Part 2 ng field trip sa bayan ng San Miguel sa dulo ng Bulacan para sa "Pagpupugay sa mga Pambansang Alagad ng Sining," the Virgilio S. Almario leg noong Oktubre 30, 2009.
Pagkatapos ng "Kumperensiyang Rio Alma" sa umaga, ginanap ang mismong pagpupugay kay sir Rio ng kanyang bayang tinubuan.
Naging mahaba ang programa na winakasan ng isang pagtatanghal ng dula tungkol sa buhay ni Rio Alma ng Barasoain Kalinangan Foundation (truncated version ng itinanghal nila sa parangal sa Malolos noong 2008).
Kinagabihan, inanyayahan ni sir Rio ang kanyang mga bisita sa isang salusalo sa kanyang tahanan sa Camias, San Miguel, malapit na sa Nueva Ecija. Masarap ang pagkain. Siyempre, di nawala ang toma.
Napawi ang pagod ng mga makatang LIRA nang masilayan ang--at makapasok sa--retirement home ni sir Rio, ang kanyang "Bahay Bulawan"...lalo pa nang gumala kami sa loob ng library ng National Artist. Nagbibiruan na kami noon kung ano-anong libro ang pwedeng isilid sa bag nang naabutan kami ni ser. Bakas na bakas lang ang kaba sa kanyang mukha nang masaksihan ang aming panghihimasok, hehehe.
Bago pumatak ang 9 PM, tumulak na kami pabalik ng Maynila. Nagsimula nang humataw ang bagyong Santi sa daan. Tulad ng morning trip, inabutan kami ng saksakan ng trapik sa Balintawak.
1 AM na kami nakarating sa Philcoa kung saan naghiwa-hiwalay ang mga makata. Napagtanto naming halos 24 oras na pala kaming magkakasama. Ang saya lang.
Background sa event: ang "Pagpupugay" ay proyekto ng National Commission for Culture and the Arts at UP Institute of Creative Writing. Kinomisyon ako bilang photographer ng event, pero pipitik pa rin ako ng retrato kahit nagkataong walang bayad bilang pangulo ng LIRA at tagahanga ni sir Rio.
(Ang ilang kuha rito ay galing sa camera ni Ynna.)
Interesting. Taga-San Miguel pala si Rio Alma.
ReplyDeleteThis looks great -- Our National Artits Rio with his bust!
ReplyDeletenakakainggit naman!
ReplyDeletekung anjan ba ako, sureness na kasama ako jan...
si debbie talaga... obvious
ReplyDeleteyup. camias, san miguel to be exact :)
ReplyDeleteindeed! :)
ReplyDeleteoo, sigurado yun jack. o, malapit na ang 2010. balitaan mo kami sa mga plano mo :)
ReplyDeletedapat turuan yan ng tamang posing e. hahaha!
ReplyDeleteoo...
ReplyDeletemiss ko ang tropa.
may mga binigay sa inyong libro?
ReplyDeletewala nga e, sayang! kinabahan pa nga si sir rio nang nakita kami sa loob ng library niya hehehe.
ReplyDeleteparang mga intruder kasi naman pagmumukha niyo...hahahaha!!! lalo na si debz o.
ReplyDeletesinabi mo pa! :P
ReplyDeleteang ganda nito! tsss! kung di ako tumabi niyan sasagasaan nila ako e!
ReplyDeletebored na, sir? o default masungit face lang? wahahaha!
ReplyDeletehmmm... really happy? hahahah!
ReplyDeletemocking! wahahaha!
ReplyDeletejan ba sa number na yan natutuwa pa kaya siya?! wahahahahaha! sir mike kanta na!!!!!!!!!
ReplyDeleteang sarap nito!!!!! as in!!! sir, penge pa uli! tinago kasi nung waiter e!!! tsss!
ReplyDeleteang gwapo talaga ng batang to, pero parang bebecky paglaki. pero keri bebenta parin siya! :))
ReplyDeletesa wakas natapos din ang buong araw na RIO ALMA DAY! wahahahaha!
ReplyDeletehahaha ang cute naman ni sir rio dito!
ReplyDeletesayang hindi talaga ako akapagnakaw dito! tssss!
ReplyDeletewahahaha! ayaw magpapigil!!!
ReplyDeleteynna, your thoughts! :O hehehe.
ReplyDeletekahit wala yung picture alam ko ang tinutukoy mo dito. ang sama! :P
ReplyDeletemukhang default face lang!
ReplyDeleteoverexposed nga e :(
ReplyDeleteone of the longest days of my literary life! hahaha.
ReplyDeletetulad ng ginagawa mo sa library ni ___? bwahaha!
ReplyDelete