Part 1 ng field trip sa bayan ng San Miguel sa dulo ng Bulacan para sa "Pagpupugay sa mga Pambansang Alagad ng Sining," the Virgilio S. Almario leg noong Oktubre 30, 2009.
Ang "Pagpupugay" ay proyekto ng National Commission for Culture and the Arts at UP Institute of Creative Writing. Kinomisyon ako bilang photographer ng event, pero pipitik pa rin ako ng retrato kahit nagkataong walang bayad bilang pangulo ng LIRA at tagahanga ni sir Rio.
Para na ring grand homecoming ang event, sapagkat ang San Miguel ang tinubuang bayan ni sir Rio. 2nd time kong makasama sa isang parangal kay sir Rio sa Bulacan; ang una'y sa Malolos noong 2008.
4 AM pa lang, nagkita-kita na ang mga makatang kaibigan at mag-aaral ni ser sa UP Diliman. 2 van ang inarkila, isa para sa mga seniors (malalapit na kaibigan ni ser) at isa para sa LIRA (ang samahang itinatag ni ser).
Trapik sa Balintawak papasok ng NLEX. Buti na lang at on time kaming nakarating sa San Miguel. Nag-stop over pa kami sa munisipyo kung saan akala ko'y nasa Baguio na kami -- mahamog kasi at nakajacket pa ang ilan sa amin pagbaba ng van.
Pagkatapos, dumeretso kami sa San Miguel South District School. Pagdating namin sa paaralan, signal no. 2 na raw ng bagyong Santi. Maaraw naman kaya nagtaka kami.
Agenda for the morning: "Kumperensiyang Rio Alma." Nagbigay ng mga panayam ang tatlong matitinik na makata at kaibigan ni sir Rio, sina Rogelio Mangahas, Michael Coroza, at Roberto AƱonuevo.
Pagkatapos ng conference, inalayan si sir Rio ng kanyang mga kababayan ng mga tula. Sumunod ang libreng tanghalian.
Nasa susunod na album ang afternoon programme, ang mismong pagpupugay kay Rio Alma.
(Ang ilang kuha rito ay galing sa camera ni Ynna.)
oy pilip alam mo ba taga-san miguel, bulacan din ako hehe..
ReplyDeleteThank you Phillip! Great photos of the grand event. I wish I could have been there with all of you to cheer for RIO!
ReplyDeletedi ko pa nabasa yung caption mo sa baba...
ReplyDeletepero unang tingin ko sa u ay yun na nga. taba mo kim po.
ang linis a.
ReplyDeletewow. ano ba ang meron sa tubig ng san miguel at andami nitong anak na magagaling sa sining? hehe.
ReplyDeleteyou're welcome ma'am :) we missed you there!
ReplyDeletehay kelangan na ng diyeta! di na ako magkasya sa mga damit ko.
ReplyDeleteonga e :) buti pa dun hehe.
ReplyDeleteparang asa baguio tayo!
ReplyDeletemagnanay!
ReplyDeletesi sir mike ganda ng smile! ahahahaha!
ReplyDeleteang pogi........................ni sir roger! wahahaha! peace sir vim!
ReplyDeleteoo nga e. teka lahat ng comments mo walang kasamang pics, hinuhulaan ko lang tuloy ang mga tinutukoy mo! :P
ReplyDeletekami ba ni miss lee tinutukoy mo dito? :P
ReplyDeletefangirl na fangirl a!
ReplyDeletebakit parang scripted yung paglakad nila? hehe
ReplyDeletehahaha kakaibang interpretasyon yan!
ReplyDeletenalalagas yung mga pics!!! Waaah
ReplyDeletehay kelan kaya aayos ang multiply...
ReplyDelete