Sunday, August 9, 2009

National Artist Awards' Funeral 2: Motorcade, Rally




Agosto 7, 2009: Pagkatapos ng 'necrological service' ng National Artist Awards sa CCP Ramp, ang daan-daang artista at kaibigan ng sining na nakiramay ay nag-motorcade patungong opisina ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) sa Intramuros.

Nakasakay ako sa kotse ni sir Rio Alma (National Artist for Literature) kaya medyo naunang nakarating sa Intramuros. Nagtampo pa nga si Ynna dahil iniwan sila ni sir (na kinaladkad ako dahil may dala akong camera) sa CCP; nakasakay naman sila sa kotse ng mga Borromeo at nakasabay si Nick Pichay, kaya masaya ang lahat sa huli hehe.

Mula CCP, tinahak ng mahabang convoy ang Roxas Boulevard kung saan nakalinya pa ang mga dilaw na watawat nina Cory at Ninoy Aquino. Amin ang isang buong lane. Mahaba ang convoy. Akala tuloy ng mga motorista at commuter e related kay Cory ang prusisyon namin, lalo't may malaking wreath sa unahan ng motorcade.

On the way, nagsakay ng mga nagmamartsa ang mga kotseng may bakante pa. Dalawang coed freshmen ng PWU ang sumama sa amin ni sir Rio.

Paglagpas sa Anda Circle at pagpasok sa Intramuros, sinimulan na ang noise barrage. Lahat ng kotse sa convoy, bumusina. Bumusina nang bumusina hanggang makarating sa NCCA. Naligalig ang buong Intramuros.

Pagbaba namin sa NCCA, sinalubong kami ng malakas na musika mula sa dalawang speaker sa entrance. Pilit dinadaig ang mga busina at sigaw ng mga tao: "Artista ng bayan, ngayon ay lumalaban!"

Lagpas isang oras siguro nagprotesta ang mga tao sa labas ng NCCA. Electric ang atmosphere at masaya. Well, hindi masaya ang ibang tao tulad ng aktres na si Angie Ferro na nakipagsigawan sa mga nagpoprotesta, o ang sekyu ng NCCA na nagulantang nang hugutin ng isang raliyista ang speaker para matigil na ang musika.

Hindi nasilayan si Cecile Guidote-Alvarez. Mapayapa namang nag-disperse ang mga tao, pero pagkatapos lang magbabala kay Guidote-Alvarez na "Babalik kami! Mas marami!"

Tinungo namin nina sir Rio (mga taga-LIRA at iba pang manunulat at kaibigan) ang Harbor Square para -- ano pa ba? -- uminom at 'magpahinga.' Nang matapos naman 'yun, nagpaiwan kami nina Ynna at Debbie (the Dapitdilim trio) para sa isang barkada talk. Lagpas hatinggabi na nang umuwi kami.

60 comments:

  1. ay naku... iba na talaga ang favorite :P
    hahahaha

    ReplyDelete
  2. Atong Redillas!!!! waaaaahhhh....

    ReplyDelete
  3. nyek peyborit ka dyan mic, nagkataon lang na meron akong camera kaya kinaladkad na lang ako nang ganun wahaha :P

    ReplyDelete
  4. kelangan ko pang i-research sa google kung sino si atong redillas! hehehe.

    ReplyDelete
  5. dito sa NCCA bldg. sa news pinakita yung kaguluhan at hablutan ng ralista at ncca emps.

    ReplyDelete
  6. wahahaha! ayus at yun pa talaga ang napanood ng mga tao sa buong mundo. bad trip nga si ynna na sandali lang kami dun e, baka daw may aksyon pa kung magtatagal. pero siempre, okey na maayos umalis ang mga tao.

    ReplyDelete
  7. hahahaha!!! oo nga. as in talagang maaksyon ang nangyari dun. pero wala namang nasaktan. natural lang na magkainitan ang magkabilang panig.
    intriga nga ako kc b4 that event di ba pinost nyo sa yahoo group at FB kaya aware ako na may rally. so super abang ako. kaya napanood ko lahat ng eksena. 4 channels kc ang TFC ng ABSCBN. ang TFC 1 yan ang regular channel same jan sa pinas kung ano ang napapanood nyo, napapanood rin namin esp. bandila, tv patrol news and curent affairs liban lang sa mga telenovela me changes ng time. ang ikalawa ay ANC- news channel. lahat ng news 24/7. ang ikatlo, KAPAMILYA channel- dito lahat rewind kumbaga old shows mapapanood dito at saka yung last month pa na shows. at ang huli CINEMA ONE- movies lahat.

    ReplyDelete
  8. hahaha! salamat sa primer sa mga palabas diyan jack. ngayon alam ko na ang aasahan ko kung sakaling mapunta ako sa disyerto :) nakakabilib ka a, talagang binantayan mo pala ang mga kaganapan dito sa pinas. wag kang mag-alala, you'll have your own experiences like this next year or so.

    ReplyDelete
  9. ayos. pero sana wala ka nang maabutang ganitong event. wala na dapat mangyayaring ganitong 'milagro' sa sining ng pinas :)

    ReplyDelete
  10. sana.
    gobyerno ang dapat magbago nang hindi malapastanganan pati ang sining at kultura.

    ReplyDelete
  11. haha. hoy, funeral, dapat malungkot kayo, buti pa si debbie kahit pilit!
    haha.

    ReplyDelete
  12. wag ka ganyan rin kami kasi inabandona niyo kami ni sir rio! hmph!

    ReplyDelete
  13. ayan jan kami nakisakay! hehehe kay mrs boromeo. =)

    ReplyDelete
  14. wahahaha ang mga pulubeng nakisakay!

    ReplyDelete
  15. ang mamang ayaw makipag dialogo sa babaeng autistic.

    ReplyDelete
  16. ANG PAPANGIT! BABOY! PARA LANG KAYONG YUNG BOSS NINYO! BABOY!

    ReplyDelete
  17. I LOVE YOU, Sir Bien! ang ganda ng picture na to! as in! kuhang kuha ang moment!

    ReplyDelete
  18. na sa sobrang lakas ng hangin e nilipad yung isang garlic bread ko! =(

    ReplyDelete
  19. ay ang cute ang saya nga niya! hahaha!

    ReplyDelete
  20. Ynna. Pagod sa kakasigaw sa NCCA. hehehe

    ReplyDelete
  21. hahaha! oo si debbie lang ang nagpopose ng ganyan lahat na pacute! hehehe

    ReplyDelete
  22. gobyernong binaboy ng nuno sa punso!

    ReplyDelete
  23. ano ka ba! childstar yan gaya mo!

    ReplyDelete
  24. pilit talaga si debbie, nakasimangot nga pero may peace sign! =))

    ReplyDelete
  25. siya ang pinakamagaling na Dapitdilim writer pagdating sa spontaneous posing for the camera. pwede na pang National Artist!

    ReplyDelete
  26. sang part kayo ng convoy? gitna o dulo?

    ReplyDelete
  27. hahaha. ang hirap kaya kumain nun! natatakpan ng buhok ko ang mukha ko e.

    ReplyDelete
  28. natuklasan mo tuloy ang isang tagong talento mo haha.

    ReplyDelete
  29. aba, pumunta pala kayo. Dapat pupunta rin ako kaso may ginagawa. Tatay ko na lang yung pumunta. Parehas naman kami ng sentimiento diyan e. :)

    ReplyDelete
  30. hindi yun tago, matagal lang na hindi ginamit. tanong mo high school friends ko. hehehe.

    ReplyDelete
  31. wow tatay mo nga! ang cool naman! =D

    ReplyDelete
  32. sayang di na ka nakapunta. at least may representative ang Doctor family :P

    ReplyDelete
  33. sabagay, halata naman ang potensiyal kahit sa pang-araw-araw na pananalita...wahaha!

    ReplyDelete
  34. hahahaha! kelan kaya mababasa ni ynna ito... :P

    ReplyDelete
  35. i love poverty...ngayon,. friend na kami ni atty pichay!!!

    ReplyDelete
  36. hehehe hindi naman po childstar. child actor lang. =))

    ReplyDelete
  37. kelan ka naging childstar phillip?:D nasa youtube na ba un?hehe

    ReplyDelete
  38. gradeschool pa yun :) at siguradong wala sa youtube hehe!

    ReplyDelete
  39. hayaan niyo gels hahanap ako nung episode na iyon at i-u-youtube natin yan! hahaha

    ReplyDelete