Thursday, August 20, 2009

National Artists File Petition at the Supreme Court




Agosto 19, 2009: Pumunta ang mga Pambansang Alagad ng Sining Virgilio S. Almario (Rio Alma) at Salvador Bernal, kasama ang mga artista, iskolar, at kaibigan sa Korte Suprema upang maghain ng petisyon laban sa dagdag-bawas na naganap sa National Artist Awards.

Nagkita-kita kaming limang Dapitdilim/LIRA writers (Ynna, Debbie, Carla, Jere) sa LRT2 Recto bago sumakay ng LRT1 papuntang Taft. Buti nakaabot kami sa 10 A.M. na call time.

Di ganoon karami ang mga tao kaysa noong 'lamay' sa CCP at rally sa NCCA, pero masaya pa rin ang atmosphere. Dalawa lang ang National Artists dahil nakapirma na ang iba sa petition.

Lagpas tanghali na nang umalis kami ng Supreme Court. Tinungo ng grupo namin nina sir Rio ang Robinsons Ermita para mananghalian. Aristocrat ang napili. Dahil medyo kapos ang budget naming 5 'bata', nagboluntaryo si sir na sagutin ang tig-100 sa pagkain namin. Hehe.

Dapat ay dadalo ako sa hapon sa awarding ceremonies ng UP Manila - Sentro ng Wikang Filipino literary contest kung saan naging hukom ako. Ang kaso, medyo nagtagal kami sa Aristocrat kaya di na ako nakahabol.

Humiwalay na kaming 5 sa mga seniors pagkatapos mananghalian. Naglibot-libot muna kami sa Robinsons bago pumunta sa Malate (Adriatico) para magkape sana sa Penguin. E sarado pa pala. Ayun, napunta tuloy kami sa Starbucks (walang ibang bukas) at mas napagastos.

Inabot kami ng gabi sa pagtambay. Adventure ang pabalik sa LRT1 sa Taft; di namin kabisado ang Malate kaya napakalayo ng aming nilakad. Napunta pa kami ng Quirino Avenue. Sa LRT2 na kami naghiwa-hiwalay.

67 comments:

  1. BUTI NA LANG PAla di ako sumama, kundi OP -ness ako ...

    ReplyDelete
  2. tsang!!! mapupunit na ang mga cartilage mo sa leeg!!!hahaha

    ReplyDelete
  3. hahaha, kasi naman masyadong inuunat sa pagkuha ng *sariling* pic!

    ReplyDelete
  4. wahahaha nakakatawa kasi sa next picture biglang seryoso si sir! wahahaha! i love it!

    ReplyDelete
  5. ayan o! parang walang nangyari! :))

    ReplyDelete
  6. chub, di yan yung petition. sa signature campaign lang yan. 30 sigs if ever sa petition yan. :)

    ReplyDelete
  7. oo mahirap kumita ng pera! wahahah!

    ReplyDelete
  8. wahahaha hindi mo nga alam na anjan kami e! salamat sa konting space sir jun at sir rio! hehehe!

    ReplyDelete
  9. wahahaha at least nahiya na kami ng konti! :))

    ReplyDelete
  10. wahahaha si sir talaga o artista!

    ReplyDelete
  11. dapat kasi anjan somewhere si bart guingona e! hahaha!

    ReplyDelete
  12. bakit mas maganda pag ako kumukuha? kasi wala ka na sa picture so hindi na masyadong aayusin? ha? ha? ha? hehehe pis, chub!

    ReplyDelete
  13. hindi ko alam kung totoo yung kay jere pero si sir anril chene lang yan, umarte talaga siya! hahaha!

    ReplyDelete
  14. ayan kayong mga camwhore! tsk tsk tsk!

    ReplyDelete
  15. dapat ganito ang caption, Ynna mamamalengke. hahahaha!

    ReplyDelete
  16. i love this picture!!! bagong pang facebook uli!!!!

    ReplyDelete
  17. totoo ba to o arte nanaman? hahahah!

    ReplyDelete
  18. uyyy masaya! wahaha pathetic tinukso ang sarili!!!

    ReplyDelete
  19. shet ka akala ko pa naman kasama parin si dean diyan!

    ReplyDelete
  20. yan ang mga candid moments immortalized kapag magaling mag-document ;) hehehe.

    ReplyDelete
  21. naging solemn bigla si ser sa pagdaan ng mga madre. (lame comment.)

    ReplyDelete
  22. ay oo nga sori :P alam kong iba yun, di ko lang naisip yung tamang term haha. tenks.

    ReplyDelete
  23. oo nga e. hanggang ngayon wala pa rin akong sweldo!

    ReplyDelete
  24. onga e mejo nagulat ako nung nakita ko na full-res ang mga pic :-L

    ReplyDelete
  25. hiya na ba ang tawag jan? siempre wala kayong choice, nakuha na ni sir nick ang space! hahaha

    ReplyDelete
  26. buti tinanggal niya nga yung hat niya dyan e :P

    ReplyDelete
  27. nahiya nga ako nang nahuli niya akong kinunan siya :))

    ReplyDelete
  28. ibig sabihin ay hindi ka pa dalubhasa sa sining ng self-taken pics, di tulad ko. (is that good or bad? hehe!)

    ReplyDelete
  29. oy, kaya ganyan yang kuhang iyan e dahil gusto kong kasama ang supreme court sa background. tsss!

    ReplyDelete
  30. hehe mukhang totoo naman yung ke jere

    ReplyDelete
  31. aba in pernes tu yu! magaling mag-caption! wahahaha.

    ReplyDelete
  32. mas trips ko yung kuha ko ke abad santos :)

    ReplyDelete
  33. onga e, nakita ko na sa facebook page mo. ipinagpalit na si illac diaz!

    ReplyDelete
  34. yes, i can see the not-too-subtle hint of a smile on your face. tsk! :))

    ReplyDelete
  35. Thanks for posting the photos, Philip!

    ReplyDelete