Thursday, July 2, 2009

Phil. Creative Industries 2 & "Atang" World Premiere




Nob. 28, 2008: 2nd day ng Philippine Conference on Global Prospectus for the Arts sa UP Diliman. Tulad ng sa 1st day, may libreng palabas pagkatapos: gala night ng dulang "Atang."

Sabi ko sa blag ko dati:

"Pagkatapos naman ng ikalawang araw, gala night ng dulang "Atang", based on the life of National Artist Honorata de la Rama. Putris ang galing lang talaga. Sabi nga ni ma'am Ricci, matagal na mula nang lubos siyang maapektuhan ng isang dula. Di ko rin inasahang mapapaiyak ako ng "Atang."

Ilang beses nag-standing ovation ang mga tao; humihiyaw ang iba (sina Frank Rivera ata) ng "Ang galing!" Di ko mapigilang pumalakpak kahit umaaray na ang mga sugat sa kamay.

On a side note, nahirapan kaming manahimik sa ilang bahagi ng dula dahil sa mga joke ni sir Vim Nadera. Si sir Mike Coroza din ay may mga naging hirit (tungkol sa 'Balagtasan' sa play na medyo naging OA at katawa-tawa). E nagkataong sandwiched pa kami sa dalawa (ser Mike - Ricci - Ynna - ako - Debs - ser Vim).

Pagkatapos ng dula, libreng hapunan. Gusto nang sumuko ng tiyan ko, lalo't nabusog na ako sa food trip namin noong hapon, kung saan nilamutak ko ang 3 stick ng BBQ (mula sa isawan sa Kalai), 1 stick ng chicken balls (mula sa may SC), at corn shake (mula sa Lutong Bahay, na mga 3 taon ko nang di nakakainan).

Halos 10 PM na yata nang bumaba kami at tumabay sa AS steps. Isang oras din ata kaming nagkuwentuhan doon. Mga pagmumuni-muni sa buhay, sa pagsusulat, sa hinaharap namin sa sining, atbp. 'Yung tipong mga usapang nakakakaba pero nakakasabik, nakakadulot ng hiwaga pero nakakapagpaliwanag.

Basta, parang isang mahabang learning experience ang naranasan namin: sinimulan ng conference, pinagpatuloy ng dula, at nagtapos sa kuwentuhan sa AS.

Consensus naming apat (Ynna, Ricci, Debbie, ako): What a day."

Mula sa camera ni Ynna ang mga kuha dito; halos inbalido ang mga kamay ko nito kaya di ko dinala ang DSLR.

24 comments:

  1. fangirl parin naman ako kahit tapos na dumaguete! hehehe.

    ReplyDelete
  2. at ang kulay hinding hindi nagalaw! tsk tsk tsk!

    ReplyDelete
  3. galit ata siya sayo kasi picture ka ng picture! hahaha!

    ReplyDelete
  4. cute! ang saya lang natin nila debbie and ricci nito no! nag semi-picnic tayo ng isaw at shake. awww...

    ReplyDelete
  5. i know! hahaha! phillip mga kuha mo e!

    ReplyDelete
  6. WAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA! sir rio, pis!

    ReplyDelete
  7. ano, ang "kulay"? well hindi talaga nagalaw ang kulay ng pagkain...buwahaha.

    ReplyDelete
  8. ako pa. nagkakalkal ng mga tagong alitan ng mga kumare.

    ReplyDelete
  9. nakakatakot kaya ang tingin niya! :P

    ReplyDelete
  10. sabi nga ni ricci sa facebook: "that was such a great day."

    ReplyDelete
  11. kasama na ang pic na 'to sa Rio Alma Hall of Fame Photos.

    ReplyDelete