Sunday, May 2, 2010

Kuya Allan's Despedida at Pangasinan




April 13, 2010: Going-away dinner of Fr. Allan Abuan, Ynna's elder brother, at the Abuan residence in Mangaldan, Pangasinan. Papunta si kuya Allan sa USA para mag-aral.

Mga 2-3 AM kami umalis ni Ynna sa Cubao. First time namin makasakay sa Dagupan Bus dahil wala pang trip ang Victory Liner, at nakakatamad tumawid ng EDSA papuntang Five Star. Mga 7 AM kami nakarating sa Pangasinan.

Bumaba kami sa Manaoag para makapagsimba na rin, tutal at napaaga ang dating namin. Unang bisita ko sa Our Lady of Manaoag sa taong 2010.

Pagkadating sa bahay nina Ynna sa Mangaldan, nakatulog na kagad ako. Eight hours hehe. Bawing-bawi sa pahinga, kahit medyo dyahe sa pamilya Abuan.

Bandang 5 PM dumating si Kuya Allan mula Maynila, kasabay ng truck na nagdala ng mga gamit niya.

Nagpahinga kami nang ilang oras pagkakain. 11 PM na ata nang bumiyahe kami ni Ynna pa-Maynila kasabay sina Kuya Allan, Ramil, at Matu.

5 comments:

  1. hay naku kung andyan lang ako, ako ang mangunguna sa agawan hahaha!

    ReplyDelete
  2. hahaha,,, tito quiet ka lang dun sa secret natin dun sa pang shave ni tita ynna hahaha :))

    ReplyDelete
  3. hahaha. mahina nga po si ynna sa agawan e! :P

    ReplyDelete