Pakikalat po, lalo sa mga kakilala ninyong guro. Maraming salamat!
* * * * *
Pambansang Kumperensiya sa Panulaang Filipino sa Nobyembre 2010
Gaganapin sa Nobyembre 25-26, 2010 sa Maynila ang kauna-unahang Pambansang Kumperensiya sa Panulaang Filipino. Layon ng dalawang araw na kumperensiya na tipunin ang mga makata, kritiko, at guro ng tula upang talakayin ang mga napapanahong usapin ng pagsusulat, pagbabasa, at pagtuturo ng Tula sa Filipinas.
Ang kumperensiya ay may endoso mula sa Commission on Higher Education (CHED), Department of Education (DepEd), at Komisyon sa Wikang Filipino (KWF). Itinataguyod ito ng Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA), ang nangungunang samahan ng mga makatang nagsusulat sa Filipino na itinatag ng Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan Virgilio S. Almario.
Ang bayad sa rehistrasyon ay dalawang libong piso (Php 2,000) para sa conference kit, pagkain sa kabuuan ng kumperensiya, at kopya ng mga lektura. Mayroong 20% diskuwento para sa mga grupo ng lima o higit pang delegado.
Ilalabas ang iba pang detalye ng kumperensiya sa mga susunod na araw. Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan lamang kay Eva Cadiz sa mga numerong 9818500 loc. 2117 (Lunes hanggang Biyernes) at 0927-9245242, o kaya sa gondour03@gmail.com.
Please spread the word too:
ReplyDeleteAs part of the yearlong celebration of the UP Department of English Centennial, 1. we are inviting all English language teachers and policy makers to the International Conference on Language at the SMX Convention Center, Mall of Asia on September 16 to 17, 2010. Plenary speakers include language experts from the University of Oxford (Dr. Suzanne Romaine, Dir. David Graddol), British Council (Dr. Mina Patel), and University of Hongkong (Dr.Thomas Andrew Kirkpatrick).
2. the DECL Centennial production, world-acclaimed play, Information for Foreigners, by a world-acclaimed writer, Griselda Gambaro, and directed by worl theatre artist, Dr. Anton Juan, at the College of arts and Letters Building, UP Diliman on the martial law week (Sept. 20 to 26), at 7 pm.
will do my best to help, ma'am :)
ReplyDeletedo come to the play. it wil be a unique theatre experience for you and your friends in lira and umpil.
ReplyDelete