy sa sarahs na raw ang salusalo mamaya, hindi na sa marikina :)

    ReplyDelete
  11. makisingit lang poh---
    san ba ang sarahs na yan?

    ReplyDelete
  12. sa may UP, jack, sa krus na ligas! =) pupunta tayo dun pag-uwi mo! manlilibre ka ng mani! hahahahahahaha!

    ReplyDelete
  13. sureness...kahit sang case ng red horse pah...

    ReplyDelete
  14. congrats, phillip, maraming magandang materyales dyan. Ang tatay ko pala ay beterano din ng digmaan kung di mo naitatanong :)

    ReplyDelete
  15. phillip! gusto ko ng tarbaho na yaaaannn! puwede ba rumaket? WWII ang thesis ko remember? mahilig talaga ako sa bayolens at kaguluhan. hehe. :)

    ReplyDelete
  16. maraming salamat kuya kiko! waw, ganun? baka pwede ko kayong mainterbyu minsan :D naghahanap din kasi kami ng mga 'little stories within the big story.'

    ReplyDelete
  17. haha oo nga pala! sige sabihan kita kung may opening. sa ngayon kasi e puno na ang 2 slots, limited din kasi ang budget :)

    ReplyDelete