Monday, February 4, 2008

Tagalog Naman

Masyado nang magulo ang isip ko nitong mga huling araw. Isa sa mga biglang ihip ng hangin sa munting mga pasikot-sikot ng utak ko ay: ayoko nang mag-Ingles dito sa Multiply ko. Nakakasawa na e.

At siyempre, mas malulutong ang mga mura sa wikang kinalakhan.

'Yung pauso kong "blog posts wrap-up", itutuloy ko pa rin 'yun, para na rin makatulong ng kaunti sa paglalagay ng kaayusan sa buhay ko. (Putris ang drama.) Maglalagay na rin ako ng mga retrato dito, lalo na 'yung mga kuha mula sa bakasyon (cliche!) at literary events.

4 comments:

  1. yes. maka-Filipino! :) baka gusto mo magpart-time sa KAL? =D

    ReplyDelete
  2. hahaha. malay natin. e lagi na akong nagagawi sa KAL lately e.

    at ikaw! magpasya ka na! :P

    ReplyDelete
  3. tama ka. mas malutog ang mura sa wikang pinoy! apir sir!

    ReplyDelete