Thursday, February 14, 2008

Lit Submissions Overload

Mula sa aking bagong blag post sa Karimlan:

Sobra-sobra ang dami ng:

  • Mga lit contest/workshop/anthology sa susunod na tatlong buwan, kabilang ang Pebrero;
  • Mga kailangang isulat — tula sa LIRA at erotika sa isang buk prajek;
Sa item #1, gusto ko sanang salihan lahat at magpasa sa lahat. Mahina pa naman ang aking batting rate sa pagka-publish (uh, halos bokya?) at pagkapanalo (uh, mas halos bokya?), kaya mainam nang makarami.

Lit contest: 3. Writing workshops: 2 out of 4 (DQ'd ata ako sa Iyas, at hindi ako mangangarap sa UP National Writers' Workshop). Anthology/call for submissions: 3.

Mabuti sana kung sa Tagalog lang ako magpapasa. Ang kaso, susubukan kong bumalik sa pagiging bilingual writer.

Sa item #2 naman...sa mga kasama kong manunulat sa isang natatanging buk prajek, sori at hindi ko pa maedit-edit ng matino ang kuwentong erotika ko. Hehe. At kailangan ko bang gumawa pa ng pangalawang kuwento para pandagdag sa word count? Lagot!

Gud lak sa atin. At sa akin.

4 comments:

  1. (sings: "Sugod, mga kapatid!" ng Sandwich)

    salamat tita! pag may napanalunan, blowout niyo ako ni tito ha ;)

    ReplyDelete