Tuesday, September 15, 2009

Unang Beses Maging Judge sa Literary Contest

Nitong nakaraang Agosto, ikinalugod kong maanyayahang umupo bilang hurado sa UP Manila Sentro ng Wikang Filipino (SWF) Paligsahan sa Pagsulat ng Tula at Sanaysay. Bahagi ang timpalak ng pagdiriwang ng UPM ng Buwan ng Wika 2009.

Judges' tokens: pigurin ng UP Oblation, sertipiko ng pasasalamat, at munting honoraria (puting sobre).

Ako na mismo ang magsasabi: hindi ako naging inampalan dahil sa pagiging dalubhasa ko sa pagtula at pagsulat ng sanaysay. Naging hurado ako dahil inimbitahan ang Pangulo ng LIRA, at ginampanan ko lang ang trabaho ko. Pero siyempre, masaya dahil pers taym.

Nakasama ko sa lupon ang mga ka-LIRA na sina Dr. Lilia Antonio at Prop. Vim Nadera.

Lubos akong nagpapasalamat sa UPM-SWF sa pamumuno ng Direktor nito, si Prop. Ma. Lucia M. Magallona, at kay Prop. Josephine D. Agapito na kasalukuyang Fellow sa LIRA Poetry Clinic 2009. Hindi ko inasahan ang ibinigay nilang tokens (retrato sa itaas). Tuwang-tuwa naman ako dahil wala pa akong pigurin ni Oble hehe.

10 comments: